Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 9/1 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Ang Batas ng Kristo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Tayo Ba’y Nasa Ilalim ng Sampung Utos?
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Ang mga Taga-Roma ang may Pinakamagaling na Balita
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 9/1 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Ano ba “ang mabuti” na hindi magawa ni apostol Pablo, gaya ng kaniyang binanggit sa Roma 7:19?

Sa maikli, ang tinutukoy ni Pablo ay ang kaniyang kawalang-kaya na gawin ang lahat ng bagay na binalangkas sa Kautusang Mosaiko. Iyan ay imposible para kay Pablo at sa lahat ng iba pa, kasali na tayo, dahilan sa di-kasakdalan at pagkamakasalanan. Ngunit hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Ang hain na inihandog ni Kristo ay nagbukas ng daan para kamtin ang pagpapatawad ng Diyos at ang isang mabuting katayuan sa harapan Niya.

Ang Roma 7:19 ay kababasahan: “Sapagkat ang mabuti na aking ibig ay hindi ko ginagawa, ngunit ang masama na hindi ko ibig ay siya kong ginagawa sa tuwina.” Ipinakikita ng konteksto na ang pangunahing tinutukoy ni Pablo ay ang “mabuti” ayon sa diwa na iniuutos ng Kautusan. Sa Roma 7 talatang 7 ay sinabi niya: “Ang Kautusan ba’y kasalanan? Huwag sanang mangyari! Talaga namang hindi ko makikilala ang kasalanan kung hindi sa Kautusan; at, halimbawa, hindi ko makikilala ang kasakiman kung hindi sinabi ng Kautusan: ‘Huwag kang mananakim.’ ” Oo, nilinaw ng Kautusan na yamang hindi nila lubusang masunod iyon, lahat ng tao ay makasalanan.

Si Pablo ay nagpatuloy ng pagbanggit na siya “noong minsan ay nabubuhay nang hiwalay sa Kautusan.” Kailan iyan? Bueno, nang siya ay nasa mga balakang ni Abraham bago ibinigay ni Jehova ang Kautusan. (Roma 7:9; ihambing ang Hebreo 7:9, 10.) Bagaman si Abraham ay di-sakdal, ang Kautusan ay hindi pa naibibigay noon, kaya hindi siya napaaalalahanan tungkol sa kaniyang pagkamakasalanan dahilan sa hindi pagsunod sa maraming utos niyaon. Ang ibig bang sabihin niyan ay nang maibigay na ang Kautusan at maipakita ang di-kasakdalan ng tao, iyon ay nagbunga ng masama? Hindi. Si Pablo ay nagpatuloy: “Kaya nga, sa bahaging ginagampanan niyaon, ang Kautusan ay banal, at ang utos ay banal at matuwid at mabuti.”​—Roma 7:12.

Pansinin na ang Kautusan ay tinukoy ni Pablo bilang “banal” at “mabuti.” Sa sumusunod na mga talata, kaniyang ipinaliwanag na “ang mabuti”​—ang Kautusan​—ay nagpaliwanag na siya’y isang makasalanan, at dahil sa kasalanang ito ay karapat-dapat siya sa kamatayan. Si Pablo ay sumulat: “Ang mabuti na ibig ko ay hindi ko ginagawa, ngunit ang masama na hindi ko ibig ay siya kong ginagawa sa tuwina. Ngayon, kung ang hindi ko ibig ang siya kong ginagawa, ang gumagawa nito ay hindi na ako, kundi ang kasalanan na nananahan sa akin.”​—Roma 7:13-20.

Kung gayon, sa kontekstong ito hindi ang tinutukoy ni Pablo ay ang pangkalahatang kabutihan, o basta mga gawang kabaitan. (Ihambing ang Gawa 9:36; Roma 13:3.) Ang kaniyang tinutukoy sa partikular ay ang paggawa (o hindi paggawa) ng mga bagay na kasuwato ng mabuting Kautusan ng Diyos. Dati ay masigasig siya nang pagsunod sa relihiyong Judio at​—kung ihahambing sa iba ay​—​naging “walang kapintasan.” Gayunman, kahit na sa kaniyang kaisipan ay naging isa siyang masugid na alipin ng mabuting Kautusan na iyon, siya’y hindi pa rin nakasunod doon nang lubusan. (Filipos 3:4-6) Sa Kautusan ay masisinag ang sakdal na mga pamantayan ng Diyos, nagpapakita sa apostol na sa kaniyang laman siya ay alipin pa rin ng Kautusan ng kasalanan at sa gayo’y hinatulan ng kamatayan. Gayunman, si Pablo ay makapagpapasalamat na sa pamamagitan ng hain ni Kristo siya ay inaring matuwid​—sinagip sa kautusan ng kasalanan at sa nararapat na bunga nito, ang sentensiyang kamatayan.​—Roma 7:25.

Ang mga Kristiyano sa ngayon ay wala sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, sapagkat ito’y ipinako sa pahirapang tulos. (Roma 7:4-6; Colosas 2:14) Gayunman ay makabubuting kilalanin na ito’y hindi isang mabigat na kodigo na maaari nating basta na lamang kalimutan. Hindi, sa kabuuan ang Kautusan ay mabuti. Kaya naman may dahilan tayo na basahin ang mga aklat ng Bibliya na kinalalagyan ng Kautusan at matutuhan kung ano ang kahilingan nito sa Israel. Hindi na magtatagal at iyan ang gagawin ng mga Saksi ni Jehova sa buong lupa sa pamamagitan ng kanilang lingguhang pagbabasa ng Bibliya.

Samantalang binabasa natin ang Kautusan kailangang bulay-bulayin natin ang mga simulain na nakapaloob sa sari-saring mga utos nito at ang mga kapakinabangan na nakamtan ng bayan ng Diyos samantalang sinisikap nilang sundin ang mabubuting utos na iyon. Dapat din nating maunawaan na tayo ay mga di-sakdal at sa gayo’y hindi makasusunod na lubusan sa mabuti na ating natututuhan sa Salita ng Diyos. Subalit samantalang nakikipagbaka laban sa kautusan ng kasalanan, maikagagalak natin ang pag-asang tayo’y mailigtas sa pamamagitan ng pagkakapit ng hain ni Kristo na inihandog alang-alang sa atin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share