Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w12 10/1 p. 30-31
  • Huwag Maging Ambisyoso!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Huwag Maging Ambisyoso!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagwasak sa Sodoma at Gomorra
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Nilabanan ni Jesus ang Tukso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Tumanggap si Moises ng Espesyal na Atas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Makahimalang Nagpagaling si Jesus
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
w12 10/1 p. 30-31

Para sa mga Kabataan

Huwag Maging Ambisyoso!

Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.

Pangunahing mga tauhan: David, Absalom, Joab

Sumaryo: Sinubukang agawin ni Absalom ang trono mula sa kaniyang ama.

PAG-ISIPAN ANG EKSENA.​—BASAHIN ANG 2 SAMUEL 14:25-33; 15:1-17; 18:9-17, 30-33.

Ano ang naiisip mong hitsura ni Absalom? (Basahing muli ang 2 Samuel 14:25, 26.)

Ano ang iniisip mong ginagawa ni Absalom at ang tono ng boses niya habang sinisikap niyang agawin ang puso ng mga humihiling ng katarungan sa hari? (Basahing muli ang 2 Samuel 15:2-6.)

Mula sa ulat ng 2 Samuel 14:28-30, ano ang masasabi mo sa ugali ni Absalom?

PAG-ARALANG MABUTI.

Ano ang ginawa ni Absalom para maagaw niya ang trono? (Clue: Basahin ang 2 Samuel 13:28, 29. Si Amnon ang panganay na anak ni David, kaya siya ang tagapagmana ng trono.)

Sa kabila ng ambisyon ni Absalom at paghahangad niya ng kaluwalhatian, ano talaga ang tingin ng mga tao sa kaniya batay sa naging kamatayan niya? (Basahing muli ang 2 Samuel 18:17.)

Sa tingin mo, bakit kaya naging ambisyoso si Absalom? (Bilang paghahambing, basahin ang ulat tungkol kay Diotrepes sa 3 Juan 9, 10.)

Ano ang naging epekto kay David ng mga ginawa ni Absalom? (Clue: Basahin ang Awit 3, na isinulat ni David noong maghimagsik si Absalom.)

GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa panganib ng pagiging ambisyoso.

Sa sakit ng kalooban na maidudulot ng isang tao sa iba, pati na sa kaniyang mga magulang.

PARA MAGAMIT PA ANG IYONG NATUTUHAN.

Ano ang maaaring magtulak sa iyo na maging ambisyoso?

Paano mo maiiwasang maging mapagmataas?

ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?

Mungkahi: Isipin ang posibleng nangyari kung naging mapagpakumbaba lang si Absalom.​—Kawikaan 18:12.

Magpunta sa www.jw.org/tl

Basahin ang Bibliya Online

I-download o i-print ang artikulong ito

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share