Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 5/1 p. 3-4
  • Hanggang Kailan Maghihintay ang mga Dukha?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hanggang Kailan Maghihintay ang mga Dukha?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Anong mga Pagkakataon Para sa mga Dukha?
  • Di-magtatagal, Wala Nang Magiging Dukha!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Mga Bihag ng Karalitaan
    Gumising!—1998
  • Sundan ang Halimbawa ni Jesus at Magmalasakit sa Mahihirap
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Malapit Na ang Wakas ng Karalitaan
    Gumising!—1998
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 5/1 p. 3-4

Hanggang Kailan Maghihintay ang mga Dukha?

“Kung hindi matutulungan ng isang malayang lipunan ang maraming dukha, hindi nito maiingatan ang iilang mayayaman.”​—John F. Kennedy.

“NAIS kong maging maaliwalas ang kinabukasan para sa lahat​—walang karalitaan, walang natutulog sa mga parke, isang paraiso!” Ganiyan ang sinabi ng isang 12-taóng-gulang na batang lalaki buhat sa São Paulo, Brazil. Subalit posible ba na pawiin ang karalitaan? Hanggang kailan maghihintay ang mga dukha?

Itinuturing ng ilan ang kanilang sarili bilang mga dukha dahil hindi sila makabili ng mga bagay na ibig nila. Ngunit, isipin ang malungkot na kalagayan ng mga totoong maralita. Maguguniguni mo ba ang labis na paghihirap at kalungkutan ng mga taong ito? Ang ilan ay kailangang makipag-unahan sa mga gaviota at mga daga habang sinusuyod nila ang mga basura sa paghahanap ng pagkain! Hanggang kailan daranasin ng sangkatauhan ang gayong karalitaan? Angkop lamang ang panawagan ni Federico Mayor, ang direktor-heneral ng UNESCO (United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization): “Iwaksi na natin ang walang-katiyakang pagpapahintulot na nagpapangyaring pahintulutan natin ang di-mapahihintulutan​—ang karalitaan, gutom at pagdurusa ng milyun-milyong tao.”

Matutupad kaya ang pangarap na kabutihan para sa lahat? Anong pag-asa ang taglay ng mga dukha?

Anong mga Pagkakataon Para sa mga Dukha?

Ang mga lider na may mabubuting layunin ay nagmumungkahi ng mas maraming trabaho, mas matataas na sahod, pinaghusay na mga programang panlipunan, at reporma sa lupa. Maaaring sila’y sang-ayon sa sinabi ng dating presidente ng E.U. na si John F. Kennedy: “Kung hindi matutulungan ng isang malayang lipunan ang maraming dukha, hindi nito maiingatan ang iilang mayayaman.” Gayunman, ang mabubuting layunin ay hindi sapat upang pawiin ang karalitaan. Halimbawa, matutulungan ba ng pag-unlad sa ekonomiya ang mga dukha sa pangkalahatan? Hindi naman laging gayon. Ganito ang sabi ng dating lider ng India na si Jawaharlal Nehru: “Ang mga puwersa ng isang kapitalistang lipunan, kung hindi susupilin, ay gagawing lalo pang mayaman ang mayayaman at lalong dukha ang mga dukha.” Subalit, bukod pa sa paghihirap at kasalatan, ang pagkadama ng kawalang-kabuluhan ay nagpapabigat sa pasanin ng mga dukha. Matutulungan kaya ng mga pinunong tao ang mga dukha na madaig ang damdamin ng kawalang-kakayahan at kawalang-pag-asa?

Ang totoo, marami sa mga lubhang maralita ang natutong mapagtagumpayan ang karalitaan at madaig ang damdamin ng kakulangan ng pagpapahalaga sa sarili sa harap ng malalaking suliranin, tulad ng sobrang pagtaas ng bilihin at kawalang-hanapbuhay. Bukod dito, walang-pagsalang aalisin nang lubusan ang taggutom, kawalan ng tirahan, at kahapisan. Nakapagtataka ba ito? Inaanyayahan ka naming basahin ang susunod na artikulo: “Di-Magtatagal, Wala Nang Magiging Dukha!”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share