Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 1/15 p. 7
  • Gaano ba ang Alam Mo sa Bibliya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gaano ba ang Alam Mo sa Bibliya?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Aklat na Ipinagwawalang-Bahala ng Karamihan sa mga Kabataan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—2000
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1997
  • Teokratikong mga Balita
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 1/15 p. 7

Gaano ba ang Alam Mo sa Bibliya?

‘Ang aklat ni Tomas? Oo, iyan ay nasa Bibliya. Pero ang aklat ni Jonas ay wala. Ang dakong sinilangan ni Kristo? Ah, iyan ay Jerusalem​—o iyon ba ay ang Nasaret? Talaga namang hindi ko masiguro kung ang aklat ni Isaias ay nasa una o sa pangalawang bahagi ng Bibliya. Ang bilang ng mga apostol? Talagang hindi ko alam.’

“ANG mga natuklasang ito ay maaaring hindi pagtakhan kung ang impormasyong iyan ay tinipon buhat sa mga di-Kristiyano,” ang sabi ng magasing Christianity Today. “Ang nakapagtataka​—at nakababahala​—​ay ang laki ng kawalang-alam sa Kasulatan na natuklasan sa mga Kristiyanong born-again.”

Halimbawa, 22 porsiyento ng naturingang mga Kristiyano na isinali sa surbey ang may akala na talagang may isang aklat ni Tomas sa Bibliya, samantalang 13 porsiyento ang di-nakatitiyak. Kung tungkol kay Jonas, 27 porsiyento ang nagsasabi na wala iyon sa Bibliya, at 12 porsiyento ang walang kamuwangan doon. Anim na porsiyento ang hindi man lamang nakahula kung saan isinilang si Kristo, samantalang 16 porsiyento ang nagsabi na iyon ay Jerusalem, at 8 porsiyento ang nagsabi na iyon ay Nasaret. Isang buong 13 porsiyento ang walang kamuwangan kung saan matatagpuan sa Bibliya ang aklat ng Isaias, samantalang 11 porsiyento ang nagsabing iyon ay nasa Kasulatang Griegong Kristiyano (“Bagong Tipan”). At samantalang alam ng karamihan na mayroong 12 apostol, 12 porsiyento naman ang nagbigay ng ibang numero, mula 2 hanggang mahigit na 20, at 10 porsiyento ang walang anumang kamuwangan doon.

Ang tanong na nagbigay ng pinakamalaking suliranin ay kung ang pangungusap na “tinutulungan ng Diyos yaong mga tumutulong sa kanilang sarili” ay nasa Bibliya o wala. Mayroon lamang 38 porsiyento ng mga “Kristiyano” na nakasali sa surbey ang may kabatiran na ito’y hindi matatagpuan saanmang lugar sa Bibliya, samantalang isang lalong malaking bilang, 42 porsiyento, ang nag-akala na ito ay sinipi buhat sa Bibliya. Ang natitirang bahagi ay walang alam.

“Bakit nga ba napakarami ang walang alam tungkol sa Bibliya?” ang tanong ng Christianity Today. “Malamang, iyon ay dahil sa kakulangan ng pagbabasa sa Bibliya. Kalahati ng lahat ng Amerikano ang hindi bumabasa ng Bibliya. Ang karamihan ng lahat ng mga Kristiyanong born-again ay minsan lamang o makalawa sa sanlinggo bumabasa ng Bibliya, o hindi talagang bumabasa bahagya man. Hindi nga katakataka kung bakit napakaraming Kristiyano ang bahagyang-bahagya ang alam tungkol sa Kasulatan!”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share