Karagdagan sa Lupong Tagapamahala
SA LAYUNING dagdagan ang mga tauhan ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, simula noong Hulyo 1, 1994, isang miyembro ang idinagdag sa 11 matatanda na naglilingkod ngayon. Ang bagong miyembro ay si Gerrit Lösch.
Si Brother Lösch ay pumasok sa buong-panahong paglilingkuran noong Nobyembre 1, 1961, at nagtapos sa ika-41 klase ng Watchtower Bible School of Gilead. Siya ay nasa gawaing pansirkito at pandistrito sa Austria mula noong 1963 hanggang 1976. Nag-asawa siya noong 1967, at sila ng kaniyang kabiyak, si Merete, ay naglingkod nang dakong huli sa loob ng 14 na taon bilang mga miyembro ng pamilyang Bethel sa Austria na naroon sa Vienna. Apat na taon na ang nakalilipas nang sila ay ilipat sa punung-tanggapan ng Samahan sa Brooklyn, New York, na kung saan si Brother Lösch ay naglingkod sa Executive Offices at bilang isang katulong sa Service Committee. Sa taglay niyang malawak na karanasan sa larangan sa Europa at sa kaniyang kaalaman sa wikang Aleman, Ingles, Romaniano, at Italiano, siya ay magiging isang mahalagang tulong sa gawain ng Lupong Tagapamahala.