Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w11 10/1 p. 4
  • 1 Isang Misteryo ang Diyos—Totoo ba Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 1 Isang Misteryo ang Diyos—Totoo ba Ito?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Kaparehong Materyal
  • Posible Ba Talagang Makilala ang Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Isa bang Misteryo ang Diyos?
    Gumising!—1992
  • “Sinasamba Namin ang Nakikilala Namin”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Mga Tanong sa Pag-aaral ng Brochure na Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
w11 10/1 p. 4

1 Isang Misteryo ang Diyos​—Totoo ba Ito?

Ang maaaring narinig mo: “Ang mga gawa ng Diyos ay misteryo na hindi kayang abutin ng ating isip.”

“Ang Amang Di-malirip, ang Anak na Di-malirip, at ang Espiritu Santo na Di-malirip.”​—Ang Athanasian Creed, paglalarawan sa Trinidad na itinuturo ng maraming simbahan ng Sangkakristiyanuhan.

Ang itinuturo ng Bibliya: Sinabi ni Jesus na ang mga taong ‘kumukuha ng kaalaman tungkol sa tanging tunay na Diyos’ ay tatanggap ng mga pagpapala. (Juan 17:3) Pero paano tayo makakakuha ng kaalaman tungkol sa Diyos kung isa siyang misteryo? Hindi ikinukubli ng Diyos ang kaniyang sarili, sa halip, gusto niyang makilala siya ng lahat.​—Jeremias 31:34.

Siyempre, hindi natin kailanman malalaman ang lahat tungkol sa Diyos. Dapat itong asahan dahil ang kaniyang mga kaisipan at daan ay nakahihigit kaysa sa atin.​—Eclesiastes 3:11; Isaias 55:8, 9.

Kung paano makatutulong sa iyo ang pagkaalam sa katotohanan: Kung ang Diyos ay isang di-malirip na misteryo, bakit pa tayo magsisikap na kilalanin siya? Gayunman, binibigyan tayo ng Diyos ng pagkakataong makilala siya at maging malapít na kaibigan niya. Tinukoy ng Diyos ang kaniyang tapat na lingkod na si Abraham na “aking kaibigan,” at isinulat ni Haring David ng Israel: “Ang matalik na kaugnayan kay Jehova ay nauukol sa mga natatakot sa kaniya.”​—Isaias 41:8; Awit 25:14.

Imposible ba para sa atin na maging malapít na kaibigan ng Diyos? Baka nga, pero pansinin ang sinasabi ng Gawa 17:27: ‘Ang Diyos ay hindi malayo sa bawat isa sa atin.’ Sa paanong paraan? Sa pamamagitan ng Bibliya, inilalaan ng Diyos ang kailangan natin para mas makilala natin siya.a

Sinasabi niya sa atin na ang kaniyang pangalan ay Jehova. (Isaias 42:8) Ipinasulat niya sa Bibliya kung paano siya nakikitungo sa mga tao para makilala natin ang Persona sa likod ng pangalang iyan. Higit pa riyan, ipinaaalam sa atin ng Diyos ang kaniyang damdamin. Siya ay “maawain at magandang-loob, mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan at katotohanan.” (Exodo 34:6) Nakaaapekto sa kaniyang damdamin ang ating mga ginagawa. Halimbawa, “pinagdaramdam” siya ng sinaunang Israel kapag nagrerebelde sila sa kaniya, samantalang pinasasaya siya ng mga sumusunod sa kaniya.​—Awit 78:40; Kawikaan 27:11.

[Talababa]

a Para sa higit pang impormasyon sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa Diyos, tingnan ang kabanata 1 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

[Blurb sa pahina 4]

Kung ang Diyos ay isang misteryosong Trinidad, paano natin siya makikilala?

[Picture Credit Line sa pahina 4]

The Trinity c.1500, Flemish School, (16th century)/​H. Shickman Gallery, New York, USA/​The Bridgeman Art Library International

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share