Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 1/15 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ama ng mga Batang Lalaking Walang Ama
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Magpakita ng Maibiging Interes sa “mga Batang Lalaking Walang Ama”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Ulila
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Batang Lalaking Walang Ama
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 1/15 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Yamang malimit banggitin ng Bibliya “ang walang-amang batang lalaki,” ito ba’y nagpapakilalang hindi gaanong pansin ang mga batang babae?

Tiyak na hindi.

Sa New World Translation of the Holy Scriptures ay ginagamit ang pariralang “ang walang-amang batang lalaki” sa maraming talatang nagpapakita ng pagmamalasakit ng Diyos sa mga batang ulila. Niliwanag ng Diyos ang ganitong pagkabahala sa mga kautusan na ibinigay niya sa Israel.

Halimbawa, sinabi ng Diyos: “Huwag ninyong pagdadalamhatiin ang sinumang biyuda o walang-amang batang lalaki. Kung iyong dalamhatiin siya sa anumang paraan, at siya’y dumaing sa akin, walang pagsalang didinggin ko ang kaniyang daing; at ang aking galit ay mag-aalab, at papatayin ko kayo ng tabak, at ang inyong mga asawang babae ay magiging mga biyuda at ang inyong mga anak na lalaki ay walang-amang mga batang lalaki.” (Exodo 22:22-24) “Si Jehovang iyong Diyos ang Diyos ng mga diyos at Panginoon ng mga panginoon, ang Diyos na dakila, makapangyarihan at kakila-kilabot, na hindi nagtatangi kaninuman ni tumatanggap man ng suhol, na kaniyang hinahatulan nang matuwid ang walang-amang batang lalaki at ang biyuda.”​—Deuteronomio 10:17, 18; 14:29; 24:17; 27:19.

Sa maraming bersiyon ng Bibliya ay may mababasang “batang walang ama” o “ulila” sa mga talatang ito, sa gayo’y kasali ang mga batang lalaki at mga batang babae. Gayunman, kinaliligtaan ng gayong mga salin ang isang katangian na taglay ng salitang Hebreo (ya·thohmʹ), na nasa kasariang panlalaki. Sa halip, ginagamit ng New World Translation of the Holy Scriptures ang tumpak na pagkasaling “walang-amang (mga) batang lalaki,” gaya ng nasa Awit 68:5, na doo’y mababasa: “Isang ama ng walang-amang mga batang lalaki at isang hukom ng mga biyuda ang Diyos sa kaniyang banal na tahanan.” Batay sa gayong pagsasaalang-alang ng saligang Hebreo, ang kasariang pambabae ng isang pandiwa sa Awit 68:11 ay nagrerekomenda ng ganitong pagbasa: “Ang mga babaing naghahayag ng mabuting balita ay isang malaking hukbo.”a

Bagaman ang “walang-amang batang lalaki” ang pangunahing pagkasalin ng ya·thohmʹ, ito’y hindi dapat unawain na nagpapahiwatig ng kawalan ng pagtingin sa mga batang babaing walang magulang. Ang siniping mga talata at iba pa ay nagpapakita na ang bayan ng Diyos ay hinimok na magmalasakit sa mga babae, sa mga biyuda. (Awit 146:9; Isaias 1:17; Jeremias 22:3; Zacarias 7:9, 10; Malakias 3:5) Sa Kautusan, isinali ng Diyos ang isang pag-uulat tungkol sa isang inihatol na pasiya na garantiya ng pagkakaloob ng mana sa ulilang mga anak na babae ni Zelofehad. Ang hatol na iyan ay naging isang batayan sa mga kasong may nahahawig na mga kalagayan, sa gayo’y ipinagtatanggol ang mga karapatan ng walang-amang mga batang babae.​—Bilang 27:1-8.

Si Jesus ay hindi nagtangi ng kasarian sa pagpapakita ng kabaitan sa mga bata. Sa halip, ating mababasa: “Ang mga tao ay nagpasimulang magdala sa kaniya ng maliliit na bata upang mahipo niya ang mga ito; ngunit sinawata sila ng mga alagad. Sa pagkakita nito ay nagalit si Jesus at nagsabi sa kanila: ‘Hayaan ninyong ang maliliit na bata ay lumapit sa akin; huwag ninyong tangkaing pigilan sila, sapagkat ang kaharian ng Diyos ay sa mga tulad nito. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos na tulad sa isang maliit na bata ay hindi sa anumang paraan papasok dito.’ At kinuha niya ang mga bata sa kaniyang mga bisig at pinasimulang pagpalain sila.”​—Marcos 10:13-16.

Ang salitang Griego rito na isinaling “maliliit na bata” ay walang kasarian. Isang kilalang talasalitaan sa Griego ang nagsasabi na ang salitang ito ay “ginamit sa mga batang lalaki at mga batang babae.” Ipinahihiwatig ni Jesus noon ang kaukulang interes ni Jehova sa lahat ng bata, mga lalaki at mga babae. (Hebreo 1:3; ihambing ang Deuteronomio 16:14; Marcos 5:35, 38-42.) Sa gayo’y dapat kilalanin na ang payong iyan sa Kasulatang Hebreo tungkol sa pagmamalasakit sa “walang-amang mga batang lalaki” ay katumbas ng payo tungkol sa kung papaano tayo dapat magmalasakit sa lahat ng bata na walang magulang o mga magulang.

[Talababa]

a Ang Judiong Tanakh ay kababasahan: “Ang PANGINOON ang nag-uutos; ang mga babaing nagdadala ng balita ay isang malaking hukbo.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share