Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 3/15 p. 4-7
  • Ang mga Panalangin na Sinasagot

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang mga Panalangin na Sinasagot
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Puwede ba ang Anumang Panalangin?
  • Ang Bibliya ang Nagpapaliwanag:
  • Tiyakan na May Kasagutan ang mga Panalangin
  • Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Kaninong mga Panalangin ang Sinasagot?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaninong mga Panalangin ang Sinasagot?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • May Nagagawa Bang Mabuti ang Pananalangin?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 3/15 p. 4-7

Ang mga Panalangin na Sinasagot

ANG pagnanasang makipagtalastasan sa isang nakatataas na kapangyarihan ay kasintanda mismo ng tao. Halimbawa, may sinaunang grabadurang Ehipsiyo na may mga dasal. Ang ilan sa mga ito ay humihingi ng proteksiyon buhat sa isang diyos, samantalang ang mga iba naman ay mga pangungusap ng papuri o ng pagtitiwala sa diyos na pinagdarasalan. Sa mga Griego noong ikaanim na siglo B.C.E., karaniwan na ang mga himno at gayundin ang patula at seremonyal na mga dasal. Sa mga panalanging Romano, kailangan ang pag-iingat sa pakikipag-usap sa panalangin sa isang diyos, sapagkat noon ay maraming mga diyos ang sinasamba.

Magpahanggang sa araw na ito, ang panalangin ay isang karaniwang bahagi ng mga pangunahing relihiyon ng daigdig. Kilalang-kilala sa kanilang malimit na paggamit ng panalangin ang mga Budhista, Hindu, Judio, Muslim, at iba pang nag-aangking Kristiyano. Bagama’t ang panalangin ay malaganap na ginagamit sa relihiyon sa ika-20 siglo, dahil sa napakaraming sarisaring mga paaran at istilo ng pananalangin kung kaya nalilito ang maraming naghahangad na masagot ang kanilang mga panalangin.

Puwede ba ang Anumang Panalangin?

Yamang maraming anyo ang panalangin, ang anuman bang anyo ng panalangin ay mabisa? May naniniwala na kung ang taong nananalangin ay taimtim at “naniniwala,” hindi naman gaanong mahalaga kung anong anyo ng panalangin ang ginagamit. Ano sa palagay mo? Dahilan sa iba’t ibang opinyon sa bagay na ito, kailangan na lampasan natin ang mga opinyon ng mga tao at humanap tayo ng isiniwalat na impormasyon buhat sa isang nakatataas na pinagmumulan.

Ang mga sagot sa sumusunod na mga pahina ay kuha sa gayong pinagkukunan, ang Banal na Bibliya. Ipinakikita nito na hindi maaari ang kahit ano na lamang panalangin kung ibig ng isang tao na dinggin at sagutin ang kaniyang panalangin.

Ang Bibliya ang Nagpapaliwanag:

Kung kanino dapat ipahatid ang mga panalangin

Kung bakit ang mga ibang panalangin ay hindi sinasagot

Kung ano ang maaaring hilingin sa panalangin

Anong bahagi ang ginagampanan ng naghahandog ng panalangin?

Ang pangunahing kahilingan sa kaniya ay pananampalataya, hindi lamang ang kataimtiman ng paniniwala na umiiral ang Diyos at dumirinig ng mga panalangin. (Hebreo 11:6) Ang gayong pananampalataya ay ipinakikilala sa pagsisikap na mamuhay na kasuwato ng matuwid na mga simulain ng Diyos na nakasulat sa Bibliya. Sa kaniyang Sermon sa Bundok, idiniin ni Jesu-Kristo ang puntong ito: “Hindi bawat tumatawag sa akin ng ‘Panginoon, Panginoon’ ay papasok sa Kaharian ng langit, kundi yaon lamang gumagawa ng ipinagagawa sa kanila ng aking Ama na nasa langit.”​—Mateo 7:21, Today’s English Version.

Bilang halimbawa niyaong ang mga panalangi’y hindi dinirinig, ang propetang Hebreo na si Isaias ay sumulat: “Kahit na kayo’y gumawa ng maraming mga pananalangin, ako [si Jehovang Diyos] ay hindi makikinig; ang inyo mismong mga kamay ay napuno ng ibinubong dugo.” (Isaias 1:15) Kaya sinumang hindi gumagalang sa kabanalan ng dugo ay hindi makaaasa na diringgin ang kanilang mga panalangin, gaano man kadalas at gaano man kasigasig sila nanalangin.

