Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 12/1 p. 3-5
  • Bakit Kinatatakutan ang Apocalipsis?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Kinatatakutan ang Apocalipsis?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kasaysayan ng Pagkatakot sa Apocalipsis
  • Makatuwiran Bang Katakutan ang Apocalipsis?
  • Apocalipsis—Ano ba Iyon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Apocalipsis—Kailan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ang Apocalipsis—Dapat Bang Katakutan o Kasabikan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Malapit Na Ba ang Katapusan ng Mundo? Sinasabi Ba sa Bibliya na Magugunaw ang Mundo?
    Iba Pang Paksa
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 12/1 p. 3-5

Bakit Kinatatakutan ang Apocalipsis?

“SA LOOB ng mga dekada, inihula ng mga pundamentalistang Kristiyano na [may] malawakang pagguho ng pamayanan na malapit nang mangyari,” ang sabi ni Damian Thompson, isang manunulat tungkol sa relihiyon, sa magasing Time. “Ngayon, sa kanilang panggigilalas, hindi lamang sineseryoso ang mga pangyayaring ito, kundi ikinakalat din ito ng mga tao mismo na dating tumutuya rito: ang mga tagaprograma ng computer, mga lider ng negosyo at mga pulitiko.” Pinanindigan niya na ang kinatatakutan na pambuong-daigdig na pagkasira ng computer sa taóng 2000 “ay ganap na nagpangyari sa sekular na mga indibiduwal na maging hindi mo sukat akalaing mga milenaryo” na natatakot sa pagdating ng mga kasakunaan na gaya ng “pagkataranta ng karamihan dahil sa takot, pagkaparalisa ng pamahalaan, pagkakagulo dahil sa pagkain, pagbangga ng mga eroplano sa matataas na gusali.”

Nakadaragdag pa sa kabalisahan ng karamihan ang nakaaalarmang mga gawain ng iba’t ibang maliliit na pangkat ng relihiyon, na kadalasang tinatawag na “apocaliptiko.” Noong Enero 1999, sa isang artikulong pinamagatang “Jerusalem and the Sirens of the Apocalypse,” ganito ang sinabi ng pahayagang Pranses na Le Figaro: “Tinataya ng paglilingkod panseguridad ng [Israel] na mahigit sa isang daan ang bilang ng ‘mga milenaryo’ na nasa o malapit sa Bundok ng mga Olibo at naghihintay sa ikalawang pagdating o sa apocalipsis.”

Ang 1998 Britannica Book of the Year ay naglalaman ng isang pantanging ulat tungkol sa “mga Kulto ng Katapusan ng Mundo.” Kabilang sa ibang bagay ay binabanggit nito ang tungkol sa mga kultong nagpapatiwakal, gaya ng Heaven’s Gate, ang People’s Temple, at ang Order of the Solar Temple, at ang Aum Shinrikyo (Sukdulang Katotohanan), na nagsaayos ng nakamamatay na pagsalakay sa pamamagitan ng nakalalasong gas sa subwey sa Tokyo noong 1995, na kumitil ng 12 katao at nakapinsala sa libu-libo. Sa pagbubuod ng ulat na ito, si Martin E. Marty, propesor ng relihiyon sa University of Chicago, ay sumulat: “Ang paglilipat ng pahina ng kalendaryo sa 2000 ay nakapagpapasigla​—at halos tiyak nang pupukaw sa lahat ng uri ng mga hula at pagkilos. Ang ilan ay maaaring maging mapanganib. Magiging isang panahon ito na hindi dapat harapin nang may pagkakampante.”

