Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 4/15 p. 30
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Inaalam ang Kahinaan, Kabalakyutan, at Pagsisisi
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Gaano Makabuluhan ang Iyong mga Panalangin?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Ang mga Panalangin na Sinasagot
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 4/15 p. 30

Natatandaan Mo Ba?

Napahalagahan mo bang basahin ang kamakailang mga isyu ng Ang Bantayan? Kung gayon, tingnan kung masasagot mo ang sumusunod na mga tanong:

◻ Bakit hindi ipinagdiwang ng sinaunang mga Kristiyano ang kapanganakan ni Jesus?

Ayon sa The World Book Encyclopedia, “hindi ipinagdiwang ng sinaunang mga Kristiyano ang kapanganakan [ni Jesus] sapagkat itinuturing nila na ang selebrasyon ng kapanganakan ninuman ay isang kaugaliang pagano.”​—12/15, pahina 4.

◻ Ang mga panalangin ba ay dapat iukol kay Jesus?

Hindi, sapagkat ang panalangin ay isang anyo ng pagsamba na nauukol lamang sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Sa pamamagitan ng pag-uukol ng ating mga panalangin sa Diyos na Jehova, ipinakikita natin na ating isinasapuso ang tagubilin ni Jesus na manalanging: “Ama namin na nasa mga langit.” (Mateo 6:9)​—12/15, pahina 25.

◻ Bakit isang naiibang hatol ang ibinigay sa malubhang pagkakasala ni Haring David kung ihahambing sa mga kasalanan nina Ananias at Safira? (2 Samuel 11:2-24; 12:1-14; Gawa 5:1-11)

Ang kasalanan ni Haring David ay bunga ng kahinaan ng laman. Nang iharap sa kaniya kung ano ang nagawa niya, siya’y nagsisi, at pinatawad siya ni Jehova​—bagaman kinailangang mamuhay siya taglay ang mga bunga ng kaniyang kasalanan. Nagkasala sina Ananias at Safira sa bagay na sila’y mapagpaimbabaw na nagsinungaling, anupat sinikap na linlangin ang Kristiyanong kongregasyon at sa gayo’y ‘magbulaan sa banal na espiritu at sa Diyos.’ (Gawa 5:3, 4) Iyan ay naging katunayan ng isang pusong balakyot, kaya naman nahatulan sila ng lalong mabigat.​—1/1, pahina 27, 28.

◻ Ano ang makatutulong sa atin na mapaglingkuran si Jehova taglay ang kagalakan ng puso?

Dapat nating linangin ang isang positibo at mapagpahalagang pangmalas sa ating mga pagpapala at bigay-Diyos na mga pribilehiyo ng paglilingkuran, at hindi natin dapat kalimutan na sa pamamagitan ng pagsunod sa Salita ng Diyos, ating pinalulugdan siya.​—1/15, pahina 16, 17.

◻ Anong dalawang bagay ang dapat nating laging isaisip kapag tayo’y magbibigay ng mabisang pampatibay-loob?

Una, isipin kung ano ang sasabihin upang ang pampatibay-loob ay maging espesipiko. Ikalawa, humanap ng mga pagkakataon na malapitan ang isang indibiduwal na karapat-dapat sa komendasyon o nangangailangang mapatibay.​—1/15, pahina 23.

◻ Bakit may “mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay” ang “malaking pulutong”? (Apocalipsis 7:9)

Ang pagwawagayway sa mga sanga ng palma ay nagpapakita na may kagalakang inihahayag ng “malaking pulutong” ang Kaharian ni Jehova at ang Haring kaniyang pinahiran, si Jesu-Kristo. (Tingnan ang Levitico 23:39, 40.)​—2/1, pahina 17.

◻ Anong mahahalagang aral ang masusumpungan sa aklat ng Job?

Ipinakikita sa atin ng aklat ng Job kung papaano haharapin ang mga suliranin. Naglalaan ito ng litaw na mga halimbawa kung papaano dapat​—o hindi dapat​—na payuhan ang isang napapaharap sa mga pagsubok. Isa pa, ang sariling karanasan ni Job ay makatutulong sa atin na tumugon sa isang timbang na paraan kapag nasumpungan natin ang ating sarili na hinahampas ng mahihirap na mga kalagayan.​—2/15, pahina 27.

◻ Ano ang itinuturo sa atin ng mga himala ni Jesus?

Ang mga himala ni Jesus ay lumuluwalhati sa Diyos, naglalaan ng isang parisan para sa mga Kristiyano upang luwalhatiin ang Diyos. (Roma 15:6) Pinasisigla ng mga ito ang paggawa ng mabuti, ang pagpapamalas ng pagkabukas-palad, at ang pagpapakita ng pagkamadamayin.​—3/1, pahina 8.

◻ Anong layunin ang ginagampanan ng pagrerepaso ng matatanda sa inihandang mga tanong kasama ng bagong mga nag-alay?

Tinitiyak nito na lubusang nauunawaan ng bawat kandidato ang saligang mga turo ng Bibliya at nalalaman niya kung ano ang kasangkot ng pagiging isang Saksi ni Jehova.​—3/1, pahina 13.

◻ Papaano tayo makikinabang sa mga panalangin sa Bibliya?

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa maka-Kasulatang mga panalangin, makikilala natin yaong mga binigkas sa mga kalagayang kagaya ng sa atin. Ang pagkasumpong, pagbabasa, at pagbubulay-bulay sa gayong mga panalangin ay makatutulong sa atin na mapayaman ang sarili nating pakikipagtalastasan kay Jehova.​—3/15, pahina 3, 4.

◻ Ano ang maka-Diyos na takot?

Ang maka-Diyos na takot ay isang pagkasindak kay Jehova, isang taimtim na pagpipitagan sa kaniya, katambal ng isang kapaki-pakinabang na takot na hindi siya mapaluguran. (Awit 89:7)​—3/15, pahina 10.

◻ Ano ang tatlong paraan kung saan ipinakikita ng Bibliya na tayo ay mahalaga sa paningin ng Diyos?

Itinuturo ng Bibliya na bawat isa sa atin ay may halaga sa paningin ng Diyos (Lucas 12:6, 7); nililiwanag nito kung ano ang minamahalaga sa atin ni Jehova (Malakias 3:16); at isinasaysay nito kung ano ang ginawa ni Jehova upang itanghal ang kaniyang pag-ibig sa atin. (Juan 3:16)​—4/1, pahina 11, 12, 14.

◻ Bakit ang Hebreo 10:24, 25 ay higit pa sa basta isang utos lamang na magtipong sama-sama ang mga Kristiyano?

Ang mga salitang ito ni Pablo ay nagbibigay ng isang banal na kinasihang pamantayan para sa lahat ng mga pagtitipong Kristiyano​—at tunay, para sa anumang okasyon kapag ang mga Kristiyano ay nagsasama-sama.​—4/1, pahina 16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share