Bakit kalimitan ang ibang “mga naniniwala” ay hindi sinasagot sa kanilang mga panalangin?

Kung paniniwala lamang ay hindi sapat upang makalugod sa Diyos at sa gayo’y sagutin niya ang ating mga panalangin. Kahit ang isang taong mapaniwalain ay baka magsabi na siya’y naniniwala. Upang ang paniwala ay magkaroon ng kabuluhan, kailangang ito’y nakasalig sa tumpak na kaalaman, na maaaring kamtin tangi lamang sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya. Isa pa, ang paniniwala at pananampalataya ay kailangang patunayan ng mga gawa na resulta nito. “Kung paano ngang ang katawan na walang espiritu ay patay, ganoon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.”​—Santiago 2:26.

Ang Diyos ay inaalaala sa araw-araw ng isang tunay na nananampalataya, siya’y hindi kung nakaharap lamang sa isang kagipitan saka mananalangin. Siya’y gumagawa rin naman ng mga gawang pananampalataya, ng matuwid na mga gawa na kasali na roon ang pagsasalita sa iba tungkol sa kaniyang paniniwala at pananampalataya sa Diyos.

Ano ang dapat na maging anyo ng panalangin?

Ang panalangin ay hindi dapat maging isang rituwal lamang, ni dapat man basahin ito buhat sa isang aklat; hindi rin dapat na ang panalangin ay may paulit-ulit na pananalita na para bagang dahil sa pag-ulit-ulit ay lalong nagiging mabisa iyon. At ang panalangin ay hindi dapat “isagawa” para magparangalan o pahangain ang iba. Si Jesus ay nagbigay ng ganitong mabuting payo tungkol sa dapat maging anyo ng ating mga panalangin at yaong dapat nating iwasan: “Pagka kayo’y nananalangin, huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw; sapagkat mahilig silang manalangin nang nakatayo sa mga sinagoga at sa panulukan ng malalaking daan upang makita ng mga tao. . . . Sa panalangin, huwag kayong gagamit ng paulit-ulit na salita, gaya ng ginagawa ng mga tao ng mga bansa, sapagkat inaakala nila na diringgin sila sa maraming kasasalita.”​—Mateo 6:5-7.

Walang natatanging posisyon ng katawan ang iniutos upang ang mga panalangin ay dinggin. Gayunman, ang taong nananalangin ay kailangang magpakumbaba at magalang kapuwa sa kaniyang posisyon sa pananalangin at sa kaniyang pananalitang ginagamit sa kaniyang panalangin.

Kanino dapat manalangin?

Sa Bibliya sa aklat ng Hebreo ay tinutukoy ang isang tao na “lumalapit sa Diyos.” (Hebreo 11:6) Sino ba ang Diyos na ito? Mayroon lamang iisang Diyos na makapangyarihan-sa-lahat, bagama’t mayroong maraming gawang-tao at di-tunay na mga diyos. (1 Corinto 8:5, 6) Ang Diyos na makapangyarihan-sa-lahat na tinutukoy sa Bibliya ay Jehova ang pangalan. (Awit 83:18) Siya ang Maylikha ng lahat ng bagay, kaya naman dapat na sa kaniya lamang tayo manalangin. Malinaw na tinuruan ni Jesu-Kristo ang kaniyang mga tagasunod na manalangin: “Ama namin na nasa langit.” (Mateo 6:9) Hindi, hindi tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na manalangin sa kaniya, sa kaniyang ina na si Maria, o sa kanino pa man. Subalit ngayon ay hinihiling sa atin ng Diyos na kilalanin natin ang posisyon ng kaniyang Anak at sa pamamagitan ng pangalan ni Jesus ipahatid natin ang lahat ng ating mga panalangin. Kaya naman sinabi ni Kristo sa kaniyang mga tagasunod: “Walang sinuman na lumalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”​—Juan 14:6.

Upang ang mga panalangin ay tanggapin ng Diyos, samakatuwid, kailangang manalangin tayo sa Diyos na Jehova sa pamamagitan ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. Ang ibig sabihin nito’y kailangang manalangin sa Diyos sa pangalan ni Jesus.

Ano ang maaaring hilingin sa mga panalangin?

