Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 4/15 p. 3-4
  • Nabigo ba ang Patnubay ng Tao?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nabigo ba ang Patnubay ng Tao?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Bihag ng Karalitaan
    Gumising!—1998
  • Saan Ka Makasusumpong ng Mapagkakatiwalaang Patnubay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Mga Pagsisikap na Wakasan ang Kahirapan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 4/15 p. 3-4

Nabigo ba ang Patnubay ng Tao?

SINO ang lumikha ng lahat ng bagay? Kung ang sagot mo ay ang “Diyos,” ikaw ay kasang-ayon ng angaw-angaw na naniniwala sa Diyos ng Bibliya, ang Maylikha.

Gayunman, marami na naniniwala sa Diyos ang nahihirapang tanggapin na siya ay aktibong kasangkot sa paglutas ng mga suliranin ng sangkatauhan. Makatotohanan bang isipin na ang Diyos ay may isang programang isinasagawa na magdudulot ng kaginhawahan sa sangkatauhan? Marami ang hindi nakasusumpong ng makatuwirang katunayan na gayon nga.

Sa loob ng libu-libong taon, ang mga tao ay sumubok ng di-mabilang na paraan ng pagtulong sa sarili sa paghanap ng lunas, anupat hindi isinasama ang Diyos. Subalit nasumpungan ba ng mga tao ang lunas? O ang mga suliranin ba ay lalong lumulubha at mahirap lunasan? Papaano hinaharap ng tao ang mahihigpit na suliranin sa daigdig ngayon?

Isang eksperto ang nagsabi ng ganito: “Mula’t sapol na magsimula ang pagsulong sa industriya, ang maunlad na mga bansa ay labis na nagsasamantala sa likas na kayamanan ng daigdig sa pamamagitan ng patuluyang produksiyon at pagkonsumo nang hindi naman pinapalitan, anupat sumisira sa pangglobong kapaligiran, sa ikapipinsala ng nagpapaunlad na mga bansa.”

Patuloy na ipinahahamak ng tao ang lupa. Ang pahayagang Clarín sa Argentina ay nagkomento: “Nang ikalawang kakalahatian ng siglong ito, ang kasakiman sa kabuhayan, kawalang-ingat, at kapabayaan ay sanhi ng malalaking kapahamakan na hindi lamang naging sanhi ng kamatayan ng mga tao kundi sumira rin ng kapaligiran, kadalasan hanggang sa di-matantiyang antas.”

Ang labis na karalitaan ngayon ang waring palagiang makikita sa modernong lipunan. Kahit na ang umano’y mayayamang bansa sa daigdig ay sumusuko sa ilalim ng napakabigat na suliranin ng karalitaan. Sang-ayon sa The Globe and Mail ng Toronto, Canada, tinataya na “isang-katlo ng lahat ng taga-Canada ay makararanas ng karalitaan sa isang panahon na sila’y nasa edad na para magtrabaho.” Isinusog ng pahayagan na “ang pagkakawatak-watak ng pamilya ang isa sa mga pangunahing dahilan ng karalitaan, at ang ganiyang kalakaran ay lumaganap na noong nakaraang mga taon.”

Ang pag-aabuso sa droga ay isa pang tanda ng nabubulok na lipunan. Ano ba ang magagawa ng sangkatauhan tungkol dito? Maliwanag na napakaliit sa kabuuan. Milyun-milyon ang patuloy na nakararanas ng pisikal, mental, at moral na pagkapariwara bilang isang tuwirang resulta ng kanilang pag-aabuso sa narkotiko. At ang suliranin ay lumalaganap na mistulang napakalaking sunog.

Ang mga siyentipiko ay waring natatalo sa digmaan laban sa sakit. Totoo, ang modernong teknolohiya ay nagwagi na sa maraming labanan. Subalit, ang ilang siyentipikong mga paraan sa ganang sarili ay may nagawa sa paglitaw ng bagong mga uri ng mapanganib na mga mikrobyo na di-tinatablan ng gamot.

Hindi mapigil ng mga pamahalaan ng tao ang laganap na paglabag sa mga karapatang pantao. Halimbawa, sa kabila ng maraming pangako at mga batas na binuo upang mahadlangan ang pang-aalipin, tinataya na sa buong daigdig mahigit na isang daang milyong katao ang sapilitang pinagtatrabaho sa ilalim ng mga kalagayang katumbas ng miserableng pagkaalipin.

Subalit bakit nabigo ang patnubay ng tao? Isaalang-alang ang mga dahilang ito. Ang patnubay ng tao ay nanggagaling sa mga tao​—mga taong limitado ang nagagawa. Ang kanilang karanasan sa buhay ay kakaunti at pangkaraniwan nang limitado dahil sa mga kultura o mga kapaligiran. Ang kanilang kaalaman ay limitado rin. Anumang patnubay na kanilang ibinibigay ay nagbabadya ng mga limitasyong iyon. Gaya ng sinabi ni apostol Pablo, “ang lahat ay nagkasala at nagkukulang sa kaluwalhatian ng Diyos.”​—Roma 3:23.

Ang totoo karamihan ng mga suliranin at kahirapan na nararanasan ng kalakhang bahagi ng sangkatauhan ay tuwiran o di-tuwirang resulta ng pagwawalang-bahala sa patnubay ng Diyos. Subalit, saan masusumpungan ang gayong patnubay? Papaano naglaan ang Diyos sa atin ng giya sa ngayon? Isasaalang-alang ng susunod na artikulo ang mga sagot.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share