Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 10/15 p. 3-4
  • Bakit ang Pagnanakaw ay Dumarami?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit ang Pagnanakaw ay Dumarami?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Nagnanakaw ang mga Tao?
  • Huwag Kang Magnanakaw
  • Pagnanakaw
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pagnanakaw—Bakit Hindi Dapat?
    Gumising!—1995
  • Binibigyang-matuwid ba ng Karalitaan ang Pagnanakaw?
    Gumising!—1997
  • Bakit Nang-uumit sa Tindahan ang mga Tao?
    Gumising!—2005
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 10/15 p. 3-4

Bakit ang Pagnanakaw ay Dumarami?

RIO DE JANEIRO​—Linggo, Oktubre 18, 1992. Ang bantog na mga tabing-dagat ng Copacabana at ng Ipanema ay siksikan sa mga tao. Biglang-bigla, pulu-pulutong ng mga kabataan ang lumusob doon, naglaban-laban at nagnakaw ng anumang bagay na may halaga buhat sa mga tao sa tabing-dagat. Ang nahigitan-sa-dami na mga pulis ay nagmamasid lamang​—walang magawa. Para sa mga Katutubo roon at sa mga turista, yaon ay mistulang isang masamang panaginip kung araw.

Talaga naman, naging karaniwan na ang krimen na kinasasangkutan ng ari-arian. Sa malalaking lunsod, ang mga ninanakawan ay mga kabataan​—at kung minsan ay pinapatay pa sila​—​upang makuha ang kanilang mga sapatos na de goma. Ang mga magnanakaw ay pumapasok sa mga tahanan kahit may tao o wala. Ang malilikot-ang-kamay na mga katulong, pagka alam na nila kung nasaan ang mga bagay-bagay sa tahanan, ay nagsisipagnakaw ng alahas at salapi, pagkatapos ay bigla na lamang mawawala. Marami ang nandarambong sa mga tindahan. May organisadong mga grupo na nagnanakaw kahit ng mga tao, gaya ng pinatutunayan ng dumaraming kidnapping sa Brazil. At marahil ay makapagbibigay ka ng iba pang halimbawa ayon sa iyong sariling karanasan o sa naganap sa inyong pamayanan. Subalit bakit nga ba napakarami ng pagnanakaw?

Bakit Nagnanakaw ang mga Tao?

Bagaman ang lumulubhang karalitaan at ang paggamit ng mga bawal na gamot ang dalawang pangunahing dahilan, ang sagot ay hindi gaanong maliwanag. Ganito ang sinasabi ng The New Encyclopædia Britannica: “Ang paghahanap ng nag-iisang dahilan ng krimen ay itinigil na yamang walang resulta.” Gayunman, ang reperensiya ring iyan ay nagpapahiwatig na ang gayong mga suliranin gaya ng pagnanakaw “ay tuwirang maisisisi sa nadarama ng mga kabataan na sila’y walang kabuluhan at ipinagdaramdam nila ang hindi pakikinabang sa materyal na biyaya at kapakinabangan ng karaniwang buhay.” Oo, dahilan sa matinding panggigipit upang itaguyod ang kapakanan ng mamimili, nakikita ng marami na sila’y walang paraang makamit ang mga bagay na ibig nila kundi sa pamamagitan ng pagnanakaw.

Subalit, kapansin-pansin, binanggit ng The World Book Encyclopedia: “Ang dami ng krimen ay halos walang gaanong ipinagbabago sa tatag na mga lipunan na ang mga mamamayan ay naniniwalang magpapatuloy ang kanilang paraan ng pamumuhay. Ang bilang ng krimen ay malamang na tumaas sa mga lipunan na kung saan may mabilis na mga pagbabago sa mga dakong kinatitirhan ng mga tao at sa kanilang hanapbuhay​—at sa kanilang mga pag-asa ng kaunlaran sa hinaharap.” Isinususog ng ensayklopidiya: “Ang mga kabataan ay walang gaanong pagkakataon sa trabaho. Ang mga trabahong hindi nangangailangan ng kasanayan ay waring mahina kung ihahambing sa mabilis at dagling mga pakinabang buhat sa pagnanakaw. Ang kabataan ay hindi rin gaanong takot maaresto sapagkat magkagayon man ay wala namang gaanong mawawala sa kanila.”

Subalit, maraming walang trabaho o may maliit na kita ang hindi nagnanakaw, samantalang napakaraming mga de opisina at mga namamasukan ang nangungupit sa kanilang trabaho na para bang iyon ay bahagi ng kanilang suweldo. Sa katunayan, para sa ilang gawang pandaraya, kahilingan ang isang mataas na kalagayan sa lipunan. Hindi ba nakabalita ka ng mga iskandalo tungkol sa malalaking halaga ng salapi na ang mga kasangkot ay mga pulitiko, mga pinunong-bayan, at mga negosyante? Tiyak iyan, hindi lamang ang mahihirap ang nagnanakaw.

Alalahanin din na ang mga palabas sa sine at mga programa sa TV ay kalimitan ginagawang biro lamang ang pagnanakaw (ang bida ay maaari pa ngang isang magnanakaw), anupat ginagawa nitong makatuwiran ang pagnanakaw. Ipagpalagay natin, ang panonood ng gayon ay masasabing libangan, subalit kasabay nito, sa mga nanonood ay ipinakikita kung papaano magnanakaw. Hindi ba ang idea na may katusuhang inihahatid ay ang mensahe na nagsasabing marahil ay may napapala rin sa krimen? Tiyak, ang kasakiman, katamaran, at ang kaisipan na lahat naman ay nagnanakaw at hindi naparurusahan ay pawang mga dahilan sa pagdami ng pagnanakaw. Hindi maitatatwa, tayo ay nabubuhay sa inihulang “mapanganib na panahon” na ang kapakanang pansarili at ang pag-ibig sa salapi ang umiiral.​—2 Timoteo 3:1-5.

Huwag Kang Magnanakaw

Bagaman may likong mga pamantayan ang sanlibutan, mahalagang sundin ang utos na: “Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw.” (Efeso 4:28) Ang isang taong higit na nagpapahalaga sa mga ari-arian o mga kalayawan ay nanlilinlang sa kaniyang sarili sa paniniwalang sulit ang magnakaw. Subalit ang pagnanakaw ay masama sa paningin ng Diyos at nagsisiwalat ng kawalan ng pag-ibig sa kapuwa. Isa pa, kahit na ang maliliit na pagnanakaw ay maaaring humantong sa pagtigas ng puso ng isang tao. At kumusta naman kung ang isa’y ituturing na magdaraya? Sino ang magtitiwala sa isang magnanakaw? Ang Salita ng Diyos ay may kapantasang nagsasabi: “Huwag magbata ang sinuman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao o ng magnanakaw o ng manggagawa ng masama.”​—1 Pedro 4:15.

Tiyak na ikinalulungkot mo nang labis ang pagdami ng pagnanakaw, subalit papaano napagtatagumpayan ito ng mga tao sa mga lugar na palasak ang krimen? Papaano binago ng ilang dating magnanakaw ang kanilang istilo ng pamumuhay? Ang pagnanakaw ba ay magwawakas pa sa buong daigdig? Inaanyayahan ka namin na basahin ang sumusunod na artikulo, “Isang Daigdig na Walang mga Magnanakaw.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share