“Kung tayo’y humihingi ng anumang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, tayo ay dinirinig niya [ng Diyos].” Ang waring di-kapani-paniwalang garantiyang ito ay nakasulat sa 1 Juan 5:14. Subalit napansin mo ba ang bahaging​—“ayon sa kaniyang kalooban”? Oo, ang isang pangunahing dahilan kung bakit maraming mga panalangin ang hindi sinasagot ay sapagkat ang isang nananalangin ay hindi muna nagsikap na alamin kung ano ang kalooban ng Diyos.​—Kawikaan 3:5-7.

Bilang isang pantulong na giya o modelo, binigyan ni Jesus ng isang panalangin ang kaniyang mga alagad at iyo’y nakikilala sa ngayon na ang “Panalangin ng Panginoon.” (Mateo 6:9-13) Bagama’t hindi dapat bigkasin ito na parang isang rituwal, ipinakikita naman nito ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga bagay na isasaalang-alang. Una ay yaong pangalan at layunin ng Diyos. Pagkatapos ay kasunod naman ang materyal na mga pangangailangan, pagpapatawad, at pagkaligtas sa tukso ng balakyot na isa. Ang pananalitang “Ama namin” ay makatutulong sa taong mananalangin na palawakin ang kaniyang mga panalangin at ang kaniyang kaisipan upang makasali hindi lamang ang mga miyembro ng pamilya at mga kamag-anak kundi pati ang mga iba pa naghahangad na makalugod sa kanilang Manlilikha.​—Gawa 17:26, 27.

Dapat na maging gaano kahaba ang mga panalangin?

Ang Bibliya ay hindi nagbibigay ng espisipikong haba ng mga panalangin. Puwedeng napakaikli o puwede rin namang manalangin na hindi ka nagsasalita. (Nehemias 2:4; 1 Samuel 1:12, 13) Sa kabilang dako, maaaring medyo may kahabaan ang mga panalangin. Nagkaroon noon ng okasyon na si Jesus ay “nagpatuloy ng pananalangin sa Diyos nang buong magdamag.” Maliwanag na ito’y upang humingi ng tulong sa Diyos sa pagpili ng kaniyang 12 apostol. (Lucas 6:12) Kaya’t ang haba ng sinasagot na mga panalangin ay nagkakaiba-iba at naaayon sa mga pangangailangan.

Tiyakan na May Kasagutan ang mga Panalangin

Sagana ang Bibliya sa mga ulat ng panalangin na sinagot ng dakilang “Dumirinig ng panalangin,” si Jehovang Diyos. (Awit 65:2) Ang isang litaw na halimbawa ay yaong “pansubok na panalangin” noong kaarawan ni Elias na propeta, nakasulat sa 1 Hari kabanata 18. Noong unang siglo, ang mga alagad ni Jesus ay nakaranas ng kaagad na pagsagot na ito sa panalangin: “Nang sila’y makapanalangin na, nayanig ang dakong pinagkakatipunan nila; at napuspos silang lahat ng banal na espiritu at kanilang sinalita nang tahasan ang salita ng Diyos.”​—Gawa 4:23-31.

Kabilang sa maraming karanasan na natanggap ng mga tagapaglathala ng magasing ito ay yaong sa mga lalaki at mga babae na may sarisaring edad at kanilang nadama na sumapit sila sa isang krisis. Dahilan sa kinalabasan, sila’y kumbinsido na ang kanilang mga panalangin ay narinig at sinagot.

Bilang paghahalimbawa: Isang kabataang lalaki na naninirahan sa isang liblib na libis sa kabundukang Swiso malapit sa hangganan ng Italya ang nagbibida: “Pagkalinaw-linaw na wala akong kayang masumpungan ang lunas [sa mga suliranin ng buhay] kung kaya’t ang hinangad ko noon ay mamatay na. . . . Ginawa ko ang kaisa-isang bagay na sumilid sa aking isip. Ako’y nanalangin: ‘Oh di-kilalang Diyos, tiyak na ikaw ay umiiral, at tiyak na ikaw ay isang Diyos ng pag-ibig. Tulungan mo po ako! Hindi na po ako makaaguwanta​—tulungan mo po akong masumpungan ko ang katotohanan.’” Makalipas ang mga ilang araw, isang kabataang mag-asawa na mga Saksi ni Jehova ang dumalaw sa lalaking ito. Nagsaayos ng pag-aaral sa Bibliya, at ngayon ay isa na siyang bautismadong Saksi ni Jehova.

