Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 3/1 p. 2-3
  • Ang Pagpapaliban ay Umakay sa Kamatayan!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pagpapaliban ay Umakay sa Kamatayan!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Pompeii—Kung Saan Tumigil ang Panahon
    Gumising!—1996
  • Paninirahan sa Anino ng Natutulog na Higante
    Gumising!—2007
  • Fresno
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ngayon Higit Kailanman, Manatiling Gising!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 3/1 p. 2-3

Ang Pagpapaliban ay Umakay sa Kamatayan!

TATLONG pamilya, pitong adulto at anim na anak, ang sa kawalang-pag-asa’y nagsitakbo upang iligtas ang kanilang buhay. Waring sila’y sama-samang nagsikanlong sa isang tahanan, sa pag-asang makaligtas sa kakila-kilabot na pag-ulan ng mga bato. Subalit habang ang dagundong ng naglalagpakang mga bato ay napapawi, sádarating naman ang isang bagong kakilabutan​—isang maitim na ulap ng abo na nakapipigil sa paghinga. Ngayon ay wala nang magagawa kundi ang tumakbo.

Isang lalaki ang nangunguna, marahil siya ay isang utusan, na tumakbo na may sakbat na isang supot ng mga panustos. Kasunod niya ay dalawang batang lalaki, ang isa’y mga apat na taóng gulang, yaon namang isa ay lima, magkakapit ang kamay na tumatakbo. Kasunod ang mga iba​—takot-na-takot, nakikipagpunyagi, natatalisod, nagpupumilit na maghanap ng matatakasan. Kanilang sinubok na huminga, subalit sa halip na hangin, ang kanilang nalanghap ay namamasang abo. Sunud-sunod, ang 13 ay nangatumba at hindi na nakagalaw at sa wakas ay natabunan ng bumabagsak na abo. Ang kanilang nakalalagim na labí ay natabunan hanggang sa sila’y mahukay ng mga arkeologo pagkalipas ng halos 2,000 taon at saka lamang naunawaan ang malungkot na kinasapitan nila.

Ang 13 biktimang ito ay ilan lamang sa tinatayang 16,000 na nangasawi sa sinaunang lunsod ng Pompeii, Italya, noong Agosto 24, 79 C.E. Marami ang nakaligtas sa pamamagitan ng paglikas buhat sa lunsod nang unang-unang sumabog ang Bulkang Vesuvius. Subalit, ang mga nagpaliban​—mayayaman ang karamihan na hindi ibig iwanan ang kanilang mga tahanan at mga ari-arian​—​ay nangatabunan ng 6 na metrong taas ng malalaking bato at abo.

Ang nangyari sa Pompeii halos 2,000 taon na ngayon ay maaaring isang sinaunang kasaysayan. Subalit sa maraming paraan ay nahahawig iyon sa kalagayan na nakaharap sa buong sangkatauhan sa ngayon. Isang tanda sa buong globo, na nagbababala nang higit kaysa pagbababala ng Bulkang Vesuvius, ang tumatawag pansin na ang kasalukuyang sistema ng sanlibutan ay nakaharap sa napipintong pagkapuksa. Upang makaligtas, tayo ay kailangang kumilos agad. Ang pagpapaliban ay maaaring makamatay. Kung ano ang tandang iyon at papaano tayo matalinong makatutugon ang paksa ng ating susunod na artikulo.

[Picture Credit Line sa pahina 2]

Cover photo by National Park Service

[Picture Credit Line sa pahina 3]

Soprintendenza Archaeologica di Pompei

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share