Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 11/1 p. 6
  • Paggalang sa Kabanalan ng Buhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paggalang sa Kabanalan ng Buhay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkakaroon ng Mabuting Ugnayan sa Pagitan ng mga Doktor at mga Pasyenteng Saksi
    Gumising!—1990
  • Nagtutulungan ang mga Saksi ni Jehova at ang Propesyon ng Medisina
    Gumising!—1993
  • Mga Seminar Upang Pagbutihin ang Relasyon ng mga Doktor at ng mga Saksi ni Jehova
    Gumising!—1995
  • Tulong Upang Mapanatili ang Kabanalan ng Dugo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 11/1 p. 6

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Paggalang sa Kabanalan ng Buhay

IPINAKIKITA ng Bibliya na ang dugo ay mahalaga sa paningin ng Diyos at kaniyang hinahatulan ang maling paggamit nito. (Levitico 17:14; Gawa 15:19, 20, 28, 29) Dahilan sa mga tagubiling ito ng Bibliya, ang mga Saksi ni Jehova ay hindi nagpapasalin ng dugo.

Upang tulungan ang mga doktor at ang mga tauhan ng ospital na maunawaan ang relihiyosong paninindigan ng mga Saksi ni Jehova sa bagay na ito at maunawaan na ang mga Saksi ay tatanggap ng ibang mga paraan ng paggamot, ang Samahang Watch Tower ay nag-organisa ng mga Hospital Liaison Committee (HLC) sa iba’t ibang bansa. Ang mga miyembro ng mga komiteng ito ay dumadalaw sa mga ospital upang makipag-usap sa mga manggagamot at kaugnay na mga tauhan. Kamakailan, sa 12 lunsod sa Polandya, mahigit na 200 pulong ang ginanap, kasali roon ang mahigit na 500 manggagamot, karamihan ay mga punò ng mga clinic o mga ward sa ospital. Ang sumusunod ay naganap sa isa sa gayong pagdalaw:

“Naging isang malaking tagumpay ang isang pulong sa Cardio-Surgical Clinic sa Zabrze. Sapol noong 1986 ang pangkat ng mga mediko sa clinic ay nag-oopera na nang walang dugo sa ating mga kapatid. Sa ngayon, nakagawa na ng 40 ng gayong mga operasyon. Ang clinic ay handang tumanggap ng mga pasyente buhat sa buong Polandya at buhat sa ibayong dagat. Pagkatapos ng 50-minutong talakayan, isang katulong na manedyer ng isang ward sa ospital ang nagpakilala ng mga miyembro ng HLC sa isang grupo ng mga pasyente at ang sabi: ‘Ang mga taong ito ay mga Saksi ni Jehova. Sila’y nakikipagtulungan sa ating clinic, at sila’y nakakatulong sa atin. Hindi lamang ang kanilang mga kapananampalataya kundi lahat din ng iba pang pasyente ay nakikinabang sa kanilang tulong. Dahil sa mga Saksi ni Jehova, kami’y nakumbinsi na ang pangunahing operasyon sa puso ay maisasagawa nang walang dugo.

“‘Halimbawa, aming inopera nang walang dugo ang babaing ito [samantalang nakaturo sa isa sa kaniyang mga pasyente], at sa Lunes ay uuwi na siya. Nais kong banggitin na binabawasan namin ang paggamit ng dugo sapagkat iyon ay mapanganib. Iyon ay iniuugnay sa HIV, hepatitis, at sa matagal na paggaling.

“‘Ako’y isang Katoliko, subalit sa aming bahay kami ay laging mapagparaya sa mga paniniwala ng iba. Minsan ay naglalakad ako sa may Slaski Stadium kasama ng aking mga anak. Dati ang istadyum na ito ay pinabayaan, ngunit napansin namin na ito ngayon ay nabago anupat ibang-iba sa dati. Tinanong ko ang isa sa mga manggagawa kung papaano nangyari ang pagbabagong ito. Sinabi niya na ang pangasiwaan nito ay halos nawalan na ng pag-asa na maayos ang istadyum, ngunit ito’y pinaupahan sa mga Saksi ni Jehova, at kanilang inayos ito.

“‘Kaya marami tayong matututuhan sa mga taong ito. Inaakala kong sa ward na ito tayo’y dapat maging mapagparaya sa mga paniniwala ng iba.’ Pagkatapos, samantalang nakaturo sa isang Saksi na ooperahin mga ilang araw na lamang, sinabi niya: ‘Ang babaing ito’y isa sa mga Saksi ni Jehova, at siya’y ooperahin nang hindi sinasalinan ng dugo.’ ”

Samantalang hindi pinipilit ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang mga paniniwala sa iba, tinutularan nila mismo ang halimbawa ng mga apostol at ‘sinusunod ang Diyos bilang pinunò bago ang mga tao.’ (Gawa 5:29) Kasali na rito ang paggalang sa dugo. Pinahahalagahan nila kapag iginagalang ng iba ang kanilang relihiyosong paninindigan tungkol sa isyung ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share