Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 5/15 p. 21
  • Pagkamatapat—Nagkataon Lamang ba o Sinadya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagkamatapat—Nagkataon Lamang ba o Sinadya?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Dapat Magpatingin sa Dentista?
    Gumising!—2007
  • Magtamo ng Pusong Kalugud-lugod kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Kung Paano Mo Maiingatan ang Iyong Ngiti
    Gumising!—2005
  • Mayroon Ka Bang “Isang Puso Upang Makilala” si Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 5/15 p. 21

Pagkamatapat​—Nagkataon Lamang ba o Sinadya?

“BAGAMAN hindi ako likas na matapat, nagkakataon kung minsan na gayon ako.” Ganoon ang sinabi ng di-tapat na si Autolycus sa The Winter’s Tale ni William Shakespeare. Inilalarawan nito ang saligang kahinaan ng tao​—ang ating hilig sa paggawa ng masama, na nagmumula sa isang ‘magdarayang puso.’ (Jeremias 17:9; Awit 51:5; Roma 5:12) Subalit nangangahulugan ba ito na wala tayong magagawa sa bagay na ito? Nagkataon lamang ba ang isang magaling na asal? Tiyak na hindi!

Bago pumasok ang mga anak ni Israel sa Lupang Pangako, nagsalita si Moises sa kanila samantalang nagkakampo sila sa kapatagan ng Moab. Iniharap niya sa kanila ang dalawang malinaw na mapagpipilian. Maaari nilang sundin ang mga utos ng Diyos at kamtin ang kaniyang pagpapala o tanggihan ang mga ito at anihin ang mapait na bunga ng kasalanan. (Deuteronomio 30:15-20) Sila ang pipili.

Bilang mga taong may malayang kalooban, tayo man ay may pagpipilian. Walang sinuman​—kabilang na ang Diyos​—ang pumipilit sa atin na gumawa ng mabuti o gumawa ng masama. Subalit baka makatuwirang itanong ng ilan, ‘Kung ang ating puso ay nakahilig sa kasamaan, paano natin maisasagawa ang mabuti?’ Buweno, maingat na sinusuri ng isang dentista ang ngipin upang matuklasan ang pagkasira o pagkabulok bago pa man ito lumala. Gayundin naman, kailangan nating siyasatin ang ating makasagisag na puso upang mahanap ang mga kahinaan at pagkabulok sa moral. Bakit? Dahil sinabi ni Jesus na “mula sa puso ay nanggagaling ang mga balakyot na pangangatuwiran, mga pagpaslang, mga pangangalunya, mga pakikiapid, mga pagnanakaw, mga bulaang testimonyo, mga pamumusong.”​—Mateo 15:18-20.

Upang maingatan ang isang ngipin, kailangang lubusang alisin ng isang dentista ang anumang masumpungang pagkabulok. Gayundin naman, kailangan ang tiyakang pagkilos upang maalis ang “balakyot na pangangatuwiran” at maling hangarin mula sa puso. Sa pamamagitan ng pagbabasa at pagbubulay-bulay sa Salita ng Diyos, ang Bibliya, hindi lamang natin nalalaman ang mga paraan ng ating Maylalang kundi natututuhan din nating gawin ang tama.​—Isaias 48:17.

Sinamantala ni Haring David ng Israel ang isa pang kinakailangang tulong sa pakikipaglaban upang magawa ang tama. Nanalangin siya: “Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, O Diyos, at ilagay mo sa loob ko ang isang bagong espiritu, na may katatagan.” (Awit 51:10) Oo, sa may pananalanging pagtitiwala sa Diyos na Jehova, mapananagumpayan din natin ang ating hilig na gumawa ng masama at malilinang ang isang “bagong espiritu” upang magawa ang tama. Sa ganitong paraan, hindi natin hahayaang magkataon lamang ang pagkamatapat. Ito ay magiging isang bagay na sinadya.

[Larawan sa pahina 21]

Gaya sa kalagayan ni David, makatutulong sa atin ang pananalangin kay Jehova upang makagawa tayo ng mabuti

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share