Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 8/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Atin?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Ang Tunay na Layunin ng Buhay
    Gumising!—1992
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 8/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Ganito na lamang ba ang buhay?

Isang may-edad na lalaki at isang sanggol na nakatanaw sa malayo

Iniisip mo ba kung minsan na napakaikli ng buhay?

Naisip mo na ba kung ang buhay ay basta lang paglalaro, pagtatrabaho, pag-aasawa, pagpapamilya, at pagtanda? (Job 14:1, 2) Ipinakikita ng Bibliya na pinag-iisipan ito kahit ng matatalinong tao.—Basahin ang Eclesiastes 2:11.

May kabuluhan ba ang buhay? Una, itanong natin, Paano nagsimula ang buhay? Matapos isaalang-alang ang kahanga-hangang disenyo ng ating utak at katawan, marami ang kumbinsido na ginawa tayo ng isang matalinong Maylalang. (Basahin ang Awit 139:14.) Kung gayon, tiyak na may dahilan kung bakit niya tayo nilalang! Kung aalamin natin ito, mas magiging makabuluhan ang ating buhay.

Bakit nilalang ang tao?

Pinagpala ng Diyos ang unang mag-asawa at binigyan sila ng kapana-panabik na atas. Layunin niya na punuin nila ang lupa, gawin itong isang paraiso, at mabuhay magpakailanman.—Basahin ang Genesis 1:28, 31.

Naantala ang layunin ng Diyos nang magrebelde ang mga tao sa kaniyang pamamahala. Pero hindi tayo itinakwil ng Diyos, at hindi rin niya binago ang kaniyang layunin para sa atin at sa lupa. Tinitiyak sa atin ng Bibliya na gumawa siya ng paraan para iligtas ang mga taong tapat at matupad ang layunin niya para sa lupa! Kaya gusto ng Diyos na maranasan mo ang buhay ayon sa nilayon niya! (Basahin ang Awit 37:29.) Alamin mula sa Bibliya kung paano ka personal na makikinabang sa layunin ng Diyos.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 3 ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share