Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 11/1 p. 3
  • Ano Na ba ang Nangyari sa Kalikasan ng Tao?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano Na ba ang Nangyari sa Kalikasan ng Tao?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagpapabago sa Kalikasan ng Tao
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Mawawala Pa Ba ang Terorismo?
    Iba Pang Paksa
  • Terorismo—Malapit Nang Magwakas!
    Gumising!—2001
  • Magwawakas Pa Kaya ang Kalupitan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 11/1 p. 3

Ano Na ba ang Nangyari sa Kalikasan ng Tao?

“Bakit nga ba mayroong pagmamalupit sa mga bata sa panahong ito? Bakit mayroon tayong nakikitang mga pagmamalupit sa mga hayop? Bakit tayo may mga karahasan? . . . Bakit nga ba nauuso sa mga tao ang paggawa ng terorismo? Bakit ang mga tao’y nahuhulog sa paggamit ng mga bawal na gamot? . . . Bakit, gayong mayroon ka na ng lahat ng bagay, bumabaling ang ilang mga tao sa mga bagay na pangunahing sumisira sa buong sibilisasyon?”

ANG mga tanong na iyan ay itinanong nang malakas ng punong ministro ng Britanya. Marahil ikaw ay nakapagtanong na rin ng ganiyang mga katanungan marami nang beses. Nasumpungan mo ba ang nakasisiyang mga kasagutan?

Upang ang kaniyang mga katanungan ay masuri nang husto, sinabi ng punong ministro ng Britanya: Sa loob ng kung ilang taon nang ako ay bata pa at nakalagak sa pulitika ang lahat ng aking mga pag-asa at pangarap at ambisyon, para sa akin at sa maraming mga kaedad ko ay waring kung kami’y nasa panahon na kung saan kami’y may mahuhusay na mga bahay, mainam na edukasyon, isang makatuwirang pamantayan ng pamumuhay, kung gayon lahat ay mahahanda at kami’y magkakaroon ng isang makatuwiran at lalong madaling pakibagayang kinabukasan. Ngayon ay batid natin na hindi nga gayon. Tayo ay nakikipagbaka sa tunay na mga suliranin ng kalikasan ng tao.”​—Amin ang italiko.

Ang kalikasan ng tao ay maaaring ipaliwanag bilang “ang pinagsama-samang pangunahing mga ugali at katangian ng mga tao.” Maliwanag, ang nagkakasalungatang mga ugali at katangian ay maaaring maging sanhi ng mga suliranin ng mga tao, mga bansa, o kahit na ng buong daigdig. Ngunit hanggang saan ba talagang masisisi ang kalikasan ng tao dahil sa kasalukuyang mapanganib na mga nauusong karahasan, terorismo, pangangalakal ng droga, at iba pa?

Ang kalikasan ba ng tao lamang ang masisisi sa umiiral na mga kalagayang nagbabantang “ibagsak ang buong sibilisasyon”? O mayroon bang mga ibang dahilan na dapat nating isaalang-alang upang maipaliwanag kung bakit ang mga tao ay napakadaling mahulog sa napakababang-uri, mapag-imbot na mga gawain gayong sila’y maaari namang magsikap upang makagawa ng lalong matataas-uri, mas mararangal na gawain? Tingnan natin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share