Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 10/1 p. 3-4
  • Ang Bibliya—Ano ang Tunay na Halaga Nito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Bibliya—Ano ang Tunay na Halaga Nito?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Kaparehong Materyal
  • Lahat ng Kasulatan ay Kapaki-pakinabang sa Pagtuturo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Tamang mga Turo na Nakalulugod sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Ang Bibliya—Isang Aklat Galing sa Diyos
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 10/1 p. 3-4

Ang Bibliya​—Ano ang Tunay na Halaga Nito?

“ANG Bibliya ay isang hiwaga, isang aklat na hindi nilayong maunawaan,” sabi ng isang maybahay. Isa naman ang maysabi: “Batid ko na ang Bibliya ay isang mahalagang aklat, ngunit wala akong gaanong nalalaman tungkol doon. Mahirap maunawaan iyon.”

“Maraming Kristiyano ang nakababatid . . . nang kaunti tungkol sa Bibliya,” sabi ng The Toronto Star. Ganito ang komento ng isang babaing Katoliko: “Ang pagkakaroon ng Bibliya ay nakagaang sa aking pakiramdam. Ito’y nagdudulot ng kapayapaan ng kalooban.” “Ang Bibliya ay mistulang isang compass na pumapatnubay sa isa sa maligalig, maunos na dagat ng buhay tungo sa isang dako ng kaligtasan,” ang sabi ng isang mangingisda. Sa mga salita ng isang dating Hindu, “ang Bibliya ay Salita ng Diyos at isang kaloob sa sangkatauhan at panlunas sa espirituwal na mga pagdurusa.”

Marami at sari-sari ang mga opinyon tungkol sa tunay na halaga ng Bibliya. Ano nga ba ang tunay na halaga nito?

Ang Bibliya ang pinakamahalaga at pinakamalaganap na aklat sa ngayon. Nasa mga pahina nito ang mga kasagutan sa lubhang nakalilitong mga suliranin na naranasan ng tao o haharapin pa. Ang pagiging praktikal ng payo nito ay di-mapapantayan. Hindi mahihigitan ang moral na mga pamantayan na iminumungkahi nito. Mabisa at kapaki-pakinabang ang mensahe nito. Ang aklat na ito na walang-kapantay ang halaga ay karapat-dapat na kunin mula sa ating mga istante ng aklat at bigyan ng maingat na pansin at pagsusuri.

Maaari nating buklatin ang Bibliya taglay ang buong pagtitiwala na ito’y may ganap na kawastuan, maaasahan, at totoo. Ang makasaysayang mga pangyayari na nakaulat dito ay pinatutunayan ng sekular na kasaysayan. Paulit-ulit, ang mga natuklasan ng mga arkeologo ay nagpapatunay na ang Bibliya ay nababatay sa pangyayari at makatotohanan. Ang pagkaprangko ng humigit-kumulang 40 manunulat ng Bibliya ay nagpapakilala sa kanila bilang mga lalaking may katapatan at integridad. Ang panloob na pagkakasuwato ng buong Bibliya ay nagpapakita na ito’y hindi nagmula sa tao. Ang mga pangyayaring iniulat nito ay tunay. Ang mga taong tinutukoy nito ay tunay. Ang mga lugar at lokasyon na binabanggit nito ay tunay. Isa pa, ang Bibliya ay may mahahalagang hula na hindi maikakailang nagpapakilala sa Diyos na Jehova bilang ang Awtor ng Bibliya.​—2 Pedro 1:21.

Tiniyak ng ating Dakilang Tagapagturo na ang kaalaman tungkol sa kaniyang kalooban at mga layunin ay makakamit niyaong nagnanais makaalam ng gayon. Sa katunayan, sinasabi sa atin ni Jehova sa malinaw na pangungusap na kalooban niya na lahat ng uri ng mga tao ay mag-aral ng kaniyang Salita at “sumapit sa tumpak na kaalaman sa katotohanan.” (1 Timoteo 2:3, 4; Kawikaan 1:5, 20-33) Ito ang isa sa pinakamahahalagang bagay na magagawa natin sa ating buhay. Ito ay isang hamon na obligado tayong harapin. Naunawaan ito ng mga unang Kristiyano. Isa sa kanila ang naudyukang magsabi: “Ito ang patuloy kong ipinapanalangin, na ang inyong pag-ibig ay managana nawa nang higit at higit pa na may tumpak na kaalaman at ganap na kaunawaan; upang matiyak ninyo ang mga bagay na higit na mahalaga.”​—Filipos 1:9, 10; Colosas 1:9, 10.

Ang Bibliya ang pangunahing paraan ng Maylikha upang ipatalastas ang kaniyang kalooban at layunin sa sambahayan ng tao, at ipinaliliwanag nito kung papaano naaangkop ang bawat isa sa atin sa layuning iyan. Naroon ang isinulat na mga pangyayari noong nakalipas, at nagbibigay ito ng isang malinaw na pangitain tungkol sa hinaharap. Binabalangkas ng Bibliya ang tamang doktrina at itinutuwid tayo sa dapat o hindi dapat nating paniwalaan. (Gawa 17:11; 2 Timoteo 3:16, 17) Ito’y naglalaan ng mga alituntunin ng paggawi na dapat sundin ng tao, at inaakay nito ang mga tao sa daan ng tagumpay at kaligayahan. (Mateo, kabanata 5 hanggang 7) Idiniriin nito na ang Kaharian ng Diyos ang tanging pag-asa para sa buong sangkatauhan at ipinakikita kung papaanong ang kaniyang pamahalaan ang gagamitin upang pakabanalin ang kaniyang pangalan at ipagbangong-puri ang kaniyang soberanya. Ipinaliliwanag ng Bibliya ang landas na kailangan nating lakaran upang tamasahin ang isang matalik, maibiging kaugnayan sa ating Tagapagbigay-Buhay, si Jehova.

Gayundin, tanging ang Bibliya lamang ang aklat na aakay sa iyo sa pinakadakilang gantimpala na tatamuhin ng sangkatauhan kailanman​—buhay na walang-hanggan sa isang paraisong lupa bilang sakdal na mga tao. (Roma 6:23) Ganito ang sinasabi sa atin ng bugtong na Anak ni Jehova: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang-hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging Diyos na totoo, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Tunay na ang isang aklat na gayong kahalaga ay dapat gumanyak sa atin na matutuhan kung ano ang kailangan nating gawin upang kamtin ang gantimpalang buhay na walang-hanggan. Ang Bibliya ay isang aklat na sadyang nilayon upang maunawaan, gaya ng ipakikita ng susunod na artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share