Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 2/1 p. 7-8
  • Binago Nila ang Kanilang Pamumuhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Binago Nila ang Kanilang Pamumuhay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Saligan Para sa Pagbabago
  • Ang Iba ay Ibig Mag-aral ng Bibliya
  • Binabago ng Katotohanan ng Bibliya ang mga Buhay
  • Mabuting Balita Buhat sa Norway
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Paano Ako Makakalaya sa Droga?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Bakit Magsasabi ng Hindi sa Droga?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
  • Pagpipilit na Isagawa ang Ibinigay ng Diyos na Atas sa Kanila
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 2/1 p. 7-8

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Binago Nila ang Kanilang Pamumuhay

TIYAK na nakita mo sila na nakikipag-usap sa iba sa mga lansangan, dumadalaw sa bahay-bahay, o dumadalo sa mga pulong Kristiyano sa kanilang mga Kingdom Hall. Ang tinutukoy namin ay yaong mga kabataan ng mga Saksi ni Jehova na maayos ang bihis. Marahil ay mahihinuha mo na sila’y mga Saksi dahil sa sila’y tinuruan ng kanilang mga magulang na maging gayon, at ganiyan nga ang nangyari sa marami sa kanila. Sa kabilang panig, ang ilan sa mga kabataang ito ay may ibang-ibang karanasan at ang dating pamumuhay ay lubusang naiiba sa buhay nila ngayon. Ang totoo, yaong makikita sa susunod na pahina ay dating kasa-kasama ng mga grupong bihasa sa araw-araw na gumawa ng krimen at pag-aabuso sa droga. Ano ang lubusang nagpabago sa kanilang buhay? Dalawin natin ang isang bayan sa Norway at makipagkilala sa ilang kabataan na gumawa ng gayong mga pagbabago.

Ang Saligan Para sa Pagbabago

Nang makilala ng dalawang Saksi si Annette sa gawaing pagbabahay-bahay, siya’y 19 anyos. “Kadalasan ay sinasabihan ako na huwag makipag-usap sa mga Saksi ni Jehova, ngunit ibig kong makilala sila at inanyayahan ko silang pumasok,” ang nagunita pa niya. Siya ay gumagamit na ng bawal na gamot sapol nang siya’y 11 anyos at napasangkot sa maraming pagnanakawan at pagka-carnap.

Ang mabuting balita ng Kaharian ay nakaakit sa kaniya. Ang lalo nang nakapagpatibay-loob sa kaniya ay ang pag-asa sa pagkabuhay-muli, palibhasa’y naulila siya sa ina sa edad na limang taon. Kaya siya‘y tumanggap ng isang walang-bayad na pag-aaral sa Bibliya at nagsimulang dumalo sa mga pulong sa Kingdom Hall. Ang kaniyang natututuhan ay ibinalita niya sa kaniyang kasintahan at sa mga iba pa. Ano ang kanilang ikinilos? Sila’y walang pakialam doon at kanilang inakusahan si Annette na siya’y naimpluwensiyahan nila na maniwala. Subalit, ang iba sa mga mahihigpit na mananalansang ay nagsimulang mag-aral ng Bibliya.

Bilang halimbawa, nariyan si Espen, isang binata na 20 anyos. Ang mabuting balita ng Kaharian ay kaniyang narinig sa kasintahan ni Annette at karaka-raka ay nais niyang makipag-aral ng Bibliya. Gayunman, siya’y naghihintay na makatupad sa isang sintensiyang pagkabilanggo ng apat na buwan, dahil sa siya’y napasangkot sa pagpupuslit ng mga bawal na gamot at, tulad ni Annette, sa maraming pagnanakawan. Siya ay isa ring gumagamit ng tabako, marijuana, at iba pang mga bawal na gamot. Ngayon, ano ang magtutulak sa isang taong napasangkot sa gayong mga bagay upang magnais na magsimulang mag-aral ng Bibliya? Natanto ni Espen na walang kabuluhan at kulang ng layunin ang kaniyang pamumuhay. Aniya: “Ako’y naakit sa mga pangako ng Bibliya ng isang kinabukasan na nagbigay sa akin ng layunin sa buhay. Kaya nagsimula akong mag-aral upang alamin kung katotohanan ang sinabi sa akin.”

