Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w14 12/1 p. 7
  • Ang Pinakamabuting Paraan ng Pamumuhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pinakamabuting Paraan ng Pamumuhay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Malapít Ka Ba sa Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Paano Ako Magiging Malapit sa Diyos?
    Gumising!—1986
  • Bakit Dapat Kang Magpatuloy?
    Magandang Balita Mula sa Diyos!
  • Puwede Kang Maging Malapít sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
w14 12/1 p. 7
Lalaking nagbabasa ng Bibliya

TAMPOK NA PAKSA | MAAARI KANG MAGING MALAPÍT SA DIYOS

Ang Pinakamabuting Paraan ng Pamumuhay

Ano ang maaari mong gawin para maging malapít sa Diyos? Ito ang mga natalakay nating hakbang na puwede mong gawin para magkaroon ng malapít na kaugnayan sa kaniya:

  1. Alamin at gamitin ang pangalan ng Diyos na Jehova.

  2. Regular na makipag-usap sa kaniya sa pamamagitan ng panalangin at pag-aaral ng kaniyang Salita, ang Bibliya.

  3. Laging gawin ang mga bagay na nakalulugod kay Jehova.

Lalaking nananalangin

Maging malapít sa Diyos sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang pangalan, pananalangin sa kaniya, pag-aaral ng kaniyang Salita, at paggawa ng mga bagay na nakalulugod sa kaniya

Batay riyan, masasabi mo bang nagagawa mo ang kailangang gawin para maging malapít sa Diyos? Mayroon ka pa bang dapat pasulungin? Kailangan talaga ang pagsisikap, pero tingnan mo ang mga resulta.

“Sulit ang bawat pagsisikap para maging malapít sa Diyos,” ang sabi ni Jennifer na taga-Estados Unidos. “Ito ay nagdadala ng maraming pagpapala: lalo tayong nagtitiwala sa Diyos, lalo nating nauunawaan ang kaniyang katangian, at higit sa lahat, lalo natin siyang mamahalin. Ito ang pinakamabuting paraan ng pamumuhay!”

Kung gusto mong maging malapít sa Diyos, malulugod ang mga Saksi ni Jehova na tulungan ka. Maaari silang makipag-aral ng Bibliya sa iyo nang walang bayad. Inaanyayahan ka ring dumalo sa kanilang mga pulong sa Kingdom Hall sa inyong lugar, kung saan masisiyahan ka sa pakikisama sa mga taong nagpapahalaga sa kanilang kaugnayan sa Diyos.a Sa paggawa nito, madarama mo rin ang nadama ng salmista na nagsabi: “Kung tungkol sa akin, ang paglapit sa Diyos ay mabuti para sa akin.”—Awit 73:28.

a Para humiling ng isang pag-aaral sa Bibliya o malaman kung saan ang Kingdom Hall na malapit sa inyo, tanungin ang Saksi ni Jehova na nagdala ng magasing ito o magpunta sa aming website, www.jw.org/tl at tingnan sa ilalim ng MAKIPAG-UGNAYAN SA AMIN sa pinakababa ng pahina.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share