Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w96 3/15 p. 7
  • Inalalayan ng Kanilang Pinakadakilang Kaibigan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Inalalayan ng Kanilang Pinakadakilang Kaibigan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Alak, Kahoy, at ang Sining ng Paggawa ng Bariles
    Gumising!—2005
  • Mula sa Pagiging Aktibista sa Pulitika Tungo sa Pagiging Neutral na Kristiyano
    Gumising!—2002
  • Mahigit na 40 Taon sa Ilalim ng Komunistang Pagbabawal
    Gumising!—1995
  • “Taglay Nila ang Moral na Lakas”
    Gumising!—1991
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
w96 3/15 p. 7

Inalalayan ng Kanilang Pinakadakilang Kaibigan

ISANG pakikipagkaibigan ang pantanging umaalalay sa mga Saksi ni Jehova. Iyon ay ang kanilang napakahalagang kaugnayan sa kanilang pinakadakilang Kaibigan, ang Diyos na Jehova. (Ihambing ang Santiago 2:23.) Kaniyang inaalalayan sila sa panahon ng mahihigpit na pagsubok sa pananampalataya.

Ang rekord ng katapatan ng mga Saksi sa ilalim ng maka-diktador na mga rehimen ay pinuri ng maraming nagmamasid. Isa sa kanila ay si Jiří Krupička, isang doktor ng pilosopiya at likas na siyensiya na nandayuhan mula sa Czechoslovakia noong 1968 pagkatapos gumugol ng maraming panahon sa mga Komunistang kampong piitan. Sa kaniyang aklat na Renesance rozumu (Renaissance of Intellect), nagkomento siya tungkol sa pagdurusa at katatagan ng mga Saksing nabilanggo dahil sa kanilang neutralidad.

Sa ilalim ng pamahalaang Komunista, maraming Saksi ang hinatulang mabilanggo dahil sa kanilang pananampalataya. Bagaman nasa bilangguan, tumanggi silang magmina ng uranium para gamitin sa digmaan. (Isaias 2:4) Inilarawan ni Krupička ang isang eksenang nasaksihan niya noong 1952 sa isa sa mga minahang ito. Nakita niya ang dalawang tao na nakatayong parang mga estatwang nabalutan ng yelo sa matinding taglamig. Mula ulo hanggang baywang ay natatakpan sila ng mga metal na bariles.

Ganito ang isinulat ni Krupička: “Madaling araw pa ay nakatayo na sila sa labas suot ang gula-gulanit na uniporme sa bilangguan. Papaano nila natiis na tumayo nang gayong katagal habang nagyeyelo ang kanilang mga binti? Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pananampalataya. Luma at kinakalawang na ang mga bariles. Isang malupit na tao ang ubod-lakas na bumabayo nito sa kanilang ulo at balikat anupat ang tulis-tulis na gilid nito ay bumabaon sa jacket at sa balat ng isa sa mga lalaki, at tumutulo ang dugo buhat sa kaniyang manggas.

“Pinatigil ng guwardiya ang aming hanay sa harap nila, at sandaling nagsalita sa amin ang komander. Ang pagtangging magtrabaho, sabi niya, ay rebelyon at sa gayo’y pinarurusahan. Ang walang-katuturang sentimyento tungkol sa digmaan at pagpatay ay hindi makatutulong sa mga tumatangging ito, sa mga kaaway na ito ng sosyalismo.”

Dumampot ang komander ng isang baras na metal at inihampas sa isa sa mga bariles. Ang lalaking nasa loob niyaon ay bumagsak na nasa loob pa rin ng bariles ang kaniyang ulo. Ang sumunod na nangyari ay hindi makatkat kailanman sa alaala ni Krupička.

Ganito ang sabi niya: “May kumakanta sa loob ng mga bariles. Mahihinang tinig, isang pabulong na panalangin sa Diyos, na makaririnig ng anuman buhat saanman​—maging ng pagtatangkang umawit sa loob ng luma at kinakalawang na bariles ng uranium. Naririnig niya iyon nang mas malakas kaysa sa isang koro na inaawit sa isang malaking katedral.”

Noong Setyembre 1, 1993, ang gawain ng mga Saksi ni Jehova sa Republikang Czech ay legal na kinilala. Ang mga Saksing Czech ay nagagalak ngayon na isagawa nang malaya ang kanilang Kristiyanong gawaing pagtuturo. Oo, nalulugod silang sabihin sa iba ang tungkol kay Jehova, ang kanilang pinakadakilang Kaibigan.

[Larawan sa pahina 7]

Ang mga kombensiyonista sa Republikang Czech

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share