Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 8/1 p. 3-4
  • Ang Buhay—Isang Regalo Buhat sa Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Buhay—Isang Regalo Buhat sa Diyos
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Kaparehong Materyal
  • Bahay-bata
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Pagkatuto ay Nagsisimula sa Bahay-Bata
    Gumising!—1992
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Kailan Nagsisimula ang Buhay ng Tao?
    Gumising!—2009
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 8/1 p. 3-4

Ang Buhay​—Isang Regalo Buhat sa Diyos

DALAWAMPU’T APAT na oras maghapon, ang ating puso ay nagbobomba ng mahalagang dugo sa ating katawan. Tayo’y nakakatulog, at ang mga baga ay patuloy na pumipintog at umuurong. Tayo’y kumakain, at ang mga pagkain ay kusang natutunaw. Lahat ng ito ay nagaganap araw-araw, sa pamamagitan ng bahagya o kusa na pagsisikap natin. Ang mahiwaga at kamangha-manghang mga pangyayaring ito, na malimit na ipinagwawalang-bahala, ay bahagi ng kaloob na tinatawag nating buhay. Sa isang diwa isang kaloob ito na matatawag na kahima-himala.

Isaalang-alang ang kaayusan ng paglilihi at pagsisilang sa tao. Bagaman ang katawan sa normal na paraan ay tinatanggihan ang naiibang himaymay, ang bahay-bata ay gumagawa ng kataliwasan sa isang pertilisadong itlog. Imbes na tanggihan ang lumalaking binhi bilang naiibang himaymay, ito ay pinakakain at iniingatan hanggang sa ito’y handa nang lumabas bilang isang sanggol. Kung wala ang kakayahan ng bahay-bata na gumawa ng ganitong maselan na pagtatangi kung may kaugnayan sa alituntunin na pagtanggi sa naiibang himaymay, magiging imposible na maipanganak ang tao.

Magkagayon man, ang buhay para sa isang bagong silang na sanggol ay maikli kung hindi dahil sa isang pagkabuo na nagaganap sa bahay-bata pagka ang ibang binlig (fetus) ay mga apat na buwan lamang. Sa panahong iyan ay nagsisimulang susuhin niya ang kaniyang hinlalaki, pinag-eehersisyo ang mga kalamnan na sa bandang huli ay tutulong sa kaniya upang sumuso sa kaniyang ina. At ito ay isa lamang sa maraming bagay na kinasasalalayan ng buhay at kamatayan na nagaganap malaon pa bago isilang ang isang sanggol.

Habang ang isang binlig ay nasa bahay-bata, may butas sa pinaka-dingding ng puso nito. Subalit, ang butas na ito ay kusang nagsasara sa pagsilang. At, ang isang malaking ugat na tinatakbuhan ng dugo na hindi dumaraan sa mga baga samantalang nasa bahay-bata ang binlig ay kusang nahahati sa pagsilang; ngayon ang dugo ay tumutungo sa mga baga, na kung saan ito’y nahahaluan ng oksiheno samantalang nagsisimulang huminga ang sanggol.

Lahat na ito ay pasimula lamang. Sa buong buhay, sunud-sunod na makikisig na dinisenyong mga sistema (tulad baga niyaong para sa paghinga, sa sirkulasyon, sa nerbiyos, at sa endokrina) ay gaganap at pag-uugnay-ugnayin ang kani-kanilang mga gawain taglay ang kahusayan na totoong kamangha-mangha sa tao​—lahat ay para sa ikapagpapatuloy ng buhay. Hindi kataka-taka na isang sinaunang manunulat ang nagsabi tungkol sa Diyos: “Pupurihin kita sapagkat kagila-gilalas ang pagkagawa sa akin sa kakila-kilabot na paraan. Kamangha-mangha ang iyong mga gawa, gaya ng nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.”​—Awit 139:14.

Maliwanag, ang sumulat ng magagandang pananalitang iyan ay hindi naniniwala na resulta lamang ang buhay ng bulag, pagbabakasakali ng ebolusyunista o nangyari nang di-sinasadya. Kung totoo iyan, hindi tayo magkakaroon ng tunay na mga obligasyon o pananagutan tungkol sa kung papaano dapat nating gamitin ang ating buhay. Subalit, ang mekanismo ng buhay ay malinaw na kababanaagan ng disenyo, at kung may disenyo ay mayroon ding nagdisenyo. Ganitong simulain ang ibinigay ng Bibliya: “Mangyari pa, bawat bahay ay may nagtayo, ngunit ang nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos.” (Hebreo 3:4) Mahalaga samakatuwid na “makilala na si Jehova ay Diyos. Siya ang gumawa sa atin, at tayo ay kaniya.” (Awit 100:3) Oo, ang buhay ay hindi isang kaayaayang pagkakataon lamang; ito ay isang regalo buhat sa Diyos mismo.​—Awit 36:9.

Yamang gayon nga, ano ang ating mga obligasyon sa Tagapagbigay ng buhay? Papaano niya inaasahan na gagamitin natin ang ating buhay? Ito at mga kaugnay na katanungan ang isasaalang-alang sa susunod na artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share