Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w13 12/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Maglalaan Ba ang Diyos ng Isang Pandaigdig na Gobyerno?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Tungkol sa Kaharian ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
w13 12/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Ano ang layunin ng pagbabalik ni Kristo?

Bago umakyat si Jesu-Kristo sa langit noong 33 C.E., nangako siyang babalik siya. Itinulad niya ang kaniyang sarili sa isang maharlika na naglakbay sa loob ng mahabang panahon at nagbalik taglay ang kapangyarihang mamahala bilang hari. Ang layunin ng pagbabalik ni Jesus ay para maglaan ng mabuting gobyerno sa sangkatauhan.​—Basahin ang Lucas 19:11, 12.

Maglalaan si Jesus ng mabuting gobyerno sa sangkatauhan

Sa anong anyo babalik si Kristo? Siya ay binuhay-muli bilang isang di-nakikitang espiritung persona. (1 Pedro 3:18) Pagkatapos, umakyat siya sa langit at naupo sa kanan ng Diyos. (Awit 110:1) Nang maglaon, humarap si Jesus sa Diyos na Jehova, ang “Sinauna sa mga Araw,” na nagbigay kay Jesus ng kapangyarihang mamahala sa sangkatauhan. Kaya babalik si Jesus, hindi bilang isang tao, kundi bilang isang di-nakikitang Hari.​—Basahin ang Daniel 7:13, 14.

Ano ang gagawin ni Jesus sa pagbabalik niya?

Sa panahon ng di-nakikitang pagbabalik ni Jesus kasama ang kaniyang mga anghel, hahatulan niya ang sangkatauhan. Pupuksain niya ang masasama ngunit pagkakalooban naman niya ng buhay na walang hanggan ang mga tatanggap sa kaniya bilang Hari.​—Basahin ang Mateo 25:31-33, 46.

Kapag namahala na si Jesus bilang Hari, gagawin niyang paraiso ang lupang ito. Bubuhayin niyang muli ang mga patay at masisiyahan sila sa buhay sa Paraisong iyon sa lupa.​—Basahin ang Lucas 23:42, 43.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang pahina 73-85 ng aklat na ito, Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Mada-download sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share