Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 10/1 p. 31
  • “Maligaya ang Tao na Nakasumpong ng Karunungan”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Maligaya ang Tao na Nakasumpong ng Karunungan”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Natuto ng Katotohanan ang Retiradong Heneral
  • Ginanti ang Paghahanap ng Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaligayahan ang Humalili sa Panlulumo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • “Ang Diyos ay Hindi Nagtatangi”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Ang mga Tupa ni Jesus ay Nakikinig sa Kaniyang Tinig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 10/1 p. 31

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

“Maligaya ang Tao na Nakasumpong ng Karunungan”

ANG kawikaang ito ay napatunayang totoo sa Korea, na ngayon ay mayroon nang mahigit na 71,000 maliligayang Saksi ni Jehova. (Kawikaan 3:13) At gunigunihin, 42 porsiyento ng mga ministrong ito ay nasa buong-panahong paglilingkod! Ang sumusunod na mga karanasan ay nagpapakita na kaligayahan ang nakakamit ng mga naghahanap ng tunay na karunungan.

Isang babae sa Pusan ang may 16 na taón nang nagsisimba sa isa sa mga simbahan ng Sangkakristiyanuhan. Nasaksihan niya ang maraming gawaing labag sa Kasulatan kung kaya naisip niya na walang Diyos. Sa kabilang panig, hindi niya maitatwa ang pag-iral ng Diyos kaya siya’y taimtim na nanalangin sa Diyos, na sana’y masumpungan niya ang tunay na relihiyon kung mayroon nga ng gayon. Sa puntong ito ay biglang naisip niya ang mga Saksi ni Jehova, at kaniyang natatandaan na sila’y hinamak ng kaniyang relihiyon at nagbigay-babala sa mga nagsisimba laban sa kanila sapagkat ang mga Saksi ay hindi naniniwala sa isang Trinidad, apoy ng impiyerno, at iba pang mga doktrina ng Sangkakristiyanuhan. Marahil sila ang tunay na relihiyon? Sa tulong ng isang kapitbahay, nasumpungan niya ang kinaroroonan ng Kingdom Hall. Nang sumunod na araw mismo, siya’y dumalo sa isang pulong.

Siya’y namangha sa pagiging maayos ng pulong. Walang panatikong paghihiyawan o mapusok na pagkakantahan gaya sa kaniyang relihiyon. Siya’y ipinakilala sa isang Saksi na pumayag makipag-aral sa kaniya ng Bibliya, at ang unang pag-aaral ay tumagal nang mga ilang oras dahil sa kaniyang maraming tanong. Sa ikalawang pag-aaral, kaniyang ipinatalastas na siya’y magbibitiw na sa kaniyang relihiyon at magiging isang Saksi. Kaniyang sinabi sa sister na hindi na kailangang siya’y makipag-aral pa rito, yamang siya’y maaaring dumalo na lamang sa mga pulong. Gayunman, ipinakita sa kaniya ang halaga ng pagkakaroon ng isang personal na pag-aaral sa Bibliya bukod sa pagdalo sa mga pulong. Tinanggap niya ang mungkahi, siya’y puspusang nag-aral, at nang takdang panahon ay nabautismuhan.

Ngayon ay totoong maligaya siya dahil kaniyang nasumpungan ang karunungan ng tunay na Diyos, si Jehova, at may pag-asang mabuhay magpakailanman sa bagong sanlibutan ng Diyos.

Natuto ng Katotohanan ang Retiradong Heneral

Ang maybahay ng isang heneral sa hukbo ay nabautismuhan noong 1962. Ang kaniyang asawa ay sumalungat sa kaniya nang pasimula, subalit pagkatapos ay huminto nang pagsalungat, at manakanaka sa sumunod na 28 taon, iba’t ibang kapatid ang nakipag-aral sa kaniya, sa pagsisikap na pukawin ang kaniyang interes sa katotohanan. Siya’y dumalo sa ilang pulong at mga kombensiyon, subalit siya’y isa sa mga tumatangging dibdibin ang katotohanan. Noong 1990 siya at ang kaniyang maybahay ay naparoon sa Hapón, upang dumalo sa isang pandistritong kombensiyon. Noon ay matamang nakinig siya sa mga pahayag​—na dati ay hindi niya ginagawa. Siya’y nabigla nang marinig ang lantarang mga pahayag na nagbibilad sa huwad na relihiyon, subalit ang mga ito ay tunay na nagbukas ng kaniyang mga mata upang makita ang pagpapaimbabaw ng Sangkakristiyanuhan. Ganiyan na lang ang kaniyang paghanga sa kaayusan at kaligayahan ng bayan ng Diyos sa Hapón, gaya ng kaniyang nakita rin sa Korea. Nang makabalik na sa Korea, siya’y nagsimula ng isang dibdibang pag-aaral ng Bibliya at sa wakas ay nabautismuhan.

Kaya pagkatapos ng kaniyang bautismo ano ang dapat niyang gawin? Siya’y nagbitiw sa kaniyang posisyon bilang pangulo ng isang tanyag na hotel ng mga turista at sumama na sa kaniyang maybahay sa buong-panahong ministeryong pagpapayunir. Inaakala niya na ang pagiging isang regular pioneer ang pinakamagaling na paraan upang makatumbas ng 28 taon na kaniyang nasayang nang hindi pa niya ikinakapit ang katotohanan.

Ngayo’y natatanto niya na ang kawikaang “maligaya ang tao na nakasumpong ng karunungan” ay kumakapit din sa kaniya!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share