Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 9/1 p. 15
  • Kaligayahan ang Humalili sa Panlulumo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kaligayahan ang Humalili sa Panlulumo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Ginanti ang Paghahanap ng Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • “Maligaya ang Tao na Nakasumpong ng Karunungan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Pinapatibay ang Iba Kahit May Problema sa Kalusugan
    Mga Karanasan ng mga Saksi ni Jehova
  • Pagtanggap sa Mabuting Balita sa Belgium
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 9/1 p. 15

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Kaligayahan ang Humalili sa Panlulumo

SI Jehova ay isang maligayang Diyos. (1 Timoteo 1:11) Ibig niyang ang mga naglilingkod sa kaniya ay maging maligaya rin. Kung gayon, kung isa sa kaniyang mga lingkod ay nanlulumo, siya’y tutulungan ni Jehova na pagtiisan ang kirot at kung minsan ay hanggang sa muling makamit niya ang isang masayang espiritu. Ang sumusunod na karanasan galing sa Uruguay ang nagpapakita nito.

Isang sister ang naghihintay sa isang klinika sa Montevideo para sa resulta ng isang pagpapasuri sa X ray. Isang babaing nakaupo kasunod niya ang takut na takot sa kung ano kaya ang sasabihin ng doktor sa kaniya bilang resulta ng kaniyang pagpapasuri. Sinabi sa kaniya ng sister na sapol nang siya’y maging isang Saksi ni Jehova, siya’y walang kinatatakutang anuman. Gayunman, sinabi ng babae na hindi niya gusto ang mga Saksi sapagkat napakataas na pamantayan ang inaasahan nila para sa mga tao.

Nang magkagayo’y sinabi sa kaniya ng sister kung papaanong ang kaalaman sa katotohanan ng Bibliya ay nakatulong sa kanya. Siya’y namatayan ng isang 18-anyos na anak na babae at nang magkagayo’y may walong taon nang siya’y nasa matinding pamimighati. Ang mga sikayatrista ni ang mga magagastos na paraan ng panggagamot ay hindi nakatulong sa kaniya upang mapagtagumpayan ang panlulumong ito. Kung ilang beses, aniya, napa-ospital siya, ngunit hindi nagbunga ng anumang paghusay ng kaniyang kalagayan. Ang kaniyang sambahayan ay inaasikaso ng mga utusan sapagkat siya mismo ay hindi makapag-asikaso ng anuman. Tinangka niyang magpatiwakal sapagkat siya’y nawalan na ng interes sa buhay. Parang walang anuman na makatutulong sa kaniya.

Nang magkagayon, sabi niya sa babae, isang araw may mga Saksi ni Jehovang dumalaw at nag-iwan sa kaniya ng ilang mga babasahín sa Bibliya. Iyon ang nagpasigla ng kaniyang interes sa Salita ng Diyos, at siya’y nagsimulang magbasa ng Bibliya nang tuluy-tuloy. May isang bagay na nagsimulang magbago sa loob niya. Siya’y nagsimulang bumangon sa umaga nang may interes sa kaniyang sambahayan. Sa wakas siya ay nagpasiya na siya mismo ang mag-asikaso sa bahay at napatunayan niya na magagawa naman niya iyon. Noo’y kaniyang nadama na parang hindi siya nagkasakit kailanman! Ito’y lubhang nagpaligaya sa kaniya.

Hindi na siya bumalik sa sikayatrista. Ang kaniyang pagkadesididong mabuhay ay pinasigla ng kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos, at ito’y napatunayan na siyang napakagaling na medisina. Hinanap niya ang mga Saksi ni Jehova, at sila’y nagsimula ng isang regular na pakikipag-aral sa kaniya. Siya’y nagsimula na ring dumalo sa mga pulong, at hindi nagtagal siya ay nabautismuhan. Hindi na ginagambala ng panlulumo, siya ngayon ay may kagalakan sa paglilingkod kay Jehova.

Ang babae sa hintayang-silid ay nakinig nang puspusan. Pagkatapos ay sinabi niya sa sister: “Mga ilang panahon din, na ang mga Saksi ni Jehova ay humaharang sa aking daan; ngunit kung balang araw sa hinaharap, ako’y magiging isa na sa mga Saksi ni Jehova, iyon ay dahilan sa iyong kasasabi-sabi lamang sa akin. Ang pakikinig sa iyo ay tulad ng pagsisimulang makakita ng liwanag sa isang madilim na lugar.”

Maraming tao sa buong daigdig ang nakakakita sa kawalang-saysay ng pagsisikap na malunasan sa ganang sarili nila ang mga suliranin sa buhay, at sila’y bumabaling sa Diyos na Jehova. Anong tuwa nila na makaalam tungkol sa napipintong bagong sanlibutan ng Diyos na kung saan lahat doon ay magiging maligaya, at ang panlulumo ay isang bagay na nakalipas na!​—Kawikaan 16:20.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share