Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb18 Nobyembre p. 7
  • “Isang Kaloob Para kay Jehova”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Isang Kaloob Para kay Jehova”
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Kaparehong Materyal
  • Pinapasalamatan Namin si Jehova Dahil sa Pag-ibig Ninyo
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • Saan Nanggagaling ang Pondo ng mga Saksi ni Jehova?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Anong Regalo ang Maibibigay Natin kay Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Ang Halaga ng “Dalawang Maliliit na Barya”
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
mwb18 Nobyembre p. 7

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

“Isang Kaloob Para kay Jehova”

Paghuhulog ng donasyon sa donation box; pagdo-donate online

Sa ngayon, paano tayo makapagbibigay ng “isang kaloob para kay Jehova”? (1Cr 29:5, 9, 14) Makikita sa ibaba ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay ng kusang-loob na mga donasyon para suportahan ang gawain ng mga Saksi ni Jehova sa ating lugar at sa buong mundo.

ANG MGA DONASYONG IBINIGAY ONLINE O SA MGA DONATION BOX AY SUMUSUPORTA SA:

  • Donasyon para sa pambuong-daigdig na gawain

    PAMBUONG-DAIGDIG NA GAWAIN

    pagtatayo at pagpapatakbo ng mga pasilidad ng sangay at mga remote translation office

    mga teokratikong paaralan

    mga nasa pantanging buong-panahong paglilingkod

    pagtulong sa mga nakaranas ng sakuna

    pag-iimprenta, paggawa ng mga video, at digital publishing

  • Donasyon para sa lokal na kongregasyon

    GASTUSIN NG KONGREGASYON

    gastusin ng kongregasyon, gaya ng tubig at ilaw, at pagmamantini ng Kingdom Hall

    mga resolusyon ng kongregasyon na magpadala ng pondo sa tanggapang pansangay para sa:

    • konstruksiyon ng Kingdom Hall at Assembly Hall sa buong mundo

    • Global Assistance Arrangement

    • iba pang pambuong-daigdig na gawain

MGA KOMBENSIYON AT ASAMBLEA

Ang mga donasyon sa panrehiyong kombensiyon ay ipinapadala para sa pambuong-daigdig na gawain. Ang mga gastusin naman sa panrehiyon, pantangi, at internasyonal na mga kombensiyon ay kinukuha sa mga donasyon sa worldwide work.

Ang mga donasyon ng sirkito ay ginagamit sa pag-upa, pag-o-operate, at pagmamantini ng mga bulwagang ginagamit sa mga asamblea at iba pang gastusin ng sirkito. Maaaring magpasiya ang sirkito na ibigay sa pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova ang sobrang pondo.

donate.jw.org

TINGNAN ONLINE

Para makapagbigay ng donasyon, gawin ang alinman sa sumusunod:

  • magpunta sa donate.jw.org

  • magpunta sa seksiyong Tungkol sa Amin sa jw.org/tl at piliin ang “Donasyon”

  • magpunta sa home page ng JW Library app at gamitin ang link na “Donasyon” sa ibaba

Sa ilang bansa, may dokumentong “Frequently Asked Questions” na sumasagot sa karaniwang mga tanong tungkol sa donasyon.

Mapapanood sa video na Tutorial Para sa Pagbibigay ng Donasyon Online ang mga paraan ng pagbibigay ng donasyon.

MGA PLANO SA PAGKAKAWANGGAWA

Ang ilang donasyon para sa pambuong-daigdig na gawain ay nangangailangan ng pagpaplano at/o pagkonsulta sa abogado. Kasama rito ang:

  • testamento at trust

  • lupa’t bahay, stock, bond, at insurance

  • kondisyonal na donasyon

Kung gusto mong mag-donate ng alinman sa mga ito, makipag-ugnayan sa inyong tanggapang pansangay gamit ang impormasyong makikita sa donate.jw.org.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share