Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w18 Nobyembre p. 32
  • Anong Regalo ang Maibibigay Natin kay Jehova?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Anong Regalo ang Maibibigay Natin kay Jehova?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Kaparehong Materyal
  • “Isang Kaloob Para kay Jehova”
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Ang Halaga ng “Dalawang Maliliit na Barya”
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Saan Nanggagaling ang Pondo ng mga Saksi ni Jehova?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Pinapasalamatan Namin si Jehova Dahil sa Pag-ibig Ninyo
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
w18 Nobyembre p. 32
donate.jw.org

Anong Regalo ang Maibibigay Natin kay Jehova?

MINSAN, sinabi ni Jesus: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.” (Gawa 20:35) Ang katotohanang iyan ay kumakapit sa ating kaugnayan kay Jehova. Bakit? Binigyan tayo ni Jehova ng maraming regalo na nagpapasaya sa atin, pero lalo tayong magiging masaya kung tayo naman ang magbibigay ng regalo sa kaniya. Anong regalo ang maibibigay natin kay Jehova? Sinasabi ng Kawikaan 3:9: “Parangalan mo si Jehova ng iyong mahahalagang pag-aari.” Kasali rito ang ating panahon, talento, lakas, at materyal na pag-aari. Kapag ginagamit natin ang mga ito para itaguyod ang tunay na pagsamba, nagbibigay tayo ng regalo kay Jehova, na nagpapasaya sa atin.

Kung tungkol sa ating materyal na pag-aari, ano ang tutulong sa atin para hindi natin makaligtaang ibigay ang ating regalo kay Jehova? Sinabi ni apostol Pablo sa mga taga-Corinto na ‘magbukod ng anumang maiipon’ bilang kontribusyon. (1 Cor. 16:2) Ano ang puwede mong gawin kung gusto mong malaman ang iba pang detalye kung paano ginagawa sa inyong lugar ang pagbibigay ng donasyon? Tingnan ang kahon sa ibaba.

Ang pagdo-donate online ay hindi available sa lahat ng bansa. Pero ang ibang paraan ng pagdo-donate ay makikita sa web page na donasyon. Sa ilang bansa, makikita sa web page na iyon ang mga sagot sa karaniwang mga tanong tungkol sa donasyon.

Isang Madaling Paraan ng Pagdo-donate Online

MADALING MAKITA

  • Browser

    I-type sa browser ang donate.jw.org

  • JW Library

    Sa home page ng JW Library®, i-click ang link na “Donasyon”

MADALING GAMITIN

Magbigay ng minsanang donasyon, o mag-set up ng regular na donasyon para sa:

  • Pambuong-daigdig na Gawain

  • Kongregasyon Mo

  • Panrehiyong Kombensiyon

  • Pansirkitong Asamblea

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share