Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 12/15 p. 24
  • Isang Nabigong Pagnanakaw sa Kanlurang Aprika

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Nabigong Pagnanakaw sa Kanlurang Aprika
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Kapag Sumalakay ang mga Armadong Magnanakaw
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kung Paano Bibili ng Segunda Manong Kotse
    Gumising!—1996
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Ang Iyong Kotse—Kanlungan o Bitag?
    Gumising!—1995
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 12/15 p. 24

Isang Nabigong Pagnanakaw sa Kanlurang Aprika

Ayon sa pagkalahad ni Eunice Ebuh

“Isinaplano ng mga armadong magnanakaw ang kanilang pagsalakay sa araw na karaniwang idinaraos namin ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa aming tahanan. Bukás ang aming pintuan para sa mga kapatid at mga interesado. Malamang na batid ng mga magnanakaw ang aming kaugalian at oras ng pagpupulong. Natitiyak namin na nagnakaw sila ng isang kotse sa ibang lugar at naghintay sa aming tarangkahan noong araw at oras ng pag-aaral sa aklat.

“Nangyari na noong linggong dumating sila, siya namang linggo ng pagdalaw ng tagapangasiwa ng sirkito. Sa halip na magpulong sa aming tahanan, nagpulong kami sa Kingdom Hall. Pagkatapos ng pulong, nagkaroon naman ng pulong ng matatanda. Kadalasang nauuna na kami ng aking mga anak na umuwi sa bahay, ngunit hiniling ng aking asawa, na isang matanda, na hintayin namin siya. Sinabi niyang hindi siya magtatagal. Kaya naghintay kami.

“Sumunod ay natuklasan namin na ayaw umandar ang kotse. Hindi iyon nagawang ayusin ng tagapangasiwa ng sirkito at ng aking asawa. Tumawag kami ng mekaniko, pero hindi rin niya maayos iyon.

“Naglakad pauwi ang mga bata. Pagkaraan, umuwi na rin ako. Dumating kami nang bandang alas diyes. Ako at ang mga bata ay pumasok sa bakuran nang hindi nakasakay sa kotse, kaya hindi kinailangang buksan ang malaking tarangkahan.

“Nang pumasok ako sa aking silid, nakarinig ako ng putok ng baril na ubod nang lakas. Inisip ko kung ano ang nangyayari. Sinikap kong tawagan sa telepono ang mga pulis, pero hindi gumagana ang telepono. Nagmadali akong bumaba sa hagdan at isinara ang bakal na pintuan, pagkatapos ay ikinandado ko agad ang pintuan sa pagitan. Pinatay ko ang mga ilaw. Takot na takot ang aking mga anak, kaya sinabi kong huminahon sila. Sama-sama kaming nanalangin para sa proteksiyon ni Jehova. Samantala, nasa Kingdom Hall pa ang aking asawa at nagsisikap na paandarin ang kotse.

“Dumungaw ako sa bintana at nakita ko ang isang lalaking nakahandusay sa kalsada sa labas ng tarangkahan. Waring nakaalis na ang mga magnanakaw, kaya isinakay ko sa aking kotse ang nasaktang lalaki at isinugod ko siya sa ospital. Mapanganib iyon, pero kailangan kong gawin. Subalit nakalulungkot, namatay siya kinabukasan.

“Sa kabila ng trahedya, maaaring naging masahol pa ang mga pangyayari. Ang dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito ay nangahulugan na hindi kami nagdaos ng pag-aaral sa aklat sa aming bahay. Ang pagkasira ng kotse ay nangahulugan na hindi kami umuwi nang sama-sama bilang isang pamilya. Ang aking asawa, na tiyak sanang nasunggaban ng mga magnanakaw, ay gabi na nang makauwi. Ito at ang iba pang mga salik ay nakabuti sa amin nang gabing iyon.

“Si Jehova ang aming moog at aming kanlungan. Gaya ng sabi ng kasulatan: ‘Malibang si Jehova mismo ang magbantay sa lunsod, walang kabuluhan na ang bantay ay manatiling gising.’ ”​—Awit 127:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share