Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 7/1 p. 3
  • Bakit Dapat Maniwala kay Jesu-Kristo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Dapat Maniwala kay Jesu-Kristo?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Jesu-Kristo—Sino Siya?
    Jesu-Kristo—Sino Siya?
  • Ang mga Ebanghelyo—Totoo o Guniguni?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ang mga Ebanghelyo—Kasaysayan ba o Alamat?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Ang Tunay na Jesus
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 7/1 p. 3

Bakit Dapat Maniwala kay Jesu-Kristo?

“MAGING ang maraming taong di-Kristiyano ay naniniwalang Siya ay isang dakila at matalinong guro. Siya’y talagang isa sa pinakamaiimpluwensiyang tao na nabuhay kailanman.” (The World Book Encyclopedia) Sino “Siya”? Si Jesu-Kristo, ang nagtatag ng Kristiyanismo.

Gayunman, sa kabila ng sinasabi ng ensayklopidiya, para sa daan-daang milyong tao sa Silangan at sa ibang lugar, si Jesu-Kristo ay hindi kilala, isa lamang itong pangalan na maaaring natatandaan nila mula sa mga aklat-aralin sa haiskul. Maging sa mga simbahan ng Sangkakristiyanuhan, may mga teologo at mga klerigo na nagsasabing hindi natin talaga kilala si Jesus at nag-aalinlangan sa pagiging totoo ng apat na umiiral na salaysay tungkol sa kaniyang buhay (ang mga Ebanghelyo) na masusumpungan sa Bibliya.

Posible nga kayang pinalsipika ng mga manunulat ng Ebanghelyo ang kasaysayan ng buhay ni Jesus? Hinding-hindi! Ang bantog na istoryador na si Will Durant, matapos suriin ang mga salaysay na iyon ng Ebanghelyo, ay sumulat: “Na ang ilang simpleng tao sa isang lahi ang makaimbento ng isang mapuwersa at kaakit-akit na personalidad, napakatayog na tuntuning moral at nakapupukaw na pangitain ng pagkakapatiran ng tao, ay isang himala na totoong di-kapani-paniwala kaysa anumang napaulat sa mga Ebanghelyo. Matapos ang dalawang siglo ng Mapanuring Kritisismo ang balangkas ng buhay, karakter, at turo ng Kristo, ay masasabing maliwanag pa rin, at naglalaman ng pinakakaakit-akit na tampok sa kasaysayan ng Kanluraning tao.”

Sa kabila nito, ipinalalagay naman ng iba na di-nararapat pag-ukulan ng pansin si Jesu-Kristo dahil sa mga ginawa ng kaniyang nag-aangking mga tagasunod. ‘Naghulog sila ng bomba atomika sa Nagasaki,’ ayon sa ilan na nasa Hapon. ‘At mas maraming Kristiyano sa Nagasaki kaysa sa ibang lunsod sa Hapon.’ Ngunit masisisi mo ba ang isang doktor sa pagkakasakit ng pasyente kung ang pasyente ay hindi naman sumusunod sa patnubay ng doktor? Malaon nang ipinagkikibit-balikat ng karamihan sa mga taong nag-aangking mga Kristiyano ang reseta ni Jesus para magamot ang karamdaman ng sangkatauhan. Gayunman, ibinigay ni Jesus ang lunas sa ating pang-araw-araw na mga problema at sa mga kapighatian ng sangkatauhan sa buong daigdig. Iyan ang dahilan kung bakit inaanyayahan ka naming basahin ang susunod na artikulo at tingnan mo mismo kung anong uri siya ng tao.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share