Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 1/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Hayop
    Gumising!—2015
  • Mapupunta Ba sa Langit ang mga Hayop?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Nagmamalasakit ba ang Diyos sa mga Hayop?
    Gumising!—2011
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 1/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Ano ang nag-uudyok sa maraming tao para maniwala na may isang Maylalang?

Tuwang-tuwa ang nanay sa kaniyang anak

Hindi ba kamangha-mangha ang buhay?

Isinulat ng isang makata mga 3,000 taon na ang nakalipas: “Sa kakila-kilabot na paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin.” (Awit 139:14) Hindi ka ba namamangha kapag pinag-iisipan mo kung paano nabubuo ang isang sanggol mula sa isang selula? Kinikilala ng marami na ang Maylalang ang nagdisenyo ng lahat ng bagay na may buhay.​—Basahin ang Awit 139:​13-17; Hebreo 3:4.

Ang Isa na lumalang sa uniberso at gumawa ng lupa para tirhan ang siya ring lumalang ng buhay. (Awit 36:9) Nakipag-usap siya sa mga tao at ipinakilala ang kaniyang sarili.​—Basahin ang Isaias 45:18.

Galing ba tayo sa hayop?

Kung titingnan, ang ating katawan ay kahawig ng sa mga hayop. Pero ito ay dahil sa parehong dinisenyo ng Maylalang ang tao at hayop para mabuhay sa lupa. Nilalang niya ang unang tao, hindi mula sa hayop, kundi mula sa lupa.​—Basahin ang Genesis 1:24; 2:7.

Naiiba ang tao mula sa hayop sa dalawang mahalagang dahilan. Una, ang mga tao ay may kakayahang makilala, ibigin, at igalang ang Maylalang. Ikalawa, ang mga hayop ay hindi dinisenyo para mabuhay magpakailanman, samantalang ang mga tao ay gayon ang pagkakadisenyo. Pero ngayon, namamatay ang mga tao dahil tinanggihan ng unang tao ang patnubay ng Maylalang.​—Basahin ang Genesis 1:27; 2:​15-17.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 1 ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share