Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w02 2/15 p. 23
  • Isang Taguang Dako sa Hangin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Taguang Dako sa Hangin
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Bulaklak ng Bundok Kahanga-hanga ang Tagal ng Buhay
    Gumising!—1989
  • Hangin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Paggamit sa Lakas ng Hangin
    Gumising!—1995
  • Mga Punungkahoy na Nakatatagal sa Pagsubok ng Panahon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
w02 2/15 p. 23

Isang Taguang Dako sa Hangin

SA itaas ng kabundukan ng alpino sa Europa, masusumpungan mong tumutubo ang isang matibay na palumpong na tinatawag na rosas ng alpino. Ang maliit na rosas ng alpino na ito ay karaniwang tumutubo sa mayayabong na mababang palumpong na nakasiksik sa lupa para sa proteksiyon laban sa malalakas na hangin sa kabundukan. Pinagbabantaan ng walang-tigil na hangin ang pag-iral ng mga halaman sa alpino sa pamamagitan ng pagpapababa ng temperatura nito, anupat nawawala ang halumigmig sa hangin at natutuyo ang lupa, at binubunot ang mga ugat nito.

Kadalasang naliligtasan ng rosas ng alpino ang mga pagsalanta ng hangin sa pamamagitan ng pagtubo sa mga bitak ng mga bato. Bagaman hindi marami ang lupa sa mga dakong ito, ang mabatong mga siwang ay naglalaan ng proteksiyon laban sa hangin at pinangyayari nitong makapag-imbak ng tubig ang halaman. Halos hindi nakikita sa kalakhang bahagi ng taon, pinapalamutian ng mga rosas ng alpino ang kanilang kanlungang bundok ng matitingkad na pulang bulaklak sa tag-araw.

Ipinaliwanag ni propeta Isaias na hihirangin ng Diyos ang “mga prinsipe,” at ang bawat isa ay magsisilbing “taguang dako sa hangin.” (Isaias 32:1, 2) Sa ilalim ng pangangasiwa ng Hari, si Kristo Jesus, ang espirituwal na mga prinsipeng ito, o mga tagapangasiwa, ay magiging gaya ng matitibay na bato, matatag sa panahon ng kaigtingan at kahirapan. Magbibigay sila ng mapananaligang kanlungan sa harap ng kagipitan at tutulong sila sa mga nangangailangan upang maingatan ang kanilang mga reserbang espirituwal na tubig na nagmumula sa Salita ng Diyos.

Ang mga hangin ng pag-uusig, panghihina ng loob, o karamdaman ay maaaring paulit-ulit na humampas sa isang Kristiyano, anupat pinangyayaring malanta ang kaniyang pananampalataya kung siya ay walang proteksiyon. Ang Kristiyanong matatanda ay makapaglalaan ng proteksiyon sa pamamagitan ng matamang pakikinig sa problema nito, na nagbibigay ng payo na salig sa Bibliya, at nagbibigay ng pampatibay-loob o praktikal na tulong. Tulad ng kanilang hinirang na Hari, si Kristo Jesus, ibig nilang tulungan yaong mga “naipagtabuyan.” (Mateo 9:36) At hangad nilang tulungan ang iba na napinsala ng mga hangin ng huwad na mga turo. (Efeso 4:14) Mahalaga ang gayong tulong sa angkop na panahon.

“Naranasan ko ang isang traumatikong panahon sa aking buhay nang iniwan ng ilang matatalik na kaibigan ang katotohanan at, kasabay nito, ang aking tatay ay dumanas ng pagdurugo sa utak,” ang paliwanag ni Miriam. “Sa pagsisikap na madaig ang aking panlulumo, nagsimula akong makipag-date sa isang boyfriend na tagasanlibutan. Di-nagtagal pagkaraan niyan, yamang nadama kong ako’y hindi karapat-dapat, ipinaalam ko sa matatanda sa kongregasyon na naipasiya kong iwan ang katotohanan, yamang natitiyak kong hindi ako maaaring ibigin ni Jehova.

“Sa kritikal na sandaling ito, ipinaalaala sa akin ng isang madamaying matanda ang mga taon noong ako’y naglingkod bilang isang ministrong regular pioneer. Sinabi niya sa akin na lagi niyang hinahangaan ang aking katapatan, at may-kabaitang hiniling niya na hayaan kong tulungan ako ng matatanda, upang muling tiyakin sa akin ang pag-ibig ni Jehova. Ang kanilang maibiging interes sa mahalagang panahong iyon ay tulad ng isang ‘taguang dako’ para sa akin noong hampasin ako ng espirituwal na bagyo. Sa loob ng isang buwan, pinutol ko ang aking kaugnayan sa aking boyfriend, at nagpatuloy ako sa paglakad sa daan ng katotohanan mula noon.”

Nadarama ng matatanda na sila’y ginagantimpalaan kapag nakikita nila ang mga kapuwa Kristiyano na lumalago sa espirituwal, dahil sa proteksiyong ibinigay sa mga ito sa tamang panahon. At ang mga “taguang dako” na ito ay nagbibigay sa atin ng patikim sa saganang espirituwal na tulong na tatamasahin natin sa Milenyong Paghahari ni Kristo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share