Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 7/1 p. 3-4
  • Bakit Marami ang Nasisiraan ng Loob?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Marami ang Nasisiraan ng Loob?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pinakasukdulang Paraan
  • Dinaraig ng Pag-asa ang Pagkasira ng Loob!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Kung Paano Haharapin ang Pagkasiphayo
    Gumising!—2000
  • Malapit Na—Isang Daigdig na Walang Pagkasiphayo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Tapusin Ko Na Lang Kaya ang Buhay Ko?
    Gumising!—2008
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 7/1 p. 3-4

Bakit Marami ang Nasisiraan ng Loob?

ANG pag-asa ukol sa isang lalong mainam na buhay​—natupad na rin sa wakas! Maraming taong namumuhay sa dating Silangang Alemanya ang naniwalang gayon nang ang Pader ng Berlin ay maibagsak noong Nobyembre 1989. Subalit, bahagya lamang natatapos ang isang taon ay nagreklamo sila na kanilang “nasumpungan na ang malupit na daigdig ng kapitalistang demokrasya ay mas mahirap pakitunguhan kaysa buhay na protektado ng Pader ng Berlin.” Ang resulta? Pagkasiphayo at pagkasira ng loob.

Ang karahasan sa tahanan at sa komunidad ay maaaring dahilan ng pilit na pag-alis ng mga tao sa kanilang tahanan upang humanap ng katiwasayan, subalit kakaunti ang nakasusumpong nito. Ang iba ay humahantong pa nga sa kawalan ng tahanan at naninirahan na lamang sa mga lansangan ng lunsod. Sa ilang mga bansa naman marami sa mga ito ang nasasangkot sa masalimuot na mga pamamaraan o “red tape.” Palibhasa’y hindi na nila kayang tumira sa isang tahanan dahilan sa wala silang hanapbuhay, hindi sila makapasok sa trabaho sapagkat wala silang maibigay na direksiyon ng tirahan. Ang mga ahensiya ng gobyerno sa pagkakawang-gawa ay sumusubok din na tumulong, subalit panahon ang kailangan upang malutas ang mga suliranin. Kaya pagkabigo at pagkasira ng loob ang umiiral.

Maraming babae ang dahil sa pagkasira ng loob ay gumagawa ng mga bagay na nakagigitla. Sa report na Women and Crime in the 1990s, ang tagapagpanayam tungkol sa batas na si Dr. Susan Edwards ay may ganitong paliwanag: “Ang pagkasangkot ng kabataang mga babae [sa prostitusyon] ay tulad sa tuwirang pangangailangan sa buhay, hindi ng kakulangan ng pagdisiplina-sa-sarili o dahil sa kanilang pinagmulang pamilya.” Gayundin, ang mga kabataang lalaking lumalayas sa tahanan dahil sa paghahanap ng trabaho ay kalimitang wala namang natatagpuan. Ang iba, sa pagkasira ng loob, ay humahantong sa pagiging ‘upahang mga lalaki,’ na ang kanilang mga katawan ay ipinauubaya sa mga homoseksuwal kapalit ng pagkain at tirahan, nabibiktima ng likong mga grupong kriminal.

Ang malulupit na mga kalagayan sa pulitika, ang karahasan, mga kahirapan sa kabuhayan, lahat ay maaaring pagmulan ng pagkasira ng loob. Kahit na ang mga taong may propesyon ay hindi natatangi samantalang kanilang sinisikap na makapanatili sa kanilang mariwasang pamumuhay sa gitna ng lumulubhang mga suliranin sa pananalapi. Ang resulta? “Kahit na lamang ang pagkaapi ay makapagpapakilos sa pantas na parang baliw,” gaya ng sinabi ng sinaunang si Haring Solomon!a (Eclesiastes 7:7) Oo, ang kawalang pag-asa ay umaakay sa parami nang paraming mga tao upang humantong sa pinakasukdulan​—pagpapatiwakal.

Ang Pinakasukdulang Paraan

Ang maraming kaso ng pagpapatiwakal sa mga kabataan ay patotoo na sila man ay apektado ng salot ng pagkasira ng loob. Isang kolumnista ng balita sa Britaniya ang nagtanong: “Ano ba kung tungkol sa ating kapanahunan ang nagdudulot ng napakatinding pagkasira ng loob sa mga bagong sibol?” Sa isang pag-aaral tungkol sa mga batang nasa edad 8 at 16 na ipinasok sa mga ospital pagkatapos sumubok na lasunin ang kanilang sarili, si Dr. Eric Taylor ng London’s Institute of Psychiatry ay nag-uulat: “Ang isang kapuna-punang bagay ay kung ilan sa mga bata ang nasisiraan ng loob at nawawalan ng pag-asa sa mga bagay-bagay.” Sa ulat sa Britaniya ay tinatayang may 100,000 di-natuluyan ngunit sinadyang mga kaso ng paglalason sa taun-taon upang ipaalam ang kanilang apurahang pangangailangan ng saklolo.

Sa Britaniya isang institusyon sa pagkakawanggawa ang naglunsad ng kampanya na buong kahabagang pakinggan ang mga nasisiraan ng loob. Sa ganitong paraan ay naniniwala ang mga tagapayo na sila’y naghahandog ng “mga ihahalili sa kamatayan.” Gayunman, kanilang inaamin na hindi nila malulutas ang mga suliranin na sanhi ng pagkasira ng loob ng mga tao.

Ang dami ng pagpapatiwakal ay nagpapahiwatig ng “agwat ng pagkakalayu-layo at kakulangan ng pagkakaugnay-ugnay sa lipunan,” ang komento ng pahayagang The Sunday Correspondent. Bakit nga may ganiyang napakaraming nagpapatiwakal sa ngayon? Binanggit ng pahayagan ang “kawalang-tahanan, pag-inom ng alak, ang banta ng AIDS at ang pagsasara ng mga ospital ng mga may kapansanan ng isip” bilang mga dahilan na nagtataboy sa mga tao sa gayong pagkasira ng loob kung kaya ang pagpapatiwakal ang kanilang itinuturing na tanging lunas sa kanilang mga suliranin.

May pag-asa bang madaig ang pagkasira ng loob? Oo! “Tumayo kayong matatag at itaas ang inyong mga ulo” ang nagpapasiglang panawagan ni Jesus! (Lucas 21:28) Ano ba ang ibig niyang sabihin? May anong pag-asa?

[Talababa]

a Sang-ayon sa Theological Wordbook of the Old Testament, na isinaayos nina Harris, Archer, at Waltke, ang orihinal na wikang ugat ng salitang isinaling “pagkaapi” ay may kaugnayan sa “pagpapabigat, pagyurak, at pagdurog sa mga taong nasa mababang kalagayan sa buhay.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share