Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w96 9/1 p. 29
  • Tulong sa mga “Nauuhaw” sa Russia

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulong sa mga “Nauuhaw” sa Russia
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Ginanti ang Paghahanap ng Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Maiinam na Gawa na Lumuluwalhati kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • “Mula sa Bibig ng mga Sanggol”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Ang mga Tupa ni Jesus ay Nakikinig sa Kaniyang Tinig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
w96 9/1 p. 29

Report ng mga Tagapaghayag ng Kaharian

Tulong sa mga “Nauuhaw” sa Russia

“MALIGAYA yaong mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, yamang sila ay bubusugin,” sabi ni Jesus. (Mateo 5:6) Inilalarawan ng sumusunod na mga karanasan kung paano tumutulong ang mga Saksi ni Jehova upang pawiin ang espirituwal na pagkauhaw ng marami sa Russia, kung saan sinupil ang kalayaan ng relihiyon sa loob ng mahigit sa 70 taon.

▪ Isang babaing nagngangalang Valentina ang may seryosong mga tanong tungkol sa Bibliya na di-nasasagot sa loob ng maraming taon. Halimbawa, itinanong niya: ‘Kanino nanalangin si Jesus?’ Ikinatuwiran niya na si Jesus ay tiyak na nanalangin sa isa na nakatataas sa kaniya at inisip niya kung ano ang pangalan ng Isang ito.

Pumunta siya sa Simbahang Ruso Ortodokso. Gayunman, hindi niya nasumpungan sa relihiyong iyan ang sagot sa kaniyang mga katanungan. Palibhasa’y di-nasiyahan, nagpunta siya sa isang simbahang Protestante ngunit hindi na naman nakasumpong ng malinaw na kasagutan. Yamang hindi na alam kung saan pupunta, binasa ni Valentina ang Bibliya, sa pagsisikap na makita ang sagot sa ganang sarili​—pero nabigo siya. Nanalangin siya ukol sa tulong.

Pagkaraan ay kumatok sa kaniyang pintuan ang mga Saksi ni Jehova. Ipinakita nila sa kaniya mula sa Bibliya na ang pangalan ng Diyos ay Jehova. Sa wakas, nalaman niya kung kanino nanalangin si Jesus! Nakipag-aral siya ng Bibliya sa mga Saksi nang palagian. Malimit siyang gising sa magdamag sa pagbabasa ng literaturang inilathala ng Samahang Watch Tower at sa paghanap ng mga teksto sa Bibliya. Di-nagtagal at nahinuha ni Valentina na natagpuan na niya ang katotohanan. Pagkaraan ng tatlong buwan ay nakibahagi na siya sa gawaing pangangaral, at sa loob ng dalawang buwan mula noon, siya ay nabautismuhan. Ginantimpalaan ang kaniyang may panalanging paghahanap sa katotohanan.

▪ Naglakbay ang isang Saksi sakay ng bus upang mangaral sa isang liblib na lugar. Habang nagbibiyahe ay kinausap niya ang isang kabataang babae tungkol sa mga pangako ng Bibliya, ngunit hindi interesado ang kabataang babae. Pagkalipas ng dalawang buwan ang Saksi ay dumalaw sa ikalawang pagkakataon sa lugar na iyon upang magbigay ng isang pahayag pangmadla. Pagkatapos ng pahayag ay nilapitan niya ang isang bisita at tinanong siya: “Mayroon na bang nakipag-usap sa iyo tungkol sa mabuting balita mula sa Bibliya?” Sumagot ang lalaki, “Oo, kinausap mo ako.” Akala ng Saksi ay nagbibiro siya. Pero ipinaliwanag ng kabataang lalaki na dalawang buwan bago nito ay narinig niya ang pag-uusap ng Saksi at ng kabataang babae, nang nagbibiyahe sa bus. “Gusto ko pang makaalam nang higit, pero bumaba ka na sa bus, at naisip ko na hindi na ako makakakita pang muli ng mga Saksi ni Jehova. Pagkaraan ay nakilala ko sa aking trabaho ang isang lalaki na nakikipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi. Kaya narito ako!”

Ang lalaking ito at ang kaniyang asawa ay nakipag-aral ng Bibliya. Pagkaraan ng maikling panahon, nakita niya na ang kaniyang trabaho ay salungat sa mga simulain sa Bibliya. Palibhasa’y nais na mapanatili ang isang malinis na budhi sa harap ng Diyos, nagbago siya ng hanapbuhay. Ngayon ay ibinabalita niya sa iba ang tungkol sa Kaharian ng Diyos sa lahat ng pagkakataon. Ang kaniyang kabiyak ay sumusulong rin sa kaniyang pag-aaral ng Bibliya.

Nalulugod ang mga Saksi ni Jehova sa malawak na teritoryo ng Russia na makibahagi sa pagsasabi sa lahat ng taimtim na tao: “ ‘Halika!’ At ang sinumang nauuhaw ay pumarito; ang sinumang nagnanais ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.”​—Apocalipsis 22:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share