Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 6/1 p. 3-4
  • Bakit Gayon na Lamang ang Paglilihim?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Gayon na Lamang ang Paglilihim?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kapag Nagpapahiwatig ng Panganib ang Paglilihim
  • Ano Naman ang Ginagawa Nila Ngayon?
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2018
  • Lihim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Isang Sekretong Puwede Mong Sabihin sa Iba
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Isang Sekreto na Gustong-gusto Nating Malaman
    Turuan ang Iyong mga Anak
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 6/1 p. 3-4

Bakit Gayon na Lamang ang Paglilihim?

“WALA nang bibigat pa kaysa sa paglilihim.” Iyan ang pag-aangkin ng isang sawikaing Pranses. Maipaliliwanag kaya nito kung bakit nasisiyahan tayo kapag may alam tayong lihim ngunit kung minsan ay nasisiphayo kapag hindi natin masabi ito? Gayunman, sa nakalipas na mga siglo ay nagustuhan ng maraming tao ang maglihim, anupat nagsama-sama sila upang bumuo ng mga lihim na grupo upang itaguyod ang isang napagkasunduang tunguhin.

Kabilang sa pinakanauna sa mga lihim na samahang ito ay ang mahiwagang mga kulto na matatagpuan sa Ehipto, Gresya, at Roma. Nang maglaon ay lumihis ang mga grupong ito mula sa kanilang relihiyosong pinagmulan at palihim na nagkaroon ng mga diwang pampulitika, pangkabuhayan, o panlipunan. Halimbawa, nang bumuo ng mga kapisanan sa Europa noong edad medya, napilitang maglihim ang kanilang mga miyembro pangunahin na upang pangalagaan ang sariling kabuhayan.

Ang mga lihim na grupo sa modernong panahon ay kadalasang nabuo para sa totoong mararangal na kadahilanan, malamang na ukol sa “panlipunan at pangkawanggawang mga layunin,” ayon sa Encyclopædia Britannica, at “upang isagawa ang mga programang pangkawanggawa at pang-edukasyon.” Ang ilang organisasyong pangkapatiran, samahan ng mga kabataan, samahang panlipunan, at iba pang grupo ay lihim din, o sa paano man ay bahagyang inililihim. Karaniwan nang wala namang masama sa mga grupong ito, anupat natutuwa lamang na maglihim ang mga miyembro nito. Ang lihim na mga ritwal sa pagtanggap ng bagong mga miyembro ay nakaaantig nang husto sa damdamin at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaibigan at pagkakaisa. Nadarama ng mga miyembro ang pagiging kabilang sa grupo at ang pagkakaroon ng layunin. Karaniwan nang hindi mapanganib sa mga di-miyembro ang ganitong uri ng lihim na samahan. Hindi naman kawalan para sa mga tagalabas ang hindi pagkaalam ng mga lihim.

Kapag Nagpapahiwatig ng Panganib ang Paglilihim

Hindi lahat ng lihim na grupo ay may parehong antas ng pagiging lihim. Subalit yaong may “mga lihim sa likod ng mga lihim,” gaya ng pagkasabi rito ng Encyclopædia Britannica, ay naglalagay ng isang partikular na panganib. Ipinaliliwanag nito na “sa paggamit ng balatkayong mga pangalan, mahihigpit na pagsubok o pagsisiwalat,” nagagawa ng mga miyembrong may mataas na ranggo na “ibukod ang kanilang sarili,” sa gayo’y pinasisigla “ang mga nasa mababang ranggo na magsikap nang husto upang maabot ang mataas na katayuan.” Maliwanag ang panganib na kaakibat ng gayong mga grupo. Yaong nasa mababang ranggo ay baka walang lubos na kabatiran sa tunay na layunin ng organisasyon, anupat hindi pa umaabot sa antas na iyan ng pagsisiwalat. Madaling masangkot sa isang grupo na ang mga tunguhin at pamamaraan ng pag-abot sa mga ito ay hindi gaanong kilala at, sa katunayan, marahil hindi lubusang ipinaliwanag. Ngunit ang taong naging miyembro ng gayong grupo ay maaaring mahirapan sa dakong huli na kumalas; yamang siya, wika nga, ay nakagapos sa mga tanikala ng paglilihim.

Gayunman, nagpapahiwatig ng mas malaking panganib ang paglilihim kapag ang isang grupo ay nagtataguyod ng ilegal o tiwaling mga tunguhin at sa gayo’y nagsisikap na ikubli ang mismong pag-iral nito. O kung hayag naman ang pag-iral at pangkalahatang mga layunin nito, baka sikapin nitong ilihim ang tungkol sa mga miyembro at panandaliang mga plano nito. Totoo ito sa masisigasig na grupong terorista na sa pana-panahon ay gumigimbal sa daigdig sa pamamagitan ng kanilang nakasisindak na pananalakay.

Oo, maaaring maging mapanganib ang paglilihim, kapuwa sa mga indibiduwal at sa samahan bilang kabuuan. Isip-isipin ang mga lihim na gang ng mga tin-edyer na buong karahasang bumibiktima sa mga inosente, mga sindikato sa krimen tulad ng malihim na Mafia, mga grupong nagtatampok sa kahigitan ng mga puti tulad ng Ku Klux Klan,a bukod pa sa maraming grupong terorista sa buong daigdig na patuloy na bumibigo sa pagsisikap na makamit ang kapayapaan at katiwasayan sa daigdig.

Ano Naman ang Ginagawa Nila Ngayon?

Noong mga taon ng 1950, bilang di-inaasahang bunga ng Malamig na Digmaan, inorganisa ang mga lihim na samahan sa ilang bansa sa Kanlurang Europa upang magsilbing saligan para sa mga hakbang sa paglaban sakaling tangkain ng mga Sobyet na sakupin ang Kanlurang Europa. Halimbawa, ayon sa magasing Focus sa Alemanya, “79 na lihim na bodega ng mga sandata” ang itinayo sa Austria nang panahong ito. Hindi lahat ng bansa sa Europa ay nakaaalam tungkol sa mga grupong ito. Ganito ang makatotohanang ulat ng isang magasin sa pagsisimula ng dekada ng 1990: “Hindi pa rin nababatid kung ilan sa mga organisasyong ito ang umiiral ngayon at kung ano na ang ginagawa nila.”

Oo, gayon nga. Sino nga bang talaga ang nakaaalam kung ilang lihim na mga samahan ang sa mismong sandaling ito ay naglalagay ng panganib na higit kaysa sa maiisip ng sinuman sa atin?

[Talababa]

a Pinanatili ng grupong ito sa Estados Unidos ang relihiyosong katangian ng mga naunang lihim na samahan sa pamamagitan ng paggamit ng nasusunog na krus bilang sagisag nito. Noong nakaraan, nananalakay ito kung gabi, anupat ang mga miyembro nito ay nakasuot ng tunika at puting kumot at ibinubunton ang kanilang poot sa mga itim, Katoliko, Judio, banyaga, at unyon ng mga manggagawa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share