Isang rehistradong nars na malungkot ang buhay dahilan sa kaniyang asawang mahilig sa mga babae at sa kanilang paghihiwalay nang bandang huli ang totoong relihiyosa. Isang araw siya ay nanalangin nang todo-todo, nagmamakaawa na ipaalam sa kaniya ng Diyos kung siya ay may karapat-dapat na layunin. Nang mismong hapon na iyon, ang mga Saksi ni Jehova ay nakarating sa kaniyang tahanan sa kanilang gawaing pangangaral sa bahay-bahay. Kaniyang inanyayahan ang mga ito sa kaniyang tahanan, siya’y nagtanong ng marami, at natuwa siya nang matanggap niya ang mga kasagutan buhat sa Kasulatan. Pagsapit ng panahon, ang nars mismo ay naging isang tagapaghayag ng “mabuting balita” at nagdaraos na ng isang pag-aaral sa Bibliya.​—Mateo 24:14.

Isa sa mga Saksi ni Jehova ang nagbabasa ng Ang Bantayan sa kaniyang kotse nang mayroong biglang sumunggab sa kaniya sa leeg. Nanalangin siya nang puspusan sa Diyos na Jehova. Ang sumunggab na iyon ay hindi nakakilos, at unti-unting lumuwag ang kaniyang pagpigil. Pinaandar ng Saksi ang kaniyang kotse, namaalam sa taong iyon, at iniwan siya roon na nakatayo na parang istatuwa sa gitna ng kalye.

Sa isang daigdig na patuloy na dumarami ang di-sumasampalataya at nag-aalinlangan, ang mga mangingibig sa Diyos at sa katotohanan ay maaaring magkaroon ng lakas ng loob sa pagkaalam na siguradong ang mga panalanging ipinahahatid sa Diyos na Jehova sa pamamagitan ng tamang alulod, sa tamang paraan, at taglay ang tamang saloobin ng isip at puso ay dinirinig. Hindi lamang diringgin ng Diyos na makapangyarihan-sa-lahat ang gayong mga panalangin kundi kaniya rin namang sasagutin ng walang pagkabisala, ayon sa kaniyang banal na kalooban at sa kaniyang minamagaling na panahon.

[Kahon sa pahina 4]

Mga Anyo ng Panalangin

Ang sandaling pagsusuri ng sarisaring anyo ng panalangin na ginagamit sa ngayon ay magbibigay ng liwanag.

Malimit na ginagamit sa Hinduismo ang isang saligang panalangin na nagbibigay-parangal sa isang piniling diyos o diyosa, na inaakalang may bilang na 330,000,000, at sinasamba sa humigit-kumulang 10,000 templo. Ngunit, kalimitan ang panalangin ng mga Hindu ay magarbo at maaaring may dalawang anyo​—alinman ito sa pagbubulaybulay (dhyana) o papuri (stotra). Malaking importansiya ang ibinibigay sa pagdarasal nang malakas.

Sa mga monasteryong Intsik ng mga Budhista at Taoista, ang mga panalangin ay regular na binibigkas ng tatlong beses isang araw (maaga sa umaga, sa katanghalian, at sa gabi). Ang mga panalanging ito ay sinasabayan ng tunog ng isang kampanilya. Upang matulungan sila sa pananalangin, ang mga mongheng Budhista ay may dalang pisi na kinatutuhugan ng 108 nga butil. May mga lego na gumagamit din ng ganitong paraan ng rosaryo upang masubaybayan nila kung ilang dasal nga ang kanilang nabigkas.

Sa saradong mga Muslim, ang pinakamahalagang bahagi ng kanilang pagsamba ay ang araw-araw na panalangin (salat) ito’y inuulit-ulit nang makalimang beses isang araw samantalang sila’y nakaharap sa direksiyon ng Mecca sa Saudi Arabia.

Kasali naman sa mga panalangin ng mga Judio yaong tuwirang kinuha sa Bibliya, tulad halimbawa ng mga Awit. Kasali na rin dito ang mga ibang panalangin na idinagdag ng iba’t ibang rabbi.

Sa mga nag-aangking Kristiyano, mayroong sarisaring panalangin at mga paraan ng pananalangin. Kabilang na rito ang mga panalangin na inuulit-ulit kasabay ng pagrurosaryo at ang nakalimbag na mga panalangin, at nariyan din yaong mga ilang salita na binibigkas nang hindi iniinsayo.

[Larawan sa pahina 7]

Sinagot ang mga panalangin ni Jesus. Ang inyo man ay puwedeng sagutin din

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share