Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w06 7/15 p. 3
  • Ano ang Kaharian ng Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Kaharian ng Diyos?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Orihinal na Kasalanan?
    Gumising!—2006
  • Ano ang Buhay Noon sa Paraiso?
    Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
  • Nawalang Paraiso
    Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
  • Bakit Nagpapatuloy ang Kasamaan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
w06 7/15 p. 3

Ano ang Kaharian ng Diyos?

NAPAKALAKING kapahamakan ang sumapit sa sangkatauhan sa simula pa lamang ng kasaysayan ng tao! Isang anghel ang naghimagsik laban sa awtoridad ng mismong Isa na lumalang sa kaniya. Hinikayat ng rebeldeng ito ang unang babae, si Eva, na kainin ang ipinagbabawal na bunga. Tungkol sa kaniya at sa kaniyang asawang si Adan, sinabi ng anghel: “Tiyak na hindi kayo mamamatay. Sapagkat nalalaman ng Diyos na sa mismong araw na kumain kayo mula roon ay madidilat nga ang inyong mga mata at kayo nga ay magiging tulad ng Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.” (Genesis 2:16, 17; 3:1-5) Ang rebelyosong anghel ay tinawag na Diyablo at Satanas.​—Apocalipsis 12:9.

Nakinig ba si Eva sa sinabi ni Satanas? Sinasabi sa atin ng Bibliya: “Nakita ng babae na ang punungkahoy ay mabuting kainin at na iyon ay kapana-panabik sa mga mata, oo, ang punungkahoy ay kanais-nais na tingnan. Kaya siya ay nagsimulang kumuha ng bunga niyaon at kinain iyon. Pagkatapos ay binigyan din niya ang kaniyang asawa nang kasama na niya at nagsimula itong kumain niyaon.” (Genesis 3:6) Oo, ang unang mag-asawa, sina Adan at Eva, ay nakiisa sa paghihimagsik ni Satanas. Bilang resulta, naiwala nila ang Paraiso para sa kanilang sarili at para sa kanilang mga inapo. Sa halip na isilang na sakdal at may pag-asang mabuhay nang walang hanggan, ang kanilang mga anak ay magmamana ng kasalanan at kamatayan.​—Roma 5:12.

Paano tumugon ang Diyos na Jehova, ang Soberanong Tagapamahala, ng sansinukob? Nilayon niyang maglaan ng paraan para mapatawad ang mga kasalanan. (Roma 5:8) Bumuo rin ang Diyos na Jehova ng isang kaayusan ng pamamahala upang maharap ang krisis na ito. Ang kaayusang ito ay tinatawag na “kaharian ng Diyos.” (Lucas 21:31) Yamang itinatag bilang pantulong sa pansansinukob na pamamahala ng Diyos, ang Kahariang ito ay may espesipikong layunin.

Ano ba ang layunin ng Kaharian ng Diyos? Ano ang ilang pitak nito, at paano ito naiiba sa pamamahala ng tao? Kailan nagsimulang mamahala ang Kaharian? Tatalakayin ang mga katanungang ito sa susunod na artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share