Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 6/15 p. 29
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Pagpaplano ng Pamilya—Ang Kristiyanong Pangmalas
    Gumising!—1993
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1993
  • Sino ang Dapat Magpasiya sa Laki ng Pamilya?
    Gumising!—1996
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 6/15 p. 29

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Kasuwato ba ng mga simulain sa Bibliya na ang mag-asawang Kristiyano’y gumamit ng mga pildoras upang masugpo ang pag-aanak?

Ang Kasulatan ay hindi malinaw na nagsasabing ang mga mag-asawang Kristiyano’y obligado na magkaanak o, kung sakaling sila’y magkakaanak, ilan ang dapat nilang maging anak. Bawat mag-asawa ay nararapat sarilinan at may pananagutan na magpasiya kung kanilang lalagyan ng limitasyon ang laki ng kanilang pamilya. Kung sakaling nagkasundo sila na magpigil ng pag-aanak, ang kanilang pagpili ng mga kontraseptibo ay isa ring bagay na pansarilinan. Gayunman, nararapat na isaalang-alang nila​—kasuwato ng kanilang pagkaunawa sa Bibliya at ng kanilang budhi​—kung ang paggamit ng isang paraan ay nagpapakita ng paggalang sa kabanalan ng buhay.

Ipinakikita ng Bibliya na ang buhay ng isang tao ay nagsisimula sa sandaling siya’y ipaglihi; nakikita ng Tagapagbigay-Buhay ang ipinaglilihing buhay, “maging ang binhing sumisibol pa lamang” na pagkatapos ay lálakí na sa bahay-bata. (Awit 139:16; Exodo 21:22, 23a; Jeremias 1:5) Kung gayon, hindi dapat pagsikapan na utasin ang isang ipinaglilihing buhay. Ang paggawa ng gayon ay aborsiyon.

Ang mga pildoras sa birth control ay malaganap na ginagamit sa buong daigdig. Paano masusupil nito ang pag-aanak? Mayroong dalawang pangunahing klase ng pildoras​—ang combination pill at ang progestin-only pill (minipill). Sa pamamagitan ng pananaliksik ay nabigyang-linaw ang pangunahing mekanismo para sa pagsugpo sa panganganak.

Ang combination pill ay mayroong mga hormone na estrogen at progestin. Sang-ayon sa U.S. Food and Drug Administration, “ang pangunahing mekanismo” ng combination pill ay “pagsupil sa ovulation.” Wari nga na pagka gumamit nito nang panayan, ang uring ito ng pill ay halos sa tuwina’y humahadlang sa paglaya ng isang itlog buhat sa obaryo. Pagka walang itlog o ovum na nakalaya, hindi maaaring maganap ang paglilihi sa Fallopian tubes. Samantala ang ganitong klase ng pill ay maaari ring maging sanhi ng mga pagbabago sa “endometrium [sapin ng bahay-bata] (na nagbabawas ng posibilidad na mapatanim doon ang binhi),” ito ay itinuturing na isang pangalawang mekanismo.

Upang mabawasan ang mga side effects nakagawa na ngayon ng mga combination pills na mayroong mabababang dosis ng estrogen. Marahil, ang mabababang-dosis na ito ng mga combination pills ay nagbibigay-daan sa higit pang aktibidad sa mga obaryo. Si Dr. Gabriel Bialy, hepe ng Contraceptive Development Branch of the National Institutes of Health, ay nagsasabi: “Mas marami ang patotoo ng siyensiya na nagpapakitang kahit na lamang sa low-estrogen pill, ang ovulation ay nahahadlangan, hindi 100%, kundi malamang na mga 95% lamang. Subalit ang bagay na naganap ang ovulation ay hindi kapareho ng pagsasabing naganap ang pertilisasyon.”

Kung sakaling nakaligtaan ng isang babae ang pag-inom ng combination pill alinsunod sa takdang iskedyul, mayroong karagdagang posibilidad na ang pangalawang mekanismo’y gaganap ng bahagi sa pagsupil sa pag-aanak. Sa pag-aaral tungkol sa mga babaing hindi nakainom ng dalawa sa mababang-dosis na pills ay natuklasan na 36 porsiyento ang “nakaiwas” sa ovulation. Ang lathalaing Contraception ay nag-uulat na sa ganiyang mga kaso ang “epekto ng pills sa endometrium at sa cervical mucus ay baka magpatuloy ng paglalaan ng . . . kontraseptibong proteksiyon.”

Kumusta naman yaong isa pang klase ng pill​—ang progestin-only pill (minipill)? Ang Drug Evaluations (1986) ay nag-uulat: “Ang pagsupil ng ovulation ay hindi isang prominenteng bahagi ng contraception na ginagamitan ng progestin-only minipills. Ang mga ahenteng ito ang sanhi ng pagkabuo ng isang makapal na cervical mucus na hindi matatagos ng binhi ng lalaki; ito’y maaaring makadagdag ng panahon para sa tubal transport at maging sanhi rin ng endometrial involution [na hahadlang sa pagkabuo ng anumang pertilisadong itlog].”

Sinasabi ng mga ibang mananaliksik na sa pamamagitan ng progestin-only pill, “ang ovulation ay nagaganap sa mahigit na 40% na mga gumagamit.” Samakatuwid ang pill na ito ay malimit na nagbibigay-daan sa ovulation. Ang malapot na uhog sa cervix ay maaaring makaharang upang huwag makalampas ang sperm at sa gayo’y makahadlang sa paglilihi; kung hindi, ang pangit na kapaligiran na likha ng pills sa matris ay maaaring makahadlang sa pertilisadong ovum sa pagtatanim nito at paglaki upang maging isang sanggol.

Kung gayon, mauunawaan na kung gagamiting palagian para sa pagsugpo ng pag-aanak, kapuwa ang mga pangunahing klase ng pills ay waring sumusupil sa mga paglilihi upang huwag magtuloy sa karamihan ng kaso at sa gayo’y hindi iyon pagpapalaglag. Gayunman, yamang ang progestin-only pill (minipill) ay kalimitang nagbibigay-daan sa ovulation, mayroong lalong posibilidad na ito kung minsan ay pumipigil sa pag-aanak sa pamamagitan ng paghadlang sa pagtatanim sa bahay-bata ng isang ipinaglilihing buhay na nagsimula na. Ipinakikita ng mga pag-aaral ng mga siyentipiko na sa normal na paraan (kung ang isang bahay-bata ay di-apektado ng birth control pills) “seisenta porsiyento ng pertilisadong mga itlog ang . . . nawawala bago maganap ang unang sumalang paglilihi.” Gayunman, ang pangyayaring ito ay lubhang naiiba sa pagpili ng isang paraan ng birth control na malamang na makahadlang sa pagtatanim ng isang pertilisadong itlog.

Samakatuwid, mayroong tiyakang mga aspetong moral na dapat isaalang-alang kung sakaling ang mag-asawa’y makikipag-usap sa isang manggagamot tungkol sa paggamit ng birth control pills. Dapat lutasin ng mga Kristiyano maging ang mga suliraning pansarili o personal upang sila’y manatiling may “lubos na kalinisan ng budhi” sa harap ng ating Diyos at Tagapagbigay-Buhay.​—Gawa 23:1; Galacia 6:5.

[Talababa]

a Tingnan ang The Watchtower ng Agosto 1, 1977, pahina 478-80.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share