Kasaysayan ng Pagkatakot sa Apocalipsis

Ang Apocalipsis, o Pagsisiwalat, ay pangalan ng huling aklat sa Bibliya, na naisulat sa pagtatapos ng unang siglo C.E. Dahil sa makahulang katangian at lubhang makasimbolikong wika ng aklat na ito, ang pang-uri na “apocaliptiko” ay kumapit sa isang anyo ng literatura na nagsimula matagal nang panahon bago pa naisulat ang aklat ng Bibliya na Apocalipsis. Ang mitolohikong simbolismo ng literaturang ito ay matatalunton pabalik sa sinaunang Persia at bago pa ang panahong ito. Kaya, ang The Jewish Encyclopedia ay bumabanggit tungkol sa “natatanging Babilonikong katangian ng karamihan sa mitolohikong mga elemento na isinama sa [apocaliptikong Judio] na literaturang ito.”

Ang apocaliptikong Judio na literatura ay nanagana mula sa pagsisimula ng ikalawang siglo B.C.E. hanggang sa pagtatapos ng ikalawang siglo C.E. Sa pagpapaliwanag sa dahilan ng mga akdang ito, isang iskolar ng Bibliya ang sumulat: “Hinati ng mga Judio ang lahat ng panahon sa dalawang kapanahunan. Nariyan ang kasalukuyang panahong ito, na lubusang masama . . . Kaya naman hinihintay ng mga Judio ang wakas ng mga bagay na ito. Nariyan ang darating na panahon na lubusang mabuti, ang ginintuang panahon ng Diyos kung saan magkakaroon ng kapayapaan, kasaganaan at katuwiran . . . Paanong ang kasalukuyang panahong ito ay magiging ang darating na panahon? Naniniwala ang mga Judio na ang pagbabago ay hindi kailanman mapangyayari ng ahensiya ng tao at, samakatuwid, sila’y umaasa sa tuwirang pakikialam ng Diyos. . . . Ang araw ng pagdating ng Diyos ay tinatawag na Ang Araw ng Panginoon at ito’y magiging isang kakila-kilabot na panahon ng pagkasindak at pagkapuksa at paghatol na magiging pasimula ng bagong panahon. Ang lahat ng apocaliptikong literatura ay bumabanggit tungkol sa mga pangyayaring ito.”

Makatuwiran Bang Katakutan ang Apocalipsis?

Ang aklat ng Bibliya na Apocalipsis ay bumabanggit tungkol sa “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat,” o Armagedon, kung saan ang mga balakyot ay mapupuksa, na susundan ng sanlibong-taóng yugto ng panahon (kung minsan ay tinatawag na Milenyo) kung kailan si Satanas ay ihahagis sa kalaliman at hahatulan ni Kristo ang sangkatauhan. (Apocalipsis 16:14, 16; 20:1-4) Noong Edad Medya, mali ang pagkaunawa ng ilan sa mga hulang ito sapagkat sinabi ng Katolikong si “San” Agustin (354-430 C.E.) na ang Milenyo ay nagsimula sa kapanganakan ni Kristo at susundan ng Huling Paghuhukom. Tila hindi gaanong pinag-isipan ni Agustin ang yugto ng panahon, ngunit habang papalapit ang taóng 1000, tumindi ang pangamba. Pinagtatalunan ng mga historyador kung gaano kalaganap ang pagkatakot na ito sa apocalipsis noong Edad Medya. Gaano man ito kalaganap, tiyak na ito’y naging di-makatuwiran.

Gayundin sa ngayon, may relihiyoso at sekular na pagkatakot na ang taóng 2000 o 2001 ay magdadala ng isang nakatatakot na apocalipsis. Subalit makatuwiran ba ang mga pagkatakot na ito? At mayroon bang dapat ikatakot sa mensahe na nasa aklat ng Bibliya na Pagsisiwalat, o Apocalipsis, o sa kabaligtaran, isa ba itong bagay na dapat nating kasabikan? Pakisuyong ipagpatuloy ang pagbasa.

[Larawan sa pahina 4]

Napatunayang di-makatuwiran ang mga pagkatakot sa Apocalipsis noong Edad Medya

[Credit Line]

Cliché Bibliothèque Nationale de France, Paris

[Picture Credit Line sa pahina 3]

Maya/Sipa Press

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share