Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 4/15 p. 27
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Aquila at Priscila—Isang Ulirang Mag-asawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Mangaral Upang Gumawa ng mga Alagad
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Aquila
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 4/15 p. 27

Natatandaan Mo Ba?

Napag-isipan mo bang mabuti ang kamakailang mga labas ng Ang Bantayan? Kung gayon, masusumpungan mong kawili-wiling alalahanin ang sumusunod:

◻ Paano sinunod ng maraming mag-asawa sa ngayon ang mahusay na halimbawa nina Aquila at Priscila?

Naglingkod sina Aquila at Priscila sa ilang iba’t ibang kongregasyon. Tulad nila, maraming makabagong-panahong Kristiyano ang nagboluntaryo na lumipat kung saan mas malaki ang pangangailangan. Naranasan din nila ang kagalakan at kasiyahan sa pagkakitang sumusulong ang kapakanan ng Kaharian at sa paglinang ng napakahalagang Kristiyanong mga pagkakaibigan.​—12/15, pahina 24.

◻ Ano ang pangmalas ng Bibliya sa mga inuming de-alkohol?

Timbang ang pangmalas ng Bibliya sa mga inuming de-alkohol. Sa isang banda, sinasabi ng Bibliya na ang alak ay isang kaloob mula sa Diyos. (Awit 104:1, 15) Sa kabilang banda, hinahatulan nito ang pagpapakalabis. (Lucas 21:34; 1 Timoteo 3:8; Tito 2:3; 1 Pedro 4:3)​—12/15, pahina 27.

◻ Ano ang isang mahalagang katangian ng aklat sa Bibliya na Hagai?

Bagaman ang aklat ng Hagai ay binubuo lamang ng 38 talata, 35 beses na ginamit ang pangalan ng Diyos. Waring walang-buhay ang gayong hula kapag ang pangalang Jehova ay pinalitan ng titulong “Panginoon.”​—1/1, pahina 6.

◻ Anong aral ang matututuhan sa mga kasalanan nina David at Manases?

Sa kabila ng pagpapatawad ni Jehova kina David at Manases, ang mga lalaking ito​—at gayundin ang Israel​—ay kinailangang humarap sa mga bunga ng kanilang makasalanang gawa. (2 Samuel 12:11, 12; Jeremias 15:3-5) Sa katulad na paraan, bagaman pinatatawad ngayon ni Jehova ang mga nagsisising makasalanan, may mga bunga ang kanilang pagkilos na hindi maiiwasan.​—1/1, pahina 27.

◻ Sa anong paraan “kahali-halina” ang ‘mga paa niyaong naghahayag ng mabuting balita’ ng Kaharian ng Diyos? (Isaias 52:7)

Ang mga paa ang siyang karaniwan nang nagdadala sa isang tao kapag siya’y lumalabas upang mangaral sa iba. Ang talagang kinakatawan ng gayong mga paa ay ang tao mismo. Kaya para sa marami na nakarinig at tumugon nang may pagsang-ayon sa mabuting balita ng Kaharian, talaga ngang isang magandang tanawin ang paa ng gayong mga mensahero.​—1/15, pahina 13.

◻ Anong gawaing may dalawang pitak ang nasasangkot sa ‘paghahayag ng mabuting balita’? (1 Corinto 9:16)

Una, dapat nating ipahayag ang mabuting balita ng Kaharian. Ang ikalawang pitak ng gawaing ito ay may kinalaman sa pagtuturo sa mga tumutugon nang may pagsang-ayon sa paghahayag ng Kaharian.​—1/15, pahina 23.

◻ Anong personal na mga kapakinabangan ang idinudulot ng pag-awit ng mga awiting pang-Kaharian sa mga pulong sa kongregasyon?

Ang pag-awit ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na ipahayag ang ating damdamin sa ating Maylalang. (Awit 149:1, 3) Kapag buong-puso tayong umaawit sa kongregasyon, nagdudulot ito sa atin ng tamang kondisyon ng isip at puso para sa programa na susunod. Nakapagpapasigla ito sa atin para sa higit pang pakikibahagi sa pagsamba kay Jehova.​—2/1, pahina 28.

◻ Kailan nagiging mas maigi ang araw ng kamatayan kaysa sa araw ng pagsilang? (Eclesiastes 7:1)

Ang araw ng kamatayan ay nagiging mas maigi kaysa sa araw ng pagsilang sa isa kung sa panahong iyon ang isa ay nakagawa ng isang mabuting pangalan kay Jehova, na maaaring bumuhay-muli sa mga tapat na namatay. (Juan 11:25)​—2/15, pahina 12.

◻ Bakit personal na makatutulong sa atin ang aklat ng Eclesiastes?

Makatutulong ito sa bawat isa sa atin na ituwid ang ating pangmalas sa buhay at ang pinagtutuunan natin ng pansin. (Eclesiastes 7:2; 2 Timoteo 3:16, 17)​—2/15, pahina 16.

◻ Pundamentalista ba ang mga Saksi ni Jehova?

Hindi. Samantalang mayroon silang matibay na relihiyosong pananalig, hindi sila mga pundamentalista sa diwa ng naging paggamit sa salita. Hindi sila bumabaling sa mga demonstrasyon at karahasan laban doon sa mga hindi nila sinasang-ayunan. Tinutularan nila ang kanilang Lider, si Jesu-Kristo.​—3/1, pahina 6.

◻ Ang hindi pagkaalam na eksaktong oras ng pagdating ni Jesus upang isagawa ang paghihiganti ng Diyos ay may anong epekto sa mga Kristiyano?

Pinapangyayari nito ang mga Kristiyano na manatiling mapagbantay at nagbibigay sa kanila ng pagkakataon sa araw-araw upang patunayan na naglilingkod sila kay Jehova nang walang mapag-imbot na motibo.​—3/1, pahina 13.

◻ Ano ang dapat nating isaalang-alang bago kumuha ng legal na hakbang laban sa isang kapatid na maaaring gumawa ng pandaraya sa atin?

Dapat nating isaalang-alang ang mga posibleng epekto sa atin, sa iba na nasasangkot, sa kongregasyon, at sa mga tagalabas. (1 Corinto 6:7)​—3/15, pahina 22.

◻ Paano matatamo ang tunay na kaligayahan?

Ang tunay na kaligayahan ay isang kalagayan ng puso, salig sa taimtim na pananampalataya at isang mabuting kaugnayan kay Jehova. (Mateo 5:3)​—3/15, pahina 23.

◻ Ano ang dapat gawin ng isang Kristiyano kapag hinilingang maglingkod bilang hurado?

Dapat tiyakin ng bawat Kristiyanong nakaharap sa paglilingkod sa isang hurado kung anong landasin ang dapat sundin, salig sa kaniyang pagkaunawa sa Bibliya at sa kaniyang sariling budhi. (Galacia 6:5)​—4/1, pahina 29.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share