Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 10/1 p. 2-4
  • Bakit Naging Lubhang Matiisin ang Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Naging Lubhang Matiisin ang Diyos?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • May Malasakit ang Diyos!
  • Kailan Hindi Bubuyog ang Bubuyog?
    Gumising!—1997
  • Pag-aalaga ng Pukyutan—Isang “Matamis” na Kuwento
    Gumising!—1997
  • Polen—Alabok ng Buhay
    Gumising!—2007
  • Bubuyog
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 10/1 p. 2-4

Bakit Naging Lubhang Matiisin ang Diyos?

MASDAN ang nalulumbay na mukha ng isang batang nagugutom. Malasin mo ang kaniyang katawang buto’t balat at malaking tiyan. Gunigunihin ang kaniyang lubhang pangangailangan ng pagkain, at malasin mo ang walang lamáng mangkok na dala-dala niya. Marahil ang kaniyang ina ay nagmamasid sa pamamagitan ng kaniyang malalalim na mga mata, ang kaniyang sariling mukha ay isang malagim na larawan ng kawalang pag-asa. Pagkatapos ay subukan mong sugpuin ang iyong kalungkutan​—oo, at pigilin ang iyong mga luha.

Ang eksenang ito ay ulit at ulit na nagaganap nang makaangaw na beses sa 6 milyong kilometro kuwadrado ng nagtatagutom na rehiyon na kilala sa tawag na Sahel. Ito’y may lawak na 4,800 kilometro sa kalaparan ng Aprika sa gawing timog ng Disyertong Sahara, mula Senegal sa Baybaying Atlantiko hanggang Etiopia sa Pulang Dagat. Kung sa bagay, ang taggutom ay nagbabanta rin sa karamihan ng mga tao sa mga ibang lupain. Ang World Health Organization ay nag-uulat na mga 1.1 libong milyong katao sa buong mundo ang may malubhang karamdaman o malnutrisyon.

Mangyari pa, ang gutom ay isa lamang bahagi ng pagdurusa ng tao. Ang lupa ay nilaganapan ng tao ng polusyon, at lahat tayo ay apektado. Ang mga pamamalakad pulitika naman ay umaayon sa pang-aapi at digmaan na nagdudulot ng kahirapan at kamatayan sa marami. Bakit pinapayagan ng Diyos ang ganiyang mga bagay? Siya ba’y may malasakit sa atin?

May Malasakit ang Diyos!

Ang ating Maylikha ay may malasakit sa atin. Napakaraming patotoo nito at ng kaniyang kakayahan na pagalawin ang mga bagay-bagay sa ating ikabubuti at sa pagkakasuwato ng lahat ng kaniyang paglalang. Halimbawa, malasin ang kalakip na larawan ng isang bubuyog na dumadapo sa isang bulaklak ng isang namumungang punong-kahoy. Ang bubuyog ay umaasa sa bulaklak upang pagkunan ng nektar para magsilbing pagkain. Sa kabilang banda, ang punong-kahoy ay dumidepende sa pollen na dala ng katawan ng bubuyog galing sa isang nakakahawig na puno. Sa ganitong paraan, ang bulaklak ay kinagaganapan ng aksiyon ng pollen upang mamunga ang puno. Hindi lahat ng mga punong-kahoy na namumunga ay ganito tumatanggap ng aksiyon ng pollen, ngunit ang Diyos ay tiyak na nagsaayos para magkaroon ng pambihirang pagtutulungan sa bagay na ito. At ang resulta ng kaniyang kabutihan ay ang prutas na marahil ay kinakain natin nang may katuwaan at kapakinabangan.

Ang bubuyog mismo ay bahagi ng isang organisadung-organisadong kawan ng mahigit na 30,000 bubuyog. Ang iba nito ay nagbabantay sa bahay-bubuyog, samantalang ang iba naman ay mga naglilinis o nagpapahangin nito. Ang iba pa ay mga tagapagkamalig ng nektar at pollen, nagpapakain ng mga batang-bubuyog, o naghahanap ng mga bagong mapagkukunan ng nektar. Ang Diyos mismo ang nagsaayos ng mga bagay upang tayo’y makinabang pagka ang gayong masisipag na mga bubuyog ay nagbibigay sa atin ng matamis at masarap na pulut-pukyutan na nakalulugod sa ating panlasa.

Ang himala ng pagtutulungan ng mga bubuyog at mga pananim at ng mga insekto mismo ay isa lamang sa maraming patotoo na ang Maylikha ay may ganap na kakayahang pangyarihin na magkatulung-tulong ang nabubuhay na mga bagay. Sa bagay na iyan, “ang Diyos ay isang Diyos, hindi ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan.” (1 Corinto 14:33) Kung gayon, bakit niya pinayagan na ang mga tao ay mabuhay sa ganitong napakagulong mga kalagayan, at ang resulta ay ang miserableng mga pamumuhay para sa napakarami? Kung ang Diyos ay may malasakit sa atin, bakit naghintay siya nang napakatagal upang ituwid ang ganitong sitwasyon? Oo, bakit naging lubhang matiisin ang Diyos?

Ang Salita ng Diyos, ang Bibliya, ay sumasagot sa ganiyang mga katanungan. Sinasabi sa atin ng kahanga-hangang aklat na ito na ang Diyos na Jehova ay naging lubhang matiisin likha ng isang mabuting dahilan. Ano ba ang dahilan na iyan? At hanggang kailan pa ang ipagtitiis ng Diyos?

[Picture Credit Line sa pahina 2]

Cover photo: Frilet/Sipa

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share