Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 4/1 p. 23
  • Pagtanggap sa Mabuting Balita sa Belgium

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagtanggap sa Mabuting Balita sa Belgium
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Kaligayahan ang Humalili sa Panlulumo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Ginanti ang Paghahanap ng Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • “Mula sa Bibig ng mga Sanggol”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Desididong Mamuhay Ayon sa Pamantayang-Asal ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 4/1 p. 23

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Pagtanggap sa Mabuting Balita sa Belgium

“SINO ba ang nakakita na ng mga bagay na katulad nito?” ang sabi ng tanggapang sangay ng mga Saksi ni Jehova sa Belgium. (Ihambing ang Isaias 66:8.) Ang magandang bansang ito ay nag-uulat ng pinakasukdulang bilang na 24,464 na mamamahayag para sa 1989 taon ng paglilingkod. Nagkaroon din ng 4 na porsiyentong pagsulong sa katamtamang bilang ng mga nakikibahagi sa pangangaral bawat buwan.

◻ Ang mabuting balita na inihahayag ng mga Saksi ni Jehova ay kinilala ng isang paring Katoliko na sa isang pang-Linggong misa ay nagsabi sa kaniyang parokya: “Kung tutuktok sa inyong pinto ang mga Saksi ni Jehova, magbukas kayo sa kanila. Taglay nila ang katotohanan!” At gayon nga ang ginawa ng isang babae. Nang tumuktok ang mga Saksi, kaniyang binuksan nang husto ang kaniyang pintuan at tinanggap ang aklat na Life​—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Nang maglaon ay humingi siya ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Siya’y sinimulang aralan sa Bibliya, ngunit ang kaniyang asawa ay hindi nakisama sa kaniya ng pag-aaral. Kaya’t isang kapatid na lalaki ang tumilepono sa lalaking ito at tinanong kung ibig niyang makasama sa buhay ang kaniyang maybahay sa isang lalong mahusay na daigdig? Bilang resulta, ito’y nakisali sa pag-aaral. Ang dalawa ay nagsasama lamang nang hindi kasal, ngunit sila’y nagpakasal at hindi nagtagal ay nagpabautismo.

◻ Dahil sa katotohanan ay nagbago ang buhay ng isang dalagita. Nang siya’y 14 na taóng gulang lamang, siya’y pinabayaan nang mamuhay sa ganang sarili. Kaniyang nakilala ang isang kabataang lalaki at nagsama sila sa daigdig ng mga punk, nakalulong sa mga droga at nagpapakita ng espiritu ng karahasan. Nang magkagayo’y namatay ang lalaki sa isang aksidente sa motorsiklo. Kaya naiwan ang dalagita na may malubhang nervous breakdown, at kaniyang pinag-isipan ang magpatiwakal. ‘Saan kaya ako makasusumpong ng kalutasan sa aking mga problema?’ ang naisip niya. May nakilala siyang isang taong nagsasagawa ng espiritismo na umakay sa kaniya na maniwalang siya’y maaaring makipag-ugnayan sa kaniyang namatay na kinakasama. Sila’y sumubok na mapahilig sa hipnotismo at extrasensory perception. Palibhasa’y hindi niya nasumpungan dito ang inaasahang kaaliwan, siya’y muli na namang nahulog sa matinding panlulumo. Sa loob ng kung ilang mga buwan, ibinukod niyang lubusan ang kaniyang sarili. Nang magkagayo’y isa sa mga Saksi ni Jehova ang nakilala niya at ito’y nagsikap na tulungan siya sa espirituwal. Sa loob ng ilang panahon ito ay ginawa sa pamamagitan ng liham, at dumating ang panahon na napaayos ang mga bagay-bagay pagkatapos ng malaking pagsisikap at lakas ng loob na ipinakita niya. Ngayon ay napalaya siya buhat sa impluwensiya ng mga demonyo, sa bisyong paghitit ng tabako, at sa matitinding damdamin ng pagkakasala. Habang lumalakad ang panahon, higit pang kaalaman sa Bibliya at espiritu ni Jehova ang tumulong sa kaniya nang malaki. Isa pa, ang mga pulong ay nagpalakas sa kaniya, habang siya’y puspusang naghahanda para sa mga iyon. Ngayon siya ay nabautismuhan na at may espiritu ng pagpapayunir. Siya’y nagdaraos na ng maraming pag-aaral sa Bibliya, isa na rito ang pakikipag-aral sa kaniyang ina, na ngayon ay dumadalo na sa mga pulong. Oo, tinulungan siya ni Jehova!

◻ Yaong mga kumukuha ng pagkakataon sa paaralan ay nagtatamasa ng mainam na tagumpay sa pagpapalaganap ng mabuting balita. Isang kabataang sister sa paaralan sa Belgium ay inatasang magbigay ng isang pahayag tungkol sa isang paksang ibig niya. Siya’y nagpasiyang magpahayag tungkol sa mga Saksi ni Jehova at sa kanilang mga paniwala, na isinasalig ang kaniyang materyal sa brosyur na Jehovah’s Witnesses in the 20th Century. Humanga ang kaniyang propesor. Pagkatapos ng kaniyang pahayag sa klase, pinayagan ang mga estudyante na magtanong. Maraming mga kaklase ang pagkatapos ay nagtanong kung ano baga ang kailangang gawin upang sila’y mabuhay sa Paraiso ng Diyos na binanggit sa kaniyang pahayag. Marami, kasali na ang propesor, ang humingi ng mga kopya ng iba’t ibang brosyur na dala ng sister. Ang mga ibang klase ay humiling ng mga brosyur at ng higit pang impormasyon, at isang propesor ng relihiyon ang sumuri ng mga brosyur at kaniyang inirekomenda ang mga ito sa kaniyang klase.

Ang may tibay-loob na ginawa ng ating kabataang sister ay pinagpala. Dalawampu’t tatlong brosyur ang ipinamahagi sa dalawang propesor at sa maraming estudyante; isang estudyante, palibhasa’y nakarinig na sa pahayag, ay humiling na sa pamamagitan ng materyal ay maipaliwanag ang gawain ng mga Saksi ni Jehova sa kaniyang klase.

Marami ang tumatanggap ng mabuting balita sa Belgium. Kanilang tinatanggap ang Salita ng Diyos, “hindi bilang ang salita ng mga tao, kundi, kung ano nga ito, bilang ang salita ng Diyos, na gumagawa naman sa inyo na mga nagsisisampalataya.”​—1 Tesalonica 2:13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share