Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 11/1 p. 29
  • Nagpatotoo ang Kahon ng Pagkain

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagpatotoo ang Kahon ng Pagkain
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkain Nang Sama-sama—Nakakapagpatibay ng Pamilya
    Gumising!—2010
  • Biglaang Sakuna sa Hapón—Kung Paano Hinarap ng mga Tao
    Gumising!—1995
  • Kainan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 11/1 p. 29

Nagpatotoo ang Kahon ng Pagkain

NANG sumunod na mga araw pagkatapos ng lindol sa Kobe, Hapón, noong nakaraang Enero, ang mga tao sa apektadong lugar ay nahirapang humanap ng pagkain. Gayunman, ang mga Saksi ni Jehova ay hindi kinapos sa pagkain, salamat sa maibiging tulong ng kanilang mga kaibigan. Sa unang dalawa o tatlong araw pagkatapos ng lindol, ang karatig na mga kongregasyon ay naglaan ng binilog na mga kanin. Hindi nagtagal, ang maibiging mga kaibigan ay naglaan ng mga kahon ng pagkain. Sa mga kahon ng pagkain, marami ang nagkabit ng maiikling sulat na nagpapahayag ng pagkabahala sa mga nasalanta. Sinabi ng mga tumanggap ng pagkain na ang mga ito ay “inasnán” dahil sa hindi nila mapigil ang pagluha nang mabasa ang mga sulat.

Ang kanilang pagkain ay ibinahagi ng mga Saksi ni Jehova sa iba na nangangailangan. Isang Saksi ang kumakain ng tanghalian habang naglalakbay na nakakotse kasama ng isang di-Saksing kasamahan niya sa kompanya. Kaya ibinahagi niya ang isa sa mga kahon ng pagkain na kaniyang natanggap.

“Saan mo binili ang kahong ito ng pagkain?” ang tanong ng kaniyang kasamahan. Ipinaliwanag ng kapatid ang tungkol sa pagtulong ng mga Saksi. “Mga ilang araw nang hindi ako nakakakain ng gulay. Itatabi ko ang iba at iuuwi sa bahay para sa pamilya ko,” ang may-pagpapahalagang sabi ng lalaki.

Nang ikatlong beses na mangyari ito, ang kaniyang kasamahan ay nagbigay sa Saksi ng 3,000 yen (mga $35, E.U.) at ang sabi: “Pamilyar ako sa inyong gawain, kaya hayaan mo akong mag-abuloy sa inyong gawain. Nagpapasalamat ako at hinatian mo ako ng iyong pananghalian. Talaga namang mabubuting tao ang iyong mga kaibigan.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share