Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 5/15 p. 8-9
  • Mga Saksi ni Jehova sa Buong Daigdig—Sweden

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Saksi ni Jehova sa Buong Daigdig—Sweden
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Paglago ay Nangangailangan ng Pagtatayo
  • Sama-samang Nagtatayo sa Buong Daigdig
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Ang Aking Paglalakbay Tungo sa Bagong Sanlibutan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Gawaing Pagtatayo na Nagpaparangal kay Jehova
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
  • Batang Lalaki
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 5/15 p. 8-9

Mga Saksi ni Jehova sa Buong Daigdig​—Sweden

ANG Sweden ay nasa gawing silangan ng peninsula ng Scandinavia at umaabot hanggang sa itaas ng Arctic Circle. Palibhasa’y kilala sa buong daigdig dahil sa ito’y nababalutan ng luntiang mga kagubatan gayundin sa mga loók at kabundukan nito, ang Sweden ay isa sa mga bansa sa Europa na may kakaunti at kalat-kalat na populasyon. Gayunpaman, ang mga Saksi ni Jehova ay matagumpay na nakasumpong doon ng mga umiibig sa katotohanan sapol noong mga huling taon ng 1800. Narito ang isang kamakailang halimbawa.

Isang babae ang nakipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi, ngunit hindi ito nagustuhan ng kaniyang asawa. Sinabi nito sa kaniyang asawa na tumigil na sa pakikipag-aral, at gayon nga ang ginawa niya. Ang lalaking ito ay nagtatrabaho sa isang bodega para sa mga produkto ng serbesa. Isang araw dumating sa bodega ang isang drayber ng trak kasama ang kaniyang sampung-taóng-gulang na apo. Hiniling ng lolo sa lalaki na bantayan ang bata samantalang kinakargahan niya ang kaniyang trak. Upang makapagsimula lamang ng isang usapan, tinanong ng lalaki ang bata kung anong mga regalo ang tinanggap niya noong nakaraang kaarawan niya. Namangha ang lalaki nang sabihin ng bata na siya at ang kaniyang pamilya ay hindi nagdiriwang ng kaarawan sapagkat sila’y mga Saksi ni Jehova. Sinabi rin sa kaniya ng bata na siya’y nakatatanggap ng mga regalo sa mga ibang panahon ng santaon at wala namang naipagkakait sa kaniya, yamang ang kaniyang pamilya ay magiliw at mapagmahal. Wala nang mga regalo ang hihigit pa riyan, sabi pa niya.

Ang bata ay maraming beses na bumalik kasama ang kaniyang lolo. Sa tuwina, maraming itinatanong sa bata ang lalaki, at siya’y totoong humanga sa pagsagot ng bata nang may katapatan, tuwiran at walang-pag-aatubili. Naantig din siya sa pagpapahalaga ng bata sa tunay na mga kagalingan. Isang gabi pagkatapos mapanood ng lalaki ang isang programa sa TV na nagpakita ng miserableng kalagayan sa daigdig, natanto niya na kailangan niyang suriin nang lalong dibdiban ang espirituwal na mga bagay. Tinawagan niya ang Saksi na nakipag-aral sa kaniyang maybahay at hiniling na ito’y magbalik. Di-nagtagal, ang lalaki mismo ay nakikipag-aral na sa isang Saksi at mabilis na sumulong. Nabautismuhan siya noong Abril 10, 1994. Bautisado na rin ngayon ang kaniyang maybahay.

Ang Paglago ay Nangangailangan ng Pagtatayo

Ang Sweden ay tahanan para sa maraming refugee galing sa ibang lupain, at ang mga Saksi sa Sweden ay umani ng mabubuting bunga sa pangangaral sa kanila. Sa pangkalahatan ay gayon na lamang ang tagumpay ng gawain anupat kinailangan ang bagong mga Kingdom Hall upang matugunan ang paglawak. Mula 1986 hanggang 1993, 37 Kingdom Hall ang naitayo sa pamamagitan ng mabilis na paraan, samantalang 8 bulwagan ang nilakihan at inayos. Noon lamang 1994, pitong karagdagang Kingdom Hall ang naitayo, at tatlo ang inayos.

Sa ngayon, may 65 kongregasyon ang naghihintay sa tulong upang makapagtayo ng bagong Kingdom Hall o mapalakihan o makumpuni ang kanilang ginagamit sa kasalukuyan. Mga 2,500 boluntaryo ang tumutulong sa gayong pagtatayo, at lubhang pinahahalagahan ng mga kongregasyon ang kanilang maibiging tulong.

Ang gawing hilaga ng Sweden, na abot hanggang sa itaas ng Arctic Circle, ay tinatawag kung minsan na lupain ng araw sa hatinggabi. Gayon nga sapagkat may bahagi ng tag-araw na hindi lumulubog doon ang araw. Gayunman, sa buong Sweden ang liwanag ng katotohanan ay patuloy na sumisikat nang buong ningning. Sa pagpapala ni Jehova, hindi kailanman kukulimlim ang gayong espirituwal na liwanag kundi patuloy na sisikat na paliwanág nang paliwanág.

[Kahon sa pahina 8]

LARAWAN NG BANSA

1994 Taon ng Paglilingkod

PINAKAMATAAS NA BILANG NG NAGPAPATOTOO: 24,246

KATUMBASAN: 1 Saksi sa 362

DUMALO SA MEMORYAL: 40,372

ABERIDS MAMAMAHAYAG NA PAYUNIR: 2,509

ABERIDS PAG-AARAL SA BIBLIYA: 11,306

BILANG NG NABAUTISMUHAN: 850

BILANG NG MGA KONGREGASYON: 358

TANGGAPANG PANSANGAY: ARBOGA

[Larawan sa pahina 9]

Ang tanggapang pansangay at Tahanang Bethel sa Arboga

[Larawan sa pahina 9]

Ginamit ang minibus na ito ng unang mga Saksi sa Hjo upang makubrehan ang isang teritoryo na umaabot sa 5,000 kilometro kudrado

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share