Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 1/15 p. 31
  • Umasa sa Bigay-Diyos na Lakas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Umasa sa Bigay-Diyos na Lakas
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Magtiis ng mga Kahirapan at Magturo Nang May Kaamuan
  • Ipangaral ang Salita!
  • Aklat ng Bibliya Bilang 55—2 Timoteo
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Ano ang Makatutulong sa Atin Upang Magamit Nang Wasto ang Salita ng Katotohanan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • “Lubusang Ganapin Mo ang Iyong Ministeryo”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Timoteo—“Isang Tunay na Anak sa Pananampalataya”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 1/15 p. 31

Umasa sa Bigay-Diyos na Lakas

Mga Tampok Mula sa Ikalawang Timoteo

SI Jehova ay nagbibigay sa kaniyang mga lingkod ng kapangyarihan upang matiis ang mga pagsubok at pag-uusig. At anong laki ng pangangailangan ni Timoteo at ng iba pang mga Kristiyano ng bigay-Diyos na lakas! Isang sunog ang sumupok sa Roma noong 64 C.E., at ayon sa balita ay si Emperador Nero ang may kagagawan niyaon. Upang huwag siyang maparamay roon, kaniyang sinisi ang mga Kristiyano, at ito ang lumilitaw na sanhi ng sunud-sunod na pag-uusig. Malamang na noong panahong iyon (humigit-kumulang 65 C.E.), si apostol Pablo ay muling napabilanggo sa Roma. Bagaman nakaharap sa kamatayan, kaniyang isinulat noon ang ikalawang liham niya kay Timoteo.

Inihanda si Timoteo ng liham ni Pablo na sumalansang sa mga apostata at manindigang matatag sa harap ng pag-uusig. Ito’y nagpatibay-loob sa kaniya na patuloy na sumulong sa espirituwal at ibinalita nito ang tungkol sa kalagayan ni Pablo sa bilangguan. Ang liham ay tumulong din sa mga mambabasa na umasa sa lakas na bigay-Diyos.

Magtiis ng mga Kahirapan at Magturo Nang May Kaamuan

Tayo’y binibigyan ng Diyos ng lakas upang tayo’y makapagtiis sa pag-uusig bilang mga tagapaghayag ng mabuting balita. (1:1-18) Kailanman ay hindi nalimutan ni Pablo si Timoteo sa kaniyang mga panalangin, at kaniyang nagunita ang kaniyang pananampalatayang walang paimbabaw. Binigyan ng Diyos si Timoteo ‘hindi ng espiritu ng pagkaduwag, kundi ng kapangyarihan, pag-ibig, at katinuan ng isip.’ Kaya siya’y huwag mahiya sa pagpapatotoo at pagtitiis ng pag-uusig alang-alang sa mabuting balita. Siya’y pinayuhan din na “patuloy na manghawakan sa uliran ng magagaling na salitang” narinig kay Pablo, gaya kung papaano tayo ay dapat kumapit nang mahigpit sa tunay na katotohanang Kristiyano bagaman ang iba’y humiwalay rito.

Ang mga bagay na itinuro ni Pablo ay ituturo rin sa mga taong tapat na siya namang magtuturo sa iba. (2:1-26) Si Timoteo ay pinayuhan na maging isang mahusay na kawal ni Kristo, tapat pagka napaharap sa pag-uusig. Si Pablo mismo ay dumanas ng hirap sa bilangguan sa pangangaral ng mabuting balita. Kaniyang hinimok si Timoteo na gawin ang kaniyang buong kaya upang maiharap ang kaniyang sarili na isang sinang-ayunang manggagawa ng Diyos, umiiwas sa walang-saysay na mga pangungusap na labag sa kabanalan. At sa kaniya’y sinabi na ang isang alipin ng Panginoon ay kailangang magturo sa iba nang may kaamuan.

Ipangaral ang Salita!

Ang bigay-Diyos na lakas ay kakailanganin upang harapin ang mga huling araw at maitaguyod ang katotohanan ng Kasulatan. (3:1-17) Sa lipunan ng mga masasama babangon ang mga taong ‘laging nag-aaral ngunit hindi kailanman nakararating sa tumpak na kaalaman sa katotohanan.’ Ang gayong ‘balakyot na mga tao at mga magdaraya ay susulong mula sa kasamaan tungo sa lalong higit na kasamaan, na nagliligaw at naliligaw.’ Gayunman, si Timoteo ay kailangang ‘magpatuloy sa mga bagay na kaniyang natutuhan.’ Ganiyan din tayo, sa pagkaalam na ‘lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid sa mga bagay, at pagdisiplina ayon sa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging lubusang may kakayahan, lubos na nasasangkapan para sa bawat mabuting gawa.’

Si Timoteo ay kailangang sumasalansang sa mga apostata at ganapin ang kaniyang ministeryo. (4:1-22) Magagawa niya ito sa pamamagitan ng ‘pangangaral ng salita’ at pananatili roon. Ito ay mahalaga, yamang ang kongregasyon ay nakaharap sa isang “maligalig na panahon” sapagkat ang ilan ay nagtuturo ng walang katotohanang doktrina. Ang mga Saksi ni Jehova ay kumakapit din nang mahigpit sa Salita ng Diyos ngayon, ipinangangaral ito nang apurahan maging sa kongregasyon at sa mga tao sa labas, kahit na sa di-kaaya-ayang mga kalagayan. “Iningatan [ni Pablo] ang pananampalataya,” bagaman siya’y pinabayaan ng iba. Subalit ‘siya’y binigyan ng Panginoon ng kapangyarihan, upang sa pamamagitan niya ay lubusang matapos ang pangangaral.’ Harinawang tayo man ay umasa sa bigay-Diyos na lakas at patuloy na mangaral ng mabuting balita.

[Kahon/Larawan sa pahina 31]

Isang Mabuting Kawal: Pinayuhan ni Pablo si Timoteo: “Bilang isang mabuting kawal ni Kristo Jesus makipagtiis ka ng kahirapan. Sinumang taong nagsisilbing kawal ay hindi sumasangkot sa makakomersiyong pangangalakal sa buhay, upang siya’y kalugdan niyaong isa na nagtala sa kaniya bilang isang kawal.” (2 Timoteo 2:3, 4) Ang isang kawal na Romano ay ‘nagtitiis ng kahirapan’ pagka may dalang mabibigat na armas, isang palakol, isang basket, rasyon para sa tatlong araw, at iba pang mga bagay. (Wars of the Jews ni Josephus, Aklat 3, kabanata 5) Siya’y hindi sumangkot sa mga kapakanang makakomersiyo, sapagkat iyon ay hindi makalulugod sa kaniyang pinaglilingkuran, at tinutustusan ang kaniyang mga gastos. Sa katulad na paraan, ang isang Kristiyano ay dumaranas ng mga pagsubok na may kaugnayan sa pagiging “isang mabuting kawal ni Kristo.” Bagaman siya’y maaaring naghahanapbuhay upang magampanan ang maka-Kasulatang mga obligasyon, huwag niyang hahayaang ang di-nararapat na pagkasangkot sa materyal na mga bagay ay makapagpahinto sa kaniya sa espirituwal na pakikipagbaka. (1 Tesalonica 2:9) Sa pagpapatotoo sa bahay-bahay, dala niya “ang tabak ng espiritu, samakatuwid nga, ang Salita ng Diyos,” at tumutulong upang palayain ang mga tao buhat sa relihiyosong katiwalian. (Efeso 6:11-17; Juan 8:31, 32) Yamang nakataya ang buhay, kaya ang lahat ng mga kawal na Kristiyano ay patuloy na nagbibigay-lugod kay Jesu-Kristo at sa Diyos na Jehova sa ganitong paraan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share