Ginagawa Nila ang Kanilang Kaya
Bagaman hindi sila makaganti kay Jehova sa lahat ng kaniyang pagpapala sa kanila, marami ang gumagawa ng kaya nila upang suportahan ang pambuong-daigdig na pangangaral ng kaniyang mga Saksi. (Mateo 24:14; ihambing ang Marcos 14:3-9.) Nakawiwili ang liham na ito buhat sa isang pamilya sa Minnesota, E.U.A.:
“Mahal na mga Kapatid,
“Narito po ang isang donasyon sa halagang $——. Pakisuyo pong gamitin ito sa pagtustos sa pandaigdig na gawain o isama sa Kingdom Hall Building Fund, o sa iba pang pangangailangan ng organisasyon. . . .
“Kami’y nagtitiwala na ang salaping ito ay gagamitin na kasuwato ng kalooban [ni Jehova]. Nais naming samantalahin ang pagkakataong ito upang kayo’y patibaying-loob na magpatuloy sa mabuting gawain, at lalo na salamat po sa videotape ng Samahan [Watch Tower] sa pambuong-daigdig na kilusan nito. Ang tape na ito ang nagpadama sa amin ng lawak ng gawain, at aming nabatid na kailangan ang aming boluntaryong donasyon. Dati, hinayaan namin na ang kongregasyon, sirkito, at distrito ang mag-asikaso ng pagpapadala ng donasyon sa inyo, ngunit ngayon ay pinasasalamatan namin si Jehova sa pagiging matiisin sa amin sa kaiklian ng aming pananaw at maibiging ipinakita sa amin na kailangang kami ang personal na tumulong upang matustusan ang nagliligtas-buhay na gawaing ito, bukod sa mga iba pang uri ng donasyon. Kami’y nagpasiyang magpadala, bilang isang pamilya, ng sa pinakamaliit ay $—— bawat buwan . . . tuwiran sa New York.
“Muli, salamat po sa mainam na paglilingkod na ibinigay ninyo sa amin at sa katapatan kay Jehova na inyong ipinakita.”