Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w13 10/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkabuhay-Muli—Ukol Kanino, at Saan?
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • May Pag-asa ba ang mga Patay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Ano ang Pag-asa ng mga Patay?
    Magandang Balita Mula sa Diyos!
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
w13 10/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

May pag-asa ba ang mga patay?

Ang kamatayan ay parang pagtulog, sa diwa na walang nalalaman at walang nagagawa ang mga patay. Gayunman, maibabalik ng Maylalang ng buhay ang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. Para patunayan ito, binigyan ng Diyos si Jesus ng kapangyarihang bumuhay-muli ng ilang namatay.​—Basahin ang Eclesiastes 9:5; Juan 11:11, 43, 44.

Sa anong diwa ang kamatayan ay parang pagtulog?

Nangako ang Diyos na ang mga patay na nasa kaniyang alaala ay bubuhaying muli tungo sa buhay sa isang matuwid na bagong sanlibutan. Ang mga bubuhaying muli ay kailangang manatili sa kamatayan hanggang sa bigyan silang muli ng Diyos ng buhay. Nasasabik ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat na gamitin ang kaniyang kapangyarihan upang ibalik ang buhay ng mga namatay.​—Basahin ang Job 14:14, 15.

Ano ang mangyayari sa pagkabuhay-muli?

Kapag binuhay-muli ng Diyos ang mga tao, makikilala nila ang kanilang sarili, ang kanilang mga kaibigan, at ang kanilang pamilya. Kahit mabulok ang katawan ng isa, kayang buhaying muli ng Diyos ang taong iyon taglay ang isang bagong katawan.​—Basahin ang 1 Corinto 15:35, 38.

Kaunti lang ang bubuhaying muli upang mabuhay sa langit. (Apocalipsis 20:6) Ang karamihan ay bubuhaying muli sa isang isinauling paraiso sa lupa. Sila ay bibigyan ng bagong pasimula, na may pag-asang mabuhay magpakailanman.​—Basahin ang Awit 37:29; Gawa 24:15.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 6 at 7 ng aklat na ito, Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Mada-download sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share