Ang Iba ay Ibig Mag-aral ng Bibliya

Halos sa panahong ito, isang kabataang lalaki sa ganoong barkadahan ng mga kabataan ang nakarinig ng mabuting balita, at siya rin ay nagsimulang mag-aral at dumalo sa mga pulong. Sumunod, isang pag-aaral ang sinimulan sa isa pa sa mga kabataang ito, at siya’y nagsimulang dumalo sa mga pulong. Hindi nagtagal pagkatapos, isa pang kabataang lalaki ang nakisali sa kaniyang mga kaibigan sa pag-aaral ng Bibliya at sumulong sa espirituwalidad. Pagkatapos ay isa pa ring kabataan sa grupo ring iyon ang humanga sa positibong mga pagbabago na nasasaksihan sa kaniyang mga kaibigan, at hindi nagtagal, ninais niyang mag-aral ng Bibliya.

Si Gilbert, isang kabataang musikero sa grupo ring iyon, ay nagsimula ngayon na mag-aral ng Bibliya. Ang kaniyang mga magulang ay kapwa namatay sa sakit na kanser, kaya siya’y inaliw ng pag-asa na pagkabuhay-muli na ibinibigay ng Bibliya. (Juan 5:28, 29) Siya rin ay gumagamit ng marijuana at namumuhay nang walang patumangga, at siya’y may lunggatiin na maging isang bihasang artista ng musikang rock. Gayunman, habang lumilipas ang panahon, siya’y nagkaroon ng mainam na pagsulong sa espirituwalidad at hindi nagtagal ay nagpasiyang maging isang Saksi ni Jehova. Sa wakas, ang nakababatang kapatid na lalaki ni Espen ay nagsimulang magsuri ng Bibliya at makisama sa mga Saksi.

Binabago ng Katotohanan ng Bibliya ang mga Buhay

Isang malaking pagbabago ang naganap sa mga kabataang ito na dati-rati’y bulagsak manamit, gusot ang buhok, at nasasangkot sa mga bawal na gamot, pagnanakaw, at iba pang mga krimen. Si Annette ay isang mainam na mamamahayag ng Kaharian at nagpayunir nang may isang taon. Sina Aspen at Gilbert ay nagsilbing mga auxiliary pioneer at sila ay ministeryal na mga lingkod din. Kapwa sila nag-asawa ng mga kasamahan nila sa kongregasyong Kristiyano. Apat pa na nasa dating grupo ang masigasig na mga tagapagbalita ng Kaharian!

Kumusta naman ang apat-na-buwang sintensiya na ipinataw kay Espen? Dahilan sa mga pagbabago na ginawa niya sa kaniyang buhay, ang kaniyang sintensiya ay ginawa na lamang 80 oras na trabaho sa komunidad. Nang pumayag ang pulisya at ang mga iba pa, ang oras na ito ay ginugol niya sa pagtatrabaho sa lokal na Kingdom Hall of Jehovah’s Witnesses. Galak na galak ang pulisya sa kaayusang ito.

Oo, maraming iba pang kabataan sa buong daigdig ang may karanasan sa pagkasangkot sa mga krimen. Subalit ang katotohanan ng Salita ng Diyos ang nagbigay sa kanila ng kasagutan sa mahalagang mga katanungan at isang tiyak na pag-asa sa kinabukasan. Kaya naman, sila’y hindi na mga kriminal o mga gumagamit ng bawal na gamot, at sila’y hindi palakad-lakad na nakadamit nang bulagsak. Pagkatapos na magbago ng pamumuhay, sila’y kagayang-kagaya ng mga taong binanggit na​—nasa kabataan, maayos ang hitsura, at aktibong mga Saksi ni Jehova. Nais nilang ipaalam sa iba ang ibinibigay ng Bibliya na walang-hanggang kalutasan sa mga suliranin ng napakaraming mga kabataan.​—Tingnan ang 1 Corinto 6:9-11.

[Larawan sa pahina 8]

Sina Espen, Annette, at Gilbert

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share