Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 8/15 p. 31
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Manlilimbag na Nag-iwan ng Kaniyang Tatak
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Bakit Pa nga ba Hahanapin ang Katotohanan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Ang mga Kristiyano ay Sumasamba sa Espiritu at Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Makakamtan ba ang Katotohanan Ukol sa Relihiyon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 8/15 p. 31

Natatandaan Mo Ba?

Nasiyahan ka ba sa pagbabasa ng kamakailang mga isyu ng Ang Bantayan? Kung gayon, masusumpungan mong kawili-wiling gunitain ang sumusunod:

▫ Makakamtan ba ang katotohanan ukol sa relihiyon?

Sinabi ni Jesu-Kristo: “Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32) Hindi lamang itinuro ni Jesus na ang katotohanan ay makakamtan kundi ipinakita rin na ang pagkasumpong nito ay kailangan sa ating pagsamba sa Diyos. Ganito ang sabi niya sa isang Samaritana: “Ang mga tunay na mananamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan.” (Juan 4:23)​—4/15, pahina 5.

▫ Sino si Robert Estienne, at papaano siya nag-iwan ng kaniyang tatak?

Si Robert Estienne ay isang manlilimbag na nabuhay noong ika-16 na siglo. Itinalaga niya ang kaniyang buhay sa paglalathala ng Banal na Kasulatan at nagsikap na tuklasin ang mga salita ng Bibliya ayon sa orihinal na pagkasulat. Ang kaniyang sistema ng paghahati ng mga teksto ng Bibliya tungo sa de numerong mga talata ang siyang sistema na pangkalahatang ginagamit sa ngayon.​—4/15, pahina 10, 14.

▫ Papaano tayo nakikinabang sa araw-araw na pagbabasa ng Bibliya?

Ang Kasulatan ay palaging nagkakaroon ng karagdagang kahulugan para sa atin, at ang mga hula hinggil sa mga huling araw ay nagiging lalong kahanga-hanga sa liwanag ng ating nakita, narinig, at personal na naranasan. Habang lumalawak ang ating sariling karanasan sa buhay at napagtatagumpayan natin ang mga suliranin, lalo nating lubos na napahahalagahan ang payo ng Bibliya. (Kawikaan 4:18)​—5/1, pahina 14.

▫ Papaano maaaring matandaan ang mga teksto sa Bibliya?

Habang nagbabasa ka ng Bibliya, markahan ang piniling mga teksto na gusto mong matandaan, o kopyahin ang mga ito sa mga kard at ilagay ang mga kard sa lugar na kung saan makikita mo ang mga ito araw-araw. Habang sinisikap mong sauluhin ang mga talata, bulay-bulayin at gamitin ang mga ito. Huwag subuking magmemorya ng marami nang minsanan, marahil isa o dalawa lamang bawat linggo.​—5/1, pahina 16, 17.

▫ Anong impormasyon ang nasa Ebanghelyo ni Lucas na karagdagan sa inilaan ng ibang manunulat ng Ebanghelyo?

Samantalang karamihan sa isinulat ni Lucas ay katulad ng salaysay ni Mateo, 59 na porsiyento ang naiiba. Itinala ni Lucas ang anim na himala na sa aklat lamang niya masusumpungan, at siya’y nag-ulat nang higit pa sa dalawang ulit na bilang ng mga ilustrasyon ni Jesus na hindi binanggit ng ibang manunulat ng Ebanghelyo.​—5/15, pahina 12.

▫ Anong mahalagang sinag ng liwanag ng katotohanan ang isiniwalat noong 1935?

Nang taóng iyon naunawaan ng bayan ni Jehova na ang malaking pulutong na binanggit sa Apocalipsis 7:9, 14 ay tumutukoy, hindi sa pangalawahing uring makalangit, kundi doon sa mga may makalupang pag-asa. (Juan 10:16)​—5/15, pahina 20.

▫ Sa anu-anong praktikal na paraan maaari nating aliwin ang mga naulila?

