Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 2/15 p. 3-4
  • Naitakda Na ba ng Diyos ang Ating Tadhana?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naitakda Na ba ng Diyos ang Ating Tadhana?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Guhit ng Tadhana​—Ang Kahulugan ng Pananalita
  • Si Augustine, Ama ng Pananalitang Guhit ng Tadhana
  • Mga Tagapagmana ni Augustine
  • Guhit ba ng Tadhana o Malayang Kalooban?
  • Maitutugma ba ang Guhit ng Tadhana sa Pag-ibig ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Pagsusuri sa Kasamaan Mula kay Augustine Hanggang kay Calvin
    Gumising!—1987
  • Patiuna Na Bang Nakaguhit ang Ating Kinabukasan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Itinadhana ba ang Iyong Buhay?
    Gumising!—2007
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 2/15 p. 3-4

Naitakda Na ba ng Diyos ang Ating Tadhana?

“NAPAKARAMING likhang-isip na mga suliranin ang maiiwasan sana kung hindi na gagamitin ang katawagang guhit ng tadhana na malimit ay di-maunawaan.” Maaaring isipin mo kung bakit, kung nagamit mo na ang pananalitang “guhit ng tadhana” o narinig mo nang ginamit ito.

Ayon sa bagong Pranses na Katolikong ensayklopidiya na Théo, pinakamabuting huwag gamitin ang pananalitang “guhit ng tadhana.” Ganito naman ang sabi ng isa pang aklat: “Sa ngayon, waring ang guhit ng tadhana ay hindi na sentro ng mga debateng pangteolohiya, maging para sa karamihan ng mga Protestante.”

Gayunpaman, ang tanong tungkol sa guhit ng tadhana ay nakaapekto sa maraming tao sa buong kasaysayan. Ito ang nasa sentro ng kontrobersiya na siyang nag-udyok ng Repormasyon, at maging sa loob ng Iglesya Katolika, ito ang paksa ng maiinit na pagtatalo sa loob ng mga siglo. Bagaman bihira nang pagtalunan sa ngayon, ito’y nananatili pa ring isang suliranin. Sino ang hindi magnanais malaman kung ang kaniyang tadhana ay itinakda na nang patiuna?

Guhit ng Tadhana​—Ang Kahulugan ng Pananalita

Ano ba ang kahulugan sa mga simbahan ng pananalitang “guhit ng tadhana”? Itinuturing ito ng Dictionnaire de théologie catholique bilang “ang layunin ng Diyos na akayin ang ilan, na ipinahiwatig sa pamamagitan ng pangalan, patungo sa buhay na walang-hanggan.” Karaniwan nang ipinagpapalagay na ang mga pinili, “ipinahiwatig sa pamamagitan ng pangalan,” ay yaong mga tinutukoy ni apostol Pablo sa kaniyang liham sa mga taga-Roma, sa sumusunod na pananalita: “Ang Diyos ay gumagawa ukol sa ikabubuti niyaong mga umiibig sa kaniya, na tinawag ayon sa kaniyang layunin. Sapagkat yaong mga alam niya sa una pa lamang ay kaniya ring itinadhanang maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak . . . At yaong kaniyang itinadhana ay kaniya ring tinawag; at yaong kaniyang tinawag ay kaniya ring ipinangatuwiran; at yaong kaniyang ipinangatuwiran ay kaniya ring niluwalhati.”​—Roma 8:28-30, Revised Standard Version.

Bago pa man sila isilang, ang ilang tao ay ipinagpapalagay na pinili ng Diyos taglay ang pag-asang makibahagi sa kaluwalhatian ni Kristo sa mga langit. Umaakay ito sa matagal-nang-pinagtatalunang tanong: Pinipili ba ng Diyos kung sino ang ibig niyang iligtas ayon sa kaniyang kagustuhan, o ang mga tao ba ay may malayang kalooban at may bahaging dapat gampanan sa pagkakamit at pagpapanatili ng pabor ng Diyos?

Si Augustine, Ama ng Pananalitang Guhit ng Tadhana

Bagaman ang ibang mga Ama ng Iglesya ay dati nang sumulat tungkol sa guhit ng tadhana, si Augustine (354-430 C.E.) ang karaniwan nang itinuturing na naglatag ng pundasyon ng doktrina kapuwa para sa mga simbahang Katoliko at Protestante. Ayon kay Augustine, mula pa sa panahong walang takda ay itinadhana na ng Diyos na ang matuwid ay tumanggap ng walang-hanggang mga pagpapala. Sa kabilang panig, ang di-matuwid, bagaman hindi itinadhana ng Diyos sa eksaktong kahulugan ng salita, ay tatanggap ng karampatang parusa para sa kanilang mga kasalanan, ang kahatulan. Ang paliwanag ni Augustine ay bahagya na lamang nagbigay-daan para sa malayang kalooban, kung kaya nabuksan ang daan para sa maraming pagtatalo.

Mga Tagapagmana ni Augustine

Paulit-ulit na bumangon ang pagtatalo hinggil sa guhit ng tadhana at malayang kalooban noong Edad Medya, at umabot sa punto na kailangang lutasin iyon noong panahon ng Repormasyon. Naniniwala si Luther na ang guhit ng tadhana ng bawat isa ay kusang pinili ng Diyos, nang hindi muna Niya patiunang tinitingnan ang kagalingan o mabubuting gawa ng mga pinili sa darating na hinaharap. Mas radikal ang konklusyon ni Calvin sa kaniyang idea ng dalawahang guhit ng tadhana: Ang ilan ay itinadhana sa walang-hanggang kaligtasan, at ang iba naman ay sa walang-hanggang kahatulan. Gayunman, itinuturing din ni Calvin ang pasiya ng Diyos bilang di-makatuwiran, imposible pa ngang maunawaan.

Ang usapin tungkol sa guhit ng tadhana at sa may malapit na kaugnayang tanong tungkol sa “biyaya”​—isang salita na ginamit ng mga simbahan upang tukuyin ang gawa na sa pamamagitan nito ang mga tao ay inililigtas ng Diyos at ipinahahayag na matuwid​—ay naging gayon na lamang kalaki anupat noong 1611 ipinagbawal ng Katolikong Banal na Papa na ilathala ang anuman tungkol sa paksa nang walang pahintulot nito. Sa loob mismo ng Iglesya Katolika, tumanggap ng malaking suporta ang mga turo ni Augustine buhat sa Pranses na mga Jansenista noong ika-17 at ika-18 siglo. Itinaguyod nila ang isang napakahigpit at piling anyo ng Kristiyanismo at may mga tagasunod pa nga sa gitna ng maharlikang mga tao. Gayunman, hindi nabawasan ang kontrobersiya hinggil doon. Iniutos ni Haring Louis XIV ang pagwasak sa monasteryo ng Port-Royal, na pinagmulan ng kaisipang Jansenista.

Sa loob ng mga simbahang Repormadong Protestante, malayo pang matapos ang pagtatalo. Kasama ng iba pa, ang mga Remonstrante, na sumusunod kay Jacobus Arminius, ay naniniwala na ang tao ay may ginagampanang papel para sa kaniyang sariling kaligtasan. Pansamantalang nilutas ng Protestanteng Sinodo ng Dordrecht (1618-19) ang usapin nang tanggapin nito ang mahigpit na anyo ng Calvinistang ortodoksiya. Ayon sa aklat na LʹAventure de la Réforme​—Le monde de Jean Calvin, sa Alemanya ang pagtatalong ito tungkol sa guhit ng tadhana at malayang kalooban ang nagpasimula ng isang mahabang yugto ng “di-matagumpay na mga pagtatangkang magkasundo, gayundin ng mga pagmamalabis, pagbibilanggo, at pagpapatapon ng mga teologo.”

Guhit ba ng Tadhana o Malayang Kalooban?

Sa simula pa, ang dalawang labis na magkasalungat na ideang ito, guhit ng tadhana at malayang kalooban, ay pumukaw na ng maraming maiinit na alitan. Sa kaniyang bahagi ay hindi nagawang ipaliwanag ni Augustine ang di-pagkakasuwatong ito. Naniwala rin si Calvin na ito ay isang kapahayagan ng soberanong kalooban ng Diyos at sa gayo’y di-maipaliwanag.

Subalit ang pagsisiwalat ba ng Bibliya tungkol sa mga katangian at personalidad ng Diyos ay tumutulong sa atin na mas maliwanagan ang hinggil sa mga tanong na ito? Detalyadong susuriin ng sumusunod na artikulo ang mga puntong ito.

[Mga larawan sa pahina 4]

Calvin

Luther

Jansen

[Credit Line]

Mga larawan: Bibliothèque Nationale, Paris

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share