Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w09 11/1 p. 3
  • Kawing-kawing na Turo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kawing-kawing na Turo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Justin—Pilosopo, Apologist, at Martir
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Justin Martyr
    Glosari
  • Mga Apolohista​—Mga Tagapagtanggol ng Kristiyanismo o mga Pilosopo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Bahagi 3—Itinuro ba ng mga “Apologist” ang Doktrina ng Trinidad?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
w09 11/1 p. 3

Kawing-kawing na Turo

“MAG-INGAT,” ang isinulat ni apostol Pablo sa mga Kristiyanong nabuhay noong huling kalahating bahagi ng unang siglo C.E. Mag-ingat sa ano? “Baka may sinumang tumangay sa inyo bilang kaniyang nasila sa pamamagitan ng pilosopiya at walang-katuturang panlilinlang ayon sa tradisyon ng mga tao.”​—Colosas 2:8.

Sa kabila ng babala ni Pablo, mula noong kalagitnaan ng ikalawang siglo C.E., itinaguyod pa rin ng ilang Kristiyano ang ideya ng sinaunang mga pilosopo upang ipaliwanag ang kanilang paniniwala. Bakit? Gusto kasi nilang tanggapin sila ng mga taong edukado sa Imperyo ng Roma at sa gayo’y marami pa silang makumberte.

Naniniwala si Justin Martyr, isa sa pinakakilala sa mga Kristiyanong ito, na ang Tagapagsalita ng Diyos ay nagpakita sa mga pilosopong Griego bago pa dumating si Jesus sa lupa. Ayon kay Justin at sa mga nagtuturo ng gayunding mga ideya, nakatulong nang malaki sa Kristiyanismo ang sinaunang pilosopiya at mitolohiya para maging katanggap-tanggap ito sa maraming tao.

Dahil sa ginawang ito ni Justin Martyr, napakarami ang nakumberte sa Kristiyanismo. Pero ang pagtanggap ng isang maling turo ay nauwi sa kawing-kawing na doktrinang itinuturo ngayon ng Kristiyanismo. Upang malaman natin ang mga ito, ihambing ang sinasabi ng sumusunod na mga reperensiya sa kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya.

[Picture Credit Lines sa pahina 3]

Devil: Barrators​—Giampolo/The Doré Illustrations For Dante’s Divine Comedy/Dover Publications Inc.; angels: Art Resource, NY; trinity relief: Museo Bardini, Florence

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share