Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 4/15 p. 31
  • Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Patalastas
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Tulong Para sa mga Komite ng Lupong Tagapamahala
  • Pakikipagtulungan sa Lupong Tagapamahala Ngayon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kung Paano Inoorganisa ang Lupong Tagapamahala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Paglalaan ni Jehova, ang “mga Ibinigay”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Sino ang Pumapatnubay sa Bayan ng Diyos Ngayon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 4/15 p. 31

Patalastas

Tulong Para sa mga Komite ng Lupong Tagapamahala

Ang mga miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, sa kasalukuyan 12 ang bilang, ay patuloy na naglilingkod nang may katapatan sa kani-kanilang atas. Sila’y napasasalamat sa tuwina sa tapat na mga miyembro ng lumalagong “malaking pulutong” dahil sa kanilang masigasig na pagtangkilik. (Apocalipsis 7:9, 15) Dahilan sa malaking pagsulong sa buong daigdig, waring angkop naman sa panahong ito na bigyan ang Lupong Tagapamahala ng karagdagang tulong. Kaya ipinasiya na mag-anyaya ng ilang katulong, galing ang kalakhan sa malaking pulutong, upang makibahagi sa mga pulong ng bawat isa sa mga Komite ng Lupong Tagapamahala, samakatuwid baga, ang mga Komite sa mga Tauhan, Paglalathala, Paglilingkod, Pagtuturo, at Pagsulat. Sa gayon, ang bilang ng dumadalo sa mga pulong ng bawat isa sa mga komiteng ito ay daragdagan hanggang umabot sa pito o walo. Sa pangangasiwa ng mga miyembro ng komite ng Lupong Tagapamahala, ang mga katulong na ito ay magkakaroon ng bahagi sa mga talakayan at gaganap ng sari-saring atas na ibinigay sa kanila ng komite. Ang bagong kaayusang ito ay magkakabisa sa Mayo 1, 1992.

Sa loob ng maraming taon na ngayon, ang bilang ng nalabi ng pinahirang mga Saksi ay lumiliit, samantalang ang bilang ng mga nasa malaking pulutong ay lumalaki naman nang higit sa ating pinakamalaking maaasahan. (Isaias 60:22) Anong laki ng ating pasasalamat kay Jehova dahil sa kahanga-hangang paglawak na ito! Nang ang bagong pangalan, na mga Saksi ni Jehova, ay tanggaping may pasasalamat noong 1931, ang sukdulang bilang ng mga mamamahayag ng Kaharian ay 39,372, na karamihan ay kinikilala bilang mga pinahirang kapatid ni Kristo. (Isaias 43:10-12; Hebreo 2:11) Animnapung taon ang lumipas, noong 1991, sa buong daigdig ang sukdulang bilang ng mga mamamahayag ay 4,278,820, na 8,850 lamang ang nagpapakilalang kabilang sa mga nalabi. Gaya ng maaasahan sa liwanag ng Kasulatan, ang mga nasa “malaking pulutong” ngayon ay mas marami sa katumbasang mahigit na 480 sa 1. (Lucas 12:32; Apocalipsis 7:4-9) Sa pangangalaga sa lumalawak na intereses ng Kaharian, tiyak na ang nalabi ay nangangailangan at nagpapahalaga sa pakikipagtulungan at pagtangkilik ng malaking pulutong.

Gaya ng ipinaliwanag sa labas na ito ng Ang Bantayan, may isang grupong naglilingkod kasama ng espirituwal na Israel ngayon na maihahambing sa mga Nethineo at sa mga anak ng mga lingkod ni Solomon na bumalik buhat sa pagkabihag sa Babilonya kasama ng nalabing Judio; yaong mga di-Israelita ay mas marami pa nga kaysa bumalik na mga Levita. (Ezra 2:40-58; 8:15-20) Ang “mga ibinigay” na nanggaling sa malaking pulutong sa ngayon ay maygulang na mga lalaking Kristiyano na may malawak na karanasan bunga ng pangangalaga sa mga gawaing pangangasiwa sa mga sangay, sa gawain ng naglalakbay na mga tagapangasiwa, at sa loob ng 66,000 kongregasyon na nakatatag ngayon sa buong lupa.

Kamakailan, ginanap sa buong daigdig ang mga Kingdom Ministry School para sa pagtuturo sa mga tagapangasiwa at sa kanilang katulong na ministeryal na mga lingkod. Sa Estados Unidos lamang, 59,420 tagapangasiwa ang nagsipag-aral. Ang “nakatatandang mga lalaking” ito ay nasasangkapan na tuparin ang kani-kanilang pananagutan sa lalong epektibong paraan.​—1 Pedro 5:1-3; ihambing ang Efeso 4:8, 11.

Sa punong-tanggapan sa Brooklyn ng mga Saksi ni Jehova, ang ibang “mga ibinigay” ay naglilingkod na nang napakaraming taon. Dito ay kasali ang maygulang nang mga tagapangasiwa buhat sa malaking pulutong na nagtamo ng saganang kakayahan at karanasan. Sa gayon, ang Lupong Tagapamahala ay pumili ng ilan sa gayong mga tagapangasiwa upang tumulong sa mga pulong ng mga komite ng Lupong Tagapamahala. Ang mga ito ay hindi naman lahat mga lalaking may pinakamahahabang paglilingkod. Bagkus, sila ay maygulang, may karanasan na mga lalaking kuwalipikadong makapagbigay ng tulong sa partikular na mga larangan. Hindi dahil sa inatasan silang gumawang kasama ng isang komite ay nalalagay sila sa isang natatanging kalagayan. Gaya ng sinabi ni Jesus tungkol sa kaniyang mga alagad: “Lahat kayo ay magkakapatid.” (Mateo 23:8) Gayunman, malaki ang ipagkakatiwala sa mga lalaking ito, kaya naman “malaki rin ang hihingin” sa kanila.​—Lucas 12:48.

Tayo’y nagagalak sa pagsulong ng organisasyon ni Jehova sa ngayon. Noong nakalipas na sampung taon, nagkaroon ng halos 100 porsiyentong pagsulong sa bilang ng naglilingkod sa larangan, bilang katuparan ng hula tungkol sa Lalong-dakilang David, si Jesu-Kristo: “Ang paglago ng kaniyang pamahalaan at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas.” (Isaias 9:7, King James Version) Kung papaano na ang mga Nethineo ay gumawang kasama ng mga saserdote sa pagtatayo sa sirang mga pader ng Jerusalem, sa ngayon din naman ang hula tungkol sa organisasyon ni Jehova ay natutupad: “At mga tagaibang lupa ang magtatayo ng inyong mga pader.” (Isaias 60:10; Nehemias 3:22, 26) Ang modernong-panahong mga Nethineo ay dapat papurihan dahil sa sigasig na kanilang ipinakita sa pagtatayo ng tunay na pagsamba, sa pagtulong sa “mga saserdote ni Jehova” sa anumang gawain o paglilingkod na iatas sa kanila sa pambuong-daigdig na organisasyon ni Jehova.​—Isaias 61:5, 6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share