Makinig. Muling bigyan ng katiyakan. Maglaan ng panahon. Magkusa kung nararapat. Sumulat ng nakaaaliw na liham o kard. Manalanging kasama nila. (Santiago 5:16) Patuloy na tulungan sila.​—6/1, pahina 13, 14.

▫ Ano ang magagawa ng espirituwal na mga kapatid upang matulungang makapagbatá yaong mga namumuhay sa nababahaging pamilya dahil sa relihiyon?

Palaging bumanggit sa kanila ng nakapagpapatibay-loob, positibo, at nakaaaliw na mga salita. (1 Tesalonica 5:14) Ito’y nagsisilbing kaginhawahan sa kanilang isip at katawan. Kung praktikal at naaangkop, isali sila sa inyong teokratiko at sosyal na mga gawain. Ilakip sila sa inyong mga panalangin. (Roma 1:9; Efeso 1:16)​—6/1, pahina 29.

▫ Anu-anong gantimpala ang idudulot ng pagtitiis samantalang nakikibahagi sa ministeryo sa larangan?

Ang pagtitiis ay nakatutulong sa mamamahayag ng Kaharian na mabatá ang anumang kawalang-interes o pagsalansang. Sa halip na makipagtalo sa galít na maybahay, ang matiising mga ministro ay makapagbibigay ng mahinahong sagot o tahimik na aalis, sa gayo’y napananatili ang kapayapaan at kagalakan. (Mateo 10:12, 13) Isa pa, ang mga tulad-tupa ay maaakit sa mensahe ng Kaharian.​—6/15, pahina 12.

▫ Bakit napakahalaga ang pagkaalam sa katotohanan ng Bibliya?

Ang pagkaalam sa katotohanan ay nagpapalaya sa atin buhat sa mga kasinungalingan, maling akala, at mga pamahiin. Kung tayo’y namumuhay ayon dito, pinatitibay tayo ng katotohanan upang mabatá ang mga kahirapan at pinasisigla tayo sa pag-asa na magpapangyari sa atin na makatayong matatag sa ilalim ng pagsubok.​—7/1, pahina 8.

▫ Sa anong pangunahing pananagutan hinalinhan ng kongregasyon ng pinahirang mga Kristiyano ang likas na Israel?

Sa pribilehiyo ng pagpapatotoo sa kadakilaan ni Jehova sa gitna ng mga bansa. (Isaias 43:21; 1 Pedro 2:9)​—7/1, pahina 19.

▫ Ano ang ipinahihiwatig ng mga salita ni apostol Pedro na ang asawang lalaki ay nararapat na ‘mag-ukol ng karangalan’ sa kaniyang asawa? (1 Pedro 3:7)

Ang asawang lalaki na nagpaparangal sa kaniyang asawa ay hindi humihiya o nagwawalang-halaga sa kaniya. Sa halip, ipinakikita niya sa pamamagitan ng kaniyang pananalita at pagkilos​—sa pribado at sa publiko​—na kaniyang pinahahalagahan siya. (Kawikaan 31:10-31)​—7/15, pahina 19.

▫ Bakit masasabi na pagiging maibigin na itiwalag ang isang di-nagsisising manggagawa ng masama buhat sa Kristiyanong kongregasyon?

Ang pagtitiwalag ay isang kapahayagan ng pag-ibig kay Jehova at sa kaniyang mga daan. (Awit 97:10) Ipinakikita nito ang pag-ibig sa mga nagtataguyod ng matuwid na landasin sapagkat inaalis nito mula sa gitna nila ang isa na makapagdudulot ng masamang impluwensiya sa kanila; ipinagsasanggalang din nito ang kalinisan ng kongregasyon. (1 Corinto 5:1-13)​—7/15, pahina 25.

▫ Papaano makikilala sa ngayon ang “tapat at maingat na alipin,” na binanggit ni Jesus sa Mateo 24:45-47?

Sila ay pangunahin nang nakikilala sa pamamagitan ng ginagawa nilang paglalaan ng salig-Bibliyang mga publikasyon, pagtuturo at pangangaral ng “mabuting balita ng kaharian,” at sa kanilang mahigpit na pagsunod sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. (Mateo 24:14; 28:19, 20)​—8/1, pahina 16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share