Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w14 1/1 p. 4-5
  • Ang Pakikipaglaban ng Tao sa Kamatayan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pakikipaglaban ng Tao sa Kamatayan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MAAARI BANG MADAIG ANG KAMATAYAN?
  • Gaano Katagal Maaaring Mabuhay ang mga Tao?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Paano Madaraig ang Kamatayan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
  • Maaari Kang Mabuhay Magpakailanman
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • “Ang Huling Kaaway” ay Pagtatagumpayan!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
w14 1/1 p. 4-5
Isang Paraon ng Ehipto

TAMPOK NA PAKSA | KAMATAYAN BA ANG WAKAS NG LAHAT?

Ang Pakikipaglaban ng Tao sa Kamatayan

Emperador Qin Shi Huang ng Tsina at Kastilang manggagalugad na si Juan Ponce de León

EMPERADOR QIN SHI HUANG

MANGGAGALUGAD NA SI PONCE DE LEÓN

Ang kamatayan ay nakatatakot na kaaway. Nilalabanan natin ito nang ating buong makakaya. Maaaring hindi natin ito matanggap kung mangyari ito sa mahal natin sa buhay. O baka sa kasiglahan ng kabataan ay maisip natin na hindi tayo kailanman maigugupo ng kaaway na ito​—isang ilusyon na pinanghahawakan natin.

Pinag-isipan nang husto ng sinaunang mga Paraon ang tungkol sa imortalidad. Ginugol nila ang kanilang buhay​—pati na ang buhay ng libu-libong manggagawa⁠—sa pagtatangkang daigin ang kamatayan. Ang mga piramideng itinayo nila ay katibayan ng kanilang pagsisikap​—at ng kanilang kabiguan.

Pinangarap din ng mga emperador ng Tsina ang imortalidad, sa ibang paraan nga lang​—sa pamamagitan ng diumano’y makahimalang eliksir ng buhay. Iniutos ni Emperador Qin Shi Huang sa kaniyang mga alchemist na gumawa ng mahiwagang inumin para labanan ang kamatayan. Pero marami sa pinaghalu-halo nilang sangkap ang may nakalalasong mercury, at isa sa kanilang mga itinimpla ang malamang na nakapatay sa kaniya.

Noong ika-16 na siglo C.E., naglayag ang Kastilang manggagalugad na si Juan Ponce de León sa Caribbean para hanapin ang bukal ng kabataan. Sa kaniyang paghahanap, natuklasan niya ang Florida, E.U.A., pero namatay siya pagkalipas ng ilang taon matapos makipagsagupaan sa mga Katutubong Amerikano. At hindi kailanman nasumpungan ang bukal ng kabataan.

Ang mga Paraon, emperador, at manggagalugad ay pawang naghahangad na madaig ang kamatayan. Sino sa atin ang hahamak sa kanilang hangarin, kahit na ayaw natin ang kanilang pamamaraan? Sa totoo lang, gusto nating lahat na patuloy na mabuhay.

MAAARI BANG MADAIG ANG KAMATAYAN?

Bakit tayo nakikipaglaban sa kamatayan? Ipinaliliwanag ng Bibliya ang dahilan. Tungkol sa ating Maylalang, ang Diyos na Jehova,a sinasabi nito: “Ang lahat ng bagay ay ginawa niyang maganda sa kapanahunan nito. Maging ang panahong walang takda ay inilagay niya sa . . . puso [ng mga tao].” (Eclesiastes 3:11) Gusto nating masiyahan sa kagandahan ng lupa hindi lamang sa loob ng 80 o higit pang mga taon, kundi magpakailanman. (Awit 90:10) Iyan ang hangarin natin.

Bakit inilagay ng Diyos ang “panahong walang takda” sa ating puso? Para lang ba madismaya tayo? Imposible iyan. Sa kabaligtaran, ipinangako sa atin ng Diyos ang tagumpay laban sa kamatayan. Paulit-ulit na sinasabi ng Bibliya ang pangako ng Diyos na aalisin ang kamatayan at magkakaroon ng buhay na walang hanggan.​—Tingnan ang kahong “Tagumpay Laban sa Kamatayan.”

Malinaw na sinabi ni Jesu-Kristo: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Kaya maaaring magtagumpay sa pakikipaglaban sa kamatayan. Tinitiyak ni Jesus na ang Diyos lamang ang makagagawa nito para sa atin.

a Jehova ang pangalan ng Diyos gaya ng sinasabi sa Bibliya.

Tagumpay Laban sa Kamatayan

  • “Lalamunin niya ang kamatayan magpakailanman, at tiyak na papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang mga luha mula sa lahat ng mukha.”​—Isaias 25:8.

  • “Ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawat isa na nakakakita sa Anak at nananampalataya sa kaniya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.”​—Juan 6:40.

  • “[Ang] huling kaaway, ang kamatayan ay papawiin.”​—1 Corinto 15:26.

  • “[Mayroon tayong] pag-asa sa buhay na walang hanggan na ipinangako ng Diyos, na hindi makapagsisinungaling, bago pa ang lubhang mahabang mga panahon.”​—Tito 1:2.

  • “Papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan.”​—Apocalipsis 21:4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share