Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w14 5/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Hinahayaan ng Diyos ang Kasamaan at Pagdurusa?
    Magandang Balita Mula sa Diyos!
  • Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Kasamaan at Pagdurusa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Sino ang Kumokontrol sa Mundo?
    Sino Talaga ang Kumokontrol sa Mundo?
  • Bakit Napakaraming Pagdurusa?
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
w14 5/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Sino talaga ang namamahala sa mundong ito?

Digmaan, krimen, karahasan, at kalamidad

Kung talagang ang Diyos ang namamahala sa mundong ito, bakit napakaraming pagdurusa?

Naniniwala ang maraming tao na ang tunay na Diyos ang namamahala sa mundong ito. Pero kung totoo iyan, bakit napakaraming pagdurusa sa lupa? (Deuteronomio 32:4, 5) Sinasabi ng Bibliya na ang mundo ay kontrolado ng isa na napakasama.​—Basahin ang 1 Juan 5:19.

Paano naging kontrolado ng isa na napakasama ang sangkatauhan? Sa pasimula ng kasaysayan ng tao, isang anghel ang nagrebelde sa Diyos, at hinikayat niya ang unang mag-asawa na magrebelde rin. (Genesis 3:1-6) Pinili ng mag-asawang ito na sumunod sa rebeldeng anghel na iyon, si Satanas. Kaya siya ang naging tagapamahala nila. Ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang tanging karapat-dapat na Tagapamahala. Pero gusto niyang piliin ng mga tao ang kaniyang pamamahala dahil mahal nila siya. (Deuteronomio 6:6; 30:16, 19) Nakalulungkot, nailigaw rin ang karamihan sa mga tao at tinularan ang maling pagpili ng unang mag-asawa.​—Basahin ang Apocalipsis 12:9.

Sino ang lulutas sa mga problema ng tao?

Hahayaan ba ng Diyos si Satanas na magpatuloy sa kaniyang masamang pamamahala? Hindi! Gagamitin ng Diyos si Jesus para alisin ang kasamaang ginawa ni Satanas.​—Basahin ang 1 Juan 3:8.

Binigyan ng Diyos ng kapangyarihan si Jesus para puksain si Satanas. (Roma 16:20) Pagkatapos, mamamahala ang Diyos sa sangkatauhan, at ibabalik niya sa mga tao ang maligaya at payapang buhay, gaya ng orihinal na layunin niya.​—Basahin ang Apocalipsis 21:3-5.